Chapter 13: Bagay

1.4K 54 2
                                        

Chapter 13: Bagay

Kylie's POV

"Hello, everyone! My name is..."

Napasinghap ako. Ilang beses ko nang narinig 'yan ngayong araw. Ang dami ng nag audition ngayong araw. Pero hanggang ngayon, wala pa rin kaming napipili!

'Yong iba kasi masyadong O.A, yung iba naman masyadong pabebe. 'Yong iba, parang pumunta lang dito para kay Blake! Nakakainis!

Napairap ako sa hangin. Kailan ba matatapos 'to?!

"Cut muna! Huwag muna kayo magpapasok. Mag break time muna kayo." Sabi ni Blake sa lahat.

Narinig ko ang bulong-bulungan ng mga empleyado rito... na sa wakas ay makakapag-pahinga na rin sila kahit kaunting oras lang.

Napasandal ako sa aking upuan.

"At ngayon?! Nakalimutan mo na nga ba talaga siya?! Baka nga isang kita mo palang sa kaniya, manlalambot agad 'yang tuhod mo!"

Napapikit ako sa inis!

Hindi ko pa rin nakikita ulit ngayon si Brylle, pero isa lang ang sigurado ako.

Naka move-on na 'ko sa kaniya.

Siya pa nga ang nagturo sa akin kung paano mag move-on! Siguro sinabi niya ang walang saysay na 7 steps na 'yon para kapag i-iwan na niya 'ko, marunong na ako kung paano! And thanks to him, nagamit ko naman. Pero syempre, dinagdagan ko ang mga 'yon.

Ilang beses na 'kong naloko. Kaya si-siguraduhin ko ngayon na hinding-hindi na 'ko maloloko ng kahit na sino!

"Kylie, mukhang inis na inis ka r'yan ah? May problema ba?" Hindi ko man siya nakikita dahil nakapikit ang mga mata ko, ay alam ko na si Blake 'yon.

Hindi ko siya sinagot.

Mga ilang segundo lang ay naramdaman ko na nilapit niya ang upuan niya sa upuan ko. Bali, magkatabi na kami ngayon.

"Gusto mo?" Tanong niya.

Napadilat naman ako. Isang galon na ice cream 'yon. Inaabot niya sa'kin ang kutsara.

Agad ko namang kinuha ang kutsara at kinuha ko rin ang isang galon na ice cream.

"Hahaha. Hey, easy."

Napatingin ako sa kaniya at tinarayan ko siya. I need more of this! Para naman mawala ang stress ko!

Nang maubos ko na ang isang galon na ice cream ay nanlamig ang tyan ko.

"Ano? Gusto mo pa?" Tanong niya sa'kin.

"Ayoko na. Thanks!" Pagpapasalamat ko sa kaniya at inabot ang la-lagyanan ng ice cream na wala ng laman at 'yong kutsara.

Nang nakita ko ang kamay niya ay mayroon pang isang kutsara doon. Hala, hati pala kami do'n?

"Hahahaha. Alam mo, buti pa nga kayong mga babae. Kapag malungkot, iniiyak niyo o kaya, kinakain niyo nalang. Kaming mga lalaki, kung ano-ano pa ang ginagawa namin para mapagaan lang 'yong loob namin."

"Edi umiyak na lang din kayo at kumain nalang din kayo! Sus, laki ng problema." Masungit kong sabi sa kaniya.

"Bakit ba ang sungit mo? Parang araw-araw kang meron?" Natatawa niyang tanong sa'kin.

"Huwag mo kong tanungin about sa pagiging masungit, Mr. Jefferson! Dahil kung ta-tanungin natin ang mga empleyado rito kung sino ang mas masungit sa ating dalawa, tiyak! Mananalo ka!" Sagot ko sa kaniya.

"Sa mukha 'kong 'to, Kylie. Understand na, masungit ako sa iba. Pero ikaw? Your face? Ang amo-amo mong tignan. Parang feeling ko hindi ka ganyan dati. Ewan ko ba."

Ang amo-amo 'kong tignan?! Woah, thank you for telling me that. Kaya pala ako laging naloloko, kasi sa maamo kong mukha! Paano ko ba 'to ga-gawing mukhang masungit?

"Pero, Kylie.. m-may problema ba? Mind telling me?" Seryoso niyang tanong sa'kin.

"Wala."

"Huwag kang mahiya sa'kin, Kylie. Ako nga eh, hindi ako naiilang sa'yo kahit nakita mo na ang sexy dance steps ko." Nakangisi niyang sabi sakin.

"Sexy dance steps ka d'yan." Pabulong kong sabi.

"Bakit, hindi ba? Huwag kang magsinungaling, Kylie. Dahil alam ko na pagkatapos ng araw na 'yon ay lagi mo kong iniisip."

Napatingin ako sa kaniya. Ang kapal!

"Napaka hangin mo naman." Sagot ko sa kaniya.

"Hahahaha. Just kidding. But, seriously.. what is the problem?"

Napasinghap ako bago nagsalita.

"Kapag ba.. sa sitwasyon ng panloloko.. sino sa tingin mo 'yong mali? 'Yong nanloloko o 'yong nagpapaloko?" Tanong ko sa kaniya.

"Both." Mabilis niyang sagot.

"Both, dahil pareho silang may mali. 'Yong mga nanloloko, intensyon nila 'yan. 'Yong mga nagpapaloko, sinasadya rin nila 'yan. Kasi in the first place, bakit sila nagpapatuloy kung nararamdaman naman nila na, niloloko na sila? Huwag mong ida-dahilan sa akin ang pagiging manhind dahil walang taong manhid, Kylie. Huwag kang maniniwala ro'n. Lahat tayo marunong makiramdam. May i-ilan lang talaga na.. marunong magpanggap."

"Eh.. paano kung.. hindi mo talaga naramdaman na niloloko ka na pala niya? 'Yong parang isang iglap lang, nawala na agad. Hindi ka na agad gusto, 'yong ganoon."

"Dalawa lang 'yan, Kylie. It's either maloko 'yong tao or may dahilan siya kung bakit niya ginawa 'yon."

Napatango naman ako. Hindi naman siya maloko eh, sa totoo nga lang siya 'yong pinaka sincere na tao na ka-kilala ko. O baka.. may dahilan siya?

Hmm, I think.. dalawa lang rin yan. Mali ang pagkakakilala ko sa kaniya, o may dahilan siya.

Pero, ano naman ang magiging dahilan niya?

Wala akong maisip. Siguro nga, mali lang talaga ang pagkakakilala ko sa kaniya.

"B-bkit.. sino ba 'yan? Boyfriend mo?" Naputol ang iniisip ko nang tinanong ako ni Blake.

"A-ahh? Hindi ah. Wala akong boyfriend." Sagot ko sa kaniya.

"Mabuti naman." Bulong lang 'yon pero narinig ko pa rin.

"Ha?"

"I mean, m-mabuti naman at walang nanloloko sa'yo. M-mahirap maloko." Sabi niya.

Napatango naman ako, you're so fvcking right there, Blake! Sobrang hirap maloko. Lalo na kapag paulit-ulit.

"Okay, let's back to work!" Sigaw ni Blake sa lahat.

Agad naman kaming nagsi-ayusan at nag start na ulit ng pag a-audition.

Hay nako! Kapag wala kaming nakuha ngayong araw ay pagudan nanaman kami bukas neto!

-

Natapos ang araw nang wala kaming nakukuha na dalawang model.

Parang lahat ng pinag-paguran namin ay nawala.

"Paano na 'yan Sir Blake, bukas ganito ulit tayo?" Tanong nung isang empleyado.

"Yes." Agad niyang sagot.

"Haay, bakit ba kasi walang matino na nag a-audition."

"Sir Blake, bakit po hindi nalang kayo ni Ma'am Kylie? Gwapo at maganda naman po kayo. Bagay nga po kayong dalawa eh! Saka po, mas maganda 'yon kung 'yong mismong mag e-endorse ay 'yong President, at Vice President!" Sabi nung isang empleyado at nagtanguan naman ang iba.

Ano?! Kami ni Blake?!

To be continued.

A/N: Vote guys! ❤

Hold On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon