Chapter 38: Siya pa rin
Kylie's POV
Nagising ako mula sa pagkakatulog ko sa kama ni Blake. Napatingin ako sa kaniya, hindi pa rin siya gumigising.
Pang sampung araw na niya rito sa hospital. Napisinghap ako. Kailan ka ba, magigising Blake? Miss na miss na talaga kita.
Ayoko sana siyang iwan dito pero kailangan ko nang pumunta sa kompanya. Dapat ay bisitahin ko na 'yon dahil baka nagkakaroon na ng mga problema dahil wala kaming dalawa ni Blake roon.
Inayos ko ang sarili ko. At nang lalabas na sana ako ay nagulat ako nang may biglang tumawag sa pangalan ko.
"K-kylie.."
Napalingon ako kay Blake.
Gising na siya!
Agad akong tumakbo papalapit sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. Naiiyak ako ngayon.
"K-kylie.. w-wait.. m-masakit. M-masakit pa ang katawan ko." Nanginginig niyang sabi sa'kin.
Agad naman akong lumayo sa kaniya. Oo nga pala, mayroon pala siyang mga konting galos sa katawan niya dahil sa aksidenteng nangyari. Pero ngayon, ay pagaling na ang mga ito.
"U-uhm.. s-sorry.. wait lang. T-tatawagin ko muna ang doctor." Nanginginig kong sabi sa kaniya at saka masayang pinuntahan ang doctor niya. Sinabi ko na gising na si Blake.
Chineck ni Doc si Blake. At nang sinabi sa'kin ni Doc na okay na raw si Blake ay lubos akong natuwa. Kailangan lang daw niyang magpahinga rito sa hospital at uminom ng gamot niya.
Napatango naman ako.
Agad kong nilapitan si Blake nang lumabas si Doc.
Hinawakan ko ang mga kamay niya.
"B-blake, s-salamat.. n-nagising ka na." Naluluha kong sabi sa kaniya.
Napangiti naman siya at hinawakan niya ang pisngi ko.
"Syempre naman, gigising talaga ako. Tulog lang naman ako eh." Natatawa niyang sagot sa'kin.
"Uhm.. wait, ano bang nangyari sa'kin? Kahapon lang ba 'to? Ba't ganito ang pakiramdam ko? Ang sarap sa feeling. 'Yong parang ang tagal-tagal ko natulog. 'Yong parang kumpleto ang tulog ko." Inosenteng tanong niya sa'kin.
"12 days kang under coma, Blake."
"WHAT?! 12 DAYS?! SERYOSO KA BA?! MAG DADALAWANG LINGGO NA KO RITO?!" Gulat niyang tanong sa'kin.
Tumango naman ako.
"ANAK NG.. HAYS, KAYA PALA PARANG ANG SARAP SA FEELING KASI NAKUMPLETO NA 'YONG TULOG KO. HINDI LANG PALA KUMPLETO, SUMOBRA PA! HAHAHA! OUCH!" Halakhak niya at saka hinawakan niya ang ulo niya.
"Ang kirot neto ah." Angal niya.
"A-ANO?! S-SAAN M-MASAKIT?! T-TAWAGIN KO NA BA SI DOC?!" Natataranta kong tanong sa kaniya.
"Hahahaha. Hindi na, medyo kumirot lang. Eto namang misis ko, masyadong nag aalala." Nakangisi niyang sabi sa'kin.
Damn that smile! I miss him so much! Hindi ko mapigilang hindi umiyak.
"Oh? Bakit ka umiiyak d'yan?" Tanong niya.
"I-Ikaw kasi eh! Ang tagal-tagal mo bago gumising! M-miss na miss na kaya kita!"
"Ikaw ah. Masyado mo na 'kong love talaga ah? Tara nga rito." Sabi niya. Umusog siya ng konti at tinap ang kama niya. Pinapahiga niya ako roon.
Agad naman akong humiga sa tabi niya. Nang tumabi na ako sa kaniya ay agad niya akong niyakap.
BINABASA MO ANG
Hold On (COMPLETED)
RomanceHighest Rank Achieve: #166 in Romance THE SEQUEL BOOK OF "THE 7 STEPS TO MOVE ON" Ang kahulugan ng pag-ibig ay hindi nasusukat sa saya at lungkot. Sa pagbigay at pagtanggap. Sa ginhawa at sa sakit. Kundi ang pagmamahal ay patungkol sa PAGKAPIT. Pagk...