Chapter 26: Hindi na kita kilala
Kylie's POV
Nang nahuli na 'yong lalaki at naging maayos na ang lahat. Lumabas na kami sa police station.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.
Nakatulala pa rin ako ngayon at hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Nandidiri ako sa tuwing iisipin ko ang nangyari na 'yon.
Habang naglalakad kami pa puntang sa-sakyan namin ay nakita ko si Blake at Kate.
"Kylie, anong nangyari?!" Pag aalalang tanong ni Kate.
"Kylie, anong ginawa sa'yo?! Nasaktan ka ba?!" Pag aalalang tanong din ni Blake.
Napatingin ako sa kanilang dalawa. Walang emosyon ang aking mukha.
Ayokong manisi. Pero, hindi ko mapigilan ang sarili ko sa loob ko.
Bakit parang pakiramdam ko, napabayaan ako? Bakit pakiramdam ko, pinabayaan ako ni Blake?
Hindi nalang ako nagsalita at nilagpasan ko silang dalawa.
Habang pauwi kami ng bahay ay hindi ko mapigilang hindi maluha.
"It's just a test, Kylie. I test mo ko, na lahat ng mga sa-sabihin kong pangako sa'yo tignan mo kung matutupad ko."
Napapikit ako. 'Yong akala ko na masayang araw ay pinalitan lang niya ng kasuklam-suklam na pangyayari.
Ayoko sanang magalit sa kaniya. Pero, dapat ay bumalik sila ni Kate roon. Dahil wala naman akong dalang sa-sakyan para umuwi.
Hindi man lang nila kami inisip. Na baka mapano si manang. Baka kung ano ang mangyari sa'min kapag nag commute kami.
Napasinghap nalang ako at natulog.
-
"Kylie, anak. Nandito na tayo." Gising sa'kin ni mommy.
Pagkamulat ko ng mga mata ko ay nandito na kami sa bahay namin.
Agad akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa bahay.
Inalalayan naman ni mom si manang.
"Kylie, ano bang nangyari? Bakit hindi mo dala ang sasakyan mo?" Tanong sa'kin ni Dad.
"Dad, pwede po ba bukas nalang? Masama po ang pakiramdam ko ngayon eh." Sagot ko kay Dad. Nakita ko ang pagbuntong hininga niya at parang alalang alala siya sa'kin.
"Pagpahingahin mo muna sila." Sabi ni mom kay dad.
Si mommy ay tinulungan ang nanghihinang si manang patungong kwarto niya.
"Mom, pakainin at painumin niyo po si manang ng gamot niya. Please? Huwag niyo po akong aalalahanin. Kaya ko na po ang sarili ko." Sabi ko kay mommy at agad naman siyang tumango.
Bakas pa rin ang pag aalala sa'kin ni mommy. Pero hindi ko nalang 'yon pinansin.
Pumunta na agad ako sa aking kwarto at nilock 'yon.
Napaupo ako sa sahig at sinabunutan ko ang sarili kong buhok.
Sa tuwing naalala ko ang nangyari ay hindi ko mapigilang maluha.
"Ughhh!" Sigaw ko habang umiiyak.
Nandidiri ako sa sarili kong katawan. Kahit na hindi 'yon natuloy ay napaka sakit pa rin nu'n para sa'kin. Lalo na ang fact na iniwan kami ni Blake at Kate doon kaya ganoon ang nangyari.
I'm really disappointed! Dalawang taong pinagkakatiwalaan ko ay iniwan lang kami doon! Kung sana hindi nila kami iniwan doon at binalikan nila kami, hindi sana mangyayari 'to sa'kin!
BINABASA MO ANG
Hold On (COMPLETED)
RomanceHighest Rank Achieve: #166 in Romance THE SEQUEL BOOK OF "THE 7 STEPS TO MOVE ON" Ang kahulugan ng pag-ibig ay hindi nasusukat sa saya at lungkot. Sa pagbigay at pagtanggap. Sa ginhawa at sa sakit. Kundi ang pagmamahal ay patungkol sa PAGKAPIT. Pagk...
