Chapter 40: Kisame
Blake's POV
Kahit na hindi ipakita ni Kylie sa'kin na nagulat siya dahil sa sinabi sa'kin ni Kate. Halatang-halata sa kaniyang mukha ang gulat at pag aalala niya. Hindi ko sigurado kung ano ang inaalala niya. Kung 'yung pagkagusto ba sa'kin ni Kate o kung 'yung dahilan ng ex niya kung bakit siya hiniwalayan.
Sa totoo lang, kung si Kate ang pinag aalala niya. Dapat ay hindi na siya mag-isip tungkol doon dahil kailanma'y hindi ko magugustuhan si Kate. Si Kylie lang ang mahal ko. At walang makakapagbago nu'n.
At kung 'yong ex naman niya ang pinag aalala niya, hindi na rin niya dapat isipin 'yon. Tapos na silang dalawa. Iniwan na siya ng lalaking 'yon. At kahit na anong rason man ang sabihin niya, hindi pa rin mawawala ang fact na iniwan niya si Kylie. Hindi ko siya hahayaan na bumalik siya sa buhay ni Kylie. Lalo na ngayon, na akin na siya.
"Kylie! Gusto ko ng maligo! Kating kati na 'ko!" Sigaw ko kay Kylie na nasa C.R. Hays, ilang araw na akong hindi naliligo. Hmm.. 14 days na akong hindi naliligo! Kailan ba ako balak paliguan neto?
"Wait lang!" Sigaw niya mula sa banyo.
At nang makalabas na siya sa C.R ay nagsalita siya.
"Tatanungin ko muna kay Doc kung pwede ka nang maligo." Sabi niya sa'kin.
Napabuntong hininga ako. Damn! Kapag hindi pa pumayag si Doc na maligo ako. Mangangamoy basura na rito sa hospital!
"Oh sige." Sagot ko.
Mga ilang minuto lang ay bumalik na si Kylie.
"Oh, pwede na raw." Sabi niya.
"YES! MAKAKALIGO NA RIN AKO!" Sigaw ko sa tuwa.
"Basta, ingatan lang daw ang ulo huwag daw babasain. Katawan lang. Saka dapat daw ay may tutulong sa'yo dahil mahina pa ang katawan mo." Paliwanag niya.
Agad naman akong ngumisi. Syempre, siya 'yong tutulong sa'kin! Yes! Pagkakataon ko na 'to! Wahahaha!
"Anong nginingisi mo d'yan?! Hindi ako ang tutulong sa'yo 'no! 'Yong nurse!" Sigaw niya sa'kin.
Kumunot naman ang noo ko.
"Kylie, tama ba ang naririnig ko ngayon?! Hahayaan mo na 'yong nurse na 'yon ang magpaligo sa'kin?! Baka i rape ako ng isang 'yon! Mahina pa naman ang katawan ko, huhu. Kawawa naman ako." Pag arte ko sa kaniya.
"Pero kung ikaw ang magpapaligo sa'kin, ayos lang. Kung i rape mo na rin ako, ayos lang din. Sa totoo lang, matutuwa pa ako nu'n." Nakangisi kong sabi sa kaniya.
"UGHH! NAKAKAINIS KA! OO NA! AKO NA ANG MAGPAPALIGO SA'YO! ANG DAMI MO PANG SINASABI!" Sigaw niya sa'kin.
Napahalakhak naman ako! Yes! Nasa akin ang huling halakhak! Wahahaha!
Inilabas ni Kylie ang damit ko na pamalit at inayos niya ang mga gamit doon sa C.R.
Tinulungan niya akong tumayo at siya na rin ang nagdala ng dextrose ko.
Hindi biro ang sakit ng katawan ko. Ang sakit talaga! Ilang araw ba naman akong hindi gumalaw!
"Ayos ka lang?" Tanong niya sa'kin.
"Oo, basta huwag mo kong bibitawan." Sabi ko sa kaniya. Nakaakbay ako sa kaniya ngayon.
"Huwag kang mag aalala, kahit kailan hindi kita bibitawan." Sagot niya.
Naks naman! Kinilig ako roon ah.
Kinurot ko ang pisngi niya at napangiti naman siya. Haay, that smile of Kylie. Ewan ko ba, pero simula nung nakilala ko siya nagliwanag ang buong mundo ko.
BINABASA MO ANG
Hold On (COMPLETED)
RomanceHighest Rank Achieve: #166 in Romance THE SEQUEL BOOK OF "THE 7 STEPS TO MOVE ON" Ang kahulugan ng pag-ibig ay hindi nasusukat sa saya at lungkot. Sa pagbigay at pagtanggap. Sa ginhawa at sa sakit. Kundi ang pagmamahal ay patungkol sa PAGKAPIT. Pagk...
