Chapter 18: Testing

1.3K 36 5
                                    

Chapter 18: Testing

Kylie's POV

"Sige na nga!" Nakangiti kong sagot sa kaniya at humarap ako sa kaniya. Ganoon din ang ginawa niya.

So, magkaharap kami ngayon sa isa't isa pero malaki pa rin ang pagitan naming dalawa.

"One.. two.. three go.."

Hayaan mo sila - Ex Battalion & OC Dawgs

Kalimutan mo na yan, sige sige maglibang
'Wag kang magpakahibang, dapat ay itawa lang
Ang problema sa lalaki dapat hindi iniinda
Hayaan mo sila ang maghabol sa'yo diba?
Sabi ko naman sa'yo lahat yan nagloloko
Pagkatapos kang pakinabangan, biglang lalayo
Kaya 'wag nang uulit pa
Kaya 'wag nang uulit pa

Hindi ko mapigilang humalakhak. Sira ulo talaga ang isang 'to! Sige, makakatulog nga ako sa kanta nyang ito!

At talagang pinalitan pa niya ang lyrics ng kanta! Dapat ay babae 'yon eh. Ginawa niyang lalaki. Hahaha!

"What? Hahahaha." Natatawang tanong niya sa'kin.

"Ewan ko sa'yo, Blake. Baliw ka talaga! Sabi ko, ka-kantahan mo 'ko para makatulog ako eh."

"Kinantahan naman kita ah?"

"'Di naman ako makakatulog n'yan eh!" Sigaw ko sa kaniya at agad ko siyang binato ng unan. Agad naman niya itong inalis at nakangiting tumingin sa'kin.

Mga ilang segundo ay sumeryoso ang mukha niya at saka nagsalita.

"Pero, totoo 'yong sinabi ng kanta." Sabi ni Blake.

"Huh?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Ang problema sa babae o lalaki dapat hindi iniinda. Lalo na kung hindi worth it i-inda." Seryoso niyang sabi sa'kin.

Hindi ako nakapagsalita.

"Who is that guy?" Seryoso niyang tanong sa'kin.

Kumunot naman ang noo ko, kahit alam ko kung sino ang tinatanong niya sa'kin.

"Who is that guy na nang-iwan sa'yo? 'Yan kasi ang sabi ni Diana nung nag-away kayo. May nang-iwan daw sa'yo. Who is that?"

"Wala 'yon." Sagot ko at saka ako nag-iwas ng tingin.

"Sino nga?" Tanong niya.

Tumingin ako sa kaniya.

"Just a non-sense guy na tinuruan ako kung paano mag-move on. Magmahal ng tao. Huwag maging tanga. And in the end, iniwan ako para sa iba." Sagot ko sa kaniya.

"Hayaan mo sila ang maghabol sa'yo diba."

Natawa ako nang kinanta niya ang line na 'yon.

"Hayaan mo silang maghabol sa'yo, Kylie. Tandaan mo, hindi ikaw ang nawalan kundi sila." Nakangiti niyang sabi sa'kin.

Napangiti naman ako.

"Pero may isang line sa lyrics ng kantang 'yon ang hindi ko sinasang-ayunan." Sabi niya.

"What line? Kantahin mo nga ulit."

"Sabi ko naman sa'yo lahat yan nagloloko." Kanta niya.

"Hindi nga ba? 'Yan ang sabi niya sa'kin dati eh. Na.. ako lang, na hindi niya kaya kung wala ako.. na hindi niya ako i-iwanan. Actually, siya 'yong pinaka-matino na guy na nakilala ko sa buong buhay ko aside from my dad. Pero.. still.. nagawa niya pa rin akong iwan." Seryoso kong sabi sa kaniya.

"And do you think, lahat ng lalaki ganoon?" Tanong niya sa'kin.

"Dalawang beses na 'kong naloko, magkasunod pa. Ano sa tingin mo ang magiging sagot ko? Syempre, oo." Sagot ko.

Ilang segundo siya nanahimik bago magsalita.

"K-Kylie, p-pwede ba 'kong maging testingan mo?" Tanong niya.

"Huh?"

"P-pwede ko bang patunayan sa'yo na hindi lahat ng lalaki nagloloko?" Tanong niya na ikinagulat ko.

Hindi ako nakapagsalita.

"It's just a test, Kylie. I test mo ko, na lahat ng mga sa-sabihin kong pangako sa'yo tignan mo kung matutupad ko." Nakangiting sabi niya sa'kin.

"Hmm.. sige! Anong una mong pangako?" Tanong ko. Sa-sakyan ko nga ang trip ng isang 'to! Hahaha!

"Hindi kita pa-pakawalan kahit anong mangyari." Seryoso niyang sabi sa'kin.

Nagulat naman ako. Etong lalaking 'to...

"Joke lang! Hahaha." Natatawang sabi niya sa'kin.

Agad ko naman siyang inirapan. Eto talagang si Blake palabiro.

"Hmm.. li-libre kita ng kahit anong gusto mo after this project." Sabi niya.

"Oh, sure!" Masigla kong sagot sa kaniya.

Sino ba naman ang a-ayaw sa ganito?

"Hahahaha. Okay!" Sabi niya.

"Blake, kantahan mo na 'ko! 'Yong seryoso! Gusto ko nang matulog." Sabi ko sa kaniya.

Gusto ko na talagang matulog! Baka kasi mapuyat kami neto at wala kaming energy para bukas.

"Okay sige.." sabi niya.

Ikaw Na Nga - Daryl Ong

Parang biro lamang
Dumating ang tulad mo
At may isang pag ibig
na tapat at totoo

Hindi ko maiwasang hindi ma-mangha. Maganda rin ang boses niya! Sobrang talented naman ng isang 'to, marunong na nga sumayaw marunong pang kumanta! Bakit kaya hindi siya nag artista? Bakit siya nag business? Hmm.. Ah.. Alam ko na! Syempre, businessman at businesswoman both parents niya. Like mine. Pero, ang pinagkaiba namin. Ginusto ko talaga ang business. Siya kaya? Gusto niya ba talaga 'to?

Dahil sayo'y naramdaman
Ang tunay na pagmamahal
Iniibig kita kahit sino ka man

Habang kinakantahan niya ako ay nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko. Damdam na damdam niya ang bawat words ng kantang 'to. May lovelife na siguro ang isang 'to?

Ikaw na nga
Ang hinahanap ng puso
Ang siyang magbibigay ng saya ng tamis
At lambing sa buhay ko,

Pumikit ako. Kinikilabutan ako sa lamig ng boses niya. Ang sarap pakinggan. 'Yong para bang siya talaga 'yung kumanta. At a-aminin ko.. kinikilig ako. Dahil feeling ko, ako ang inaalala niya habang kinakanta niya! Hahaha. Nag fe-feeling lang naman ako, dahil alam kong hindi totoo.

Ikaw na nga
Ang bawat panaginip ko
Sa piling mo'y nagkatotoo,
Ang lahat ng mga pangarap ko
Ikaw na nga ito

Dinilat ko ang mga mata ko. Napangiti ako. Hindi ko pa masyadong kilala si Blake, pero feeling ko ay safe ako sa kaniya. Kahit na minsan ay puro siya kalokohan. Natawa ako.

Palaging mayroong kulang
Sa isang pagmamahal
Ang tanging kailangan
Puso ay mapagbigyan
Dahil sayo'y naramdaman
Ang tunay na pagmamahal
Iibigin kita kahit sino ka man

Unti-unti nang bumibigat ang talukap ng mga mata ko.

Ikaw na nga
Ang hinahanap ng puso
Ang siyang magbibigay ng saya ng tamis
At lambing sa buhay ko,
Ikaw na nga
Ang bawat panaginip ko
Sa piling mo'y nagkatotoo,
Ang lahat ng mga pangarap ko
Ikaw na nga ito

Kasabay ng pagtapos niya ng kanta ay ang pagpikit naman ng mga mata ko.

Nakatulog na ako.

To be continued.

Hold On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon