Chapter 29: Hindi ako masaya

1.3K 33 3
                                    

Chapter 29: Hindi ako masaya

Kylie's POV

"Paano ka nakaka sigurado na hindi mo na siya mahal?" Tanong sa'kin ni Blake habang inaayos namin ang mga pinamili namin sa likod ng kotse niya.

"Blake, kanina mo pa tinatanong 'yan. Hindi ko na nga siya mahal, okay?"

"Paano ka nga nakakasigurado---"

Tumigil ako sa pag aayos at tumingin ako ng mariin sa kaniya. Napatigil din siya.

"Dahil nung nakita ko siya ulit nung muntik na akong gahasain, wala na akong naramdaman na excitement. At nung nakita ko siya na may ibang babae nakasama, hindi na ko nakakaramdam ng galit. Wala na akong nararamdaman. As in wala na." Sabi ko sa kaniya.

"Baka manhid ka na?"

Natawa naman ako.

"Hindi ako manhid 'no! Natuto lang akong magpatawad sa tao kahit na hindi siya humingi ng tawad. Kasi kung iisipin mo, kung magagalit ako sa kaniya habang buhay. Ako lang ang magdadala nu'n. Papahirapan ko lang ang sarili ko. Kaya kahit na 'di na siya mag sorry, napatawad ko na siya." Paliwanag ko sa kaniya.

"Hmm.. tama naman. Pero, paano kung bumalik siya sa'yo? Bi-bigyan mo ba siya ulit ng chance?"

"Depende sa sitwasyon."

"Paanong depende sa sitwasyon?"

"Kapag katanggap tanggap ang reason niya kung bakit niya ako iniwan dati at wala pa akong mahal na iba. Pwedeng bumalik ang feelings ko. Pero kapag hindi ganoon. Hindi na." Sagot ko sa kaniya.

Agad naman siyang tumango at nagpatuloy sa pag aayos ng gamit.

Libre raw niya eh. Kaya ayun, sinagad ko na. Hahaha! Bumili ako ng mga damit, make up at kung ano-ano pa. Nahihiya na nga ako eh, pero sabi niya "go" lang! Kaya ayon! Hahaha. Bumili rin kami ng mga pagkain para kay Mom and Dad. At syempre para kay manang.

Nang matapos kaming mag-ayos ay agad kaming sumakay sa kotse.

"Blake, kailan ka nag start sumayaw?" Tanong ko sa kaniya.

"Since High School." Sagot niya.

"Eh, bakit ang ganda rin ng boses mo? Sobrang talented mo naman." Papuri ko sa kaniya.

"Ganoon talaga kapag gwapo, Kylie." Sabi niya sa'kin at saka kumindat.

Ang kapal talaga ng mukha ng isang 'to!

"Oo na! Ikaw na talaga." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Ang alin? Ang hinahanap ng 'yong puso?"

"Hahahahaha! Ewan ko sa'yo! Kanta 'yon eh."

Tumawa rin siya.

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong nagpatulong sa guard namin para kunin ang lahat ng mga pinamili ni Blake para sa'kin.

Habang pinapasok ni manong 'yon ay napagpasalamat ako kay Blake.

"Blake, salamat sa lahat ng 'to ah? Ikaw kasi eh. Sabi mo sagot mo lahat. Kaya ayan, sinagad ko na!" Natatawang sabi ko sa kaniya.

Natawa naman siya.

"Wala 'yun, Kylie. Langgam lang sa'kin 'yan." Mayabang niyang sabi.

"Hahahaha. Oo na!" Sabi ko sa kaniya.

"Oh sige, bye na. Baka hinahanap ka na ng parents mo." Nakangiti niyang sabi at papasok na sana sa kotse niya nang biglang may tumawag sa kaniya.

"Mr. Jefferson! Kumain ka na rito sa bahay." Narinig kong banggit ni dad na nasa likuran ko.

Nakita ko na nanlaki ang mga mata ni Blake sa sinabi ni dad.

"Oo nga, dito ka na kumain." Sabi ni mom.

Ang aga ata nila ngayon? Mga 5PM palang kasi. Ang usual time na umuuwi sila Mom and Dad ay mga madaling araw na.

"U-uhm.. sige po." Nahihiyang sabi ni Blake.

Nang makapasok kami sa bahay ay tinanong ni Mommy kung bakit ang dami ko namang binili.

"Mom, libre 'yan sa'kin ni Blake. Kaya ayan, sinagad ko na!" Natatawang bulong ko kay Mommy.

"Ikaw talaga! Hindi ka na nahiya kay Mr. Jefferson!" Sabi ni mom sa'kin.

Natawa naman ako.

-

Kumain na kami ngayon ng napakasarap na Kare-Kare ni mommy.

Magkatabi si Mom and dad. Magkatabi naman kami ni Blake. At si manang ay nasa gitna.

"Mr. Jefferson, ang galing mong magpatakbo ng kompanya. Manang-mana ka sa daddy mo." Puri ni Dad sa kaniya.

Naalala ko tuloy 'yong mga time na naiinggit ako kay Blake dahil siya, pinagkakatiwalaan ng daddy niya sa pagpapatakbo ng kompanya niya at ako naman ay hindi.

Napailing naman ako. I'm so childish at that time. Hindi ako makuntento sa kung anong ibinibigay sa'kin.

"Thanks po." Sagot ni Blake.

"Close pala kayo nitong si Kylie. Ano? Maganda ba ang pagtra-trabaho ni Kylie sa inyo?" Tanong ni mom.

Napatingin sa'kin si Blake. Binigyan ko siya ng masamang tingin na nagsasabing, "ayusin mo ang sagot mo."

Natawa naman si Blake sa'kin at tumingin kay Mom.

"Magaling po siya. First time niya pong mag trabaho, right? And VP po agad ang pwesto niya. I can tell that she's really excellent. I know the pressure kapag first time mo palang, but hindi ko po nakita sa kaniya 'yon." Sabi ni Blake sa kanila.

Hindi ko naman maiwasang hindi mahiya. My gosh!

"So... Isa, pwede na siya." Sabi ni dad kay mom.

Anong pwede na? Hindi ko sila maintindihan.

"Kylie, alam ko na magtatampo ka sa'min ng mommy mo dahil hindi namin pinagkatiwala sa'yo ang kompanya natin. Dahil, pinasok ka namin sa ibang kompanya. Gusto kong malaman mo Kylie na... sinadya namin 'yon. Para mag grow ka. Gusto ko na matuto ka, na makihabilo sa iba pang tao. Gusto ko na matuto ka na mas may nakakataas pa sa'yo. Gusto ka namin maging humble, anak. Although, alam naman naming hindi ka ganon. Gusto pa rin namin na matuto ka by experience. At ngayon na, nakikita namin na pwede na. Na natuto ka na. Na nag grow ka na. Ipapasok ka na namin sa kompanya as the President of Mendoza's Company!" Nakangiting sabi ni Dad.

What? Li-lipat na ako? Bakit parang hindi ako masaya?

Napatingin ako kay Blake at nakita ko na pilit siyang ngumiti sa'kin.

Noon, gustong-gusto ko siyang pabagskin, siraan para lang ako ang maging President ng kompanya nila. Para mapatunayan kela mom and dad na karapat-dapat ako sa mismong kompanya namin. Pero ngayon, na ilalagay na nila ako as a President ng mismong kompanya namin. Bakit parang hindi ako masaya? Bakit parang may maiiwanan ako? Bakit parang masakit?

"Pero Kylie, ikaw pa rin ang bahala. It's either you stay to that company o sa mismong kompanya natin. Kung saan ka mas comfortable, anak. Doon kami. Su-suportahan ka namin." Nakangiting sabi sa'kin ni Mommy.

To be continued.

Hold On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon