Chapter 28: Hindi ko na siya mahal

1.4K 37 6
                                    

Chapter 28: Hindi ko na siya mahal

Kylie's POV

Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Manlilibre raw si Blake. Hays. Hindi na talaga ako nakapag trabaho ng maayos. Sigurado ako, ang dami ko nanamang ga-gawin kinabuksan n'yan.

Napatingin ako sa limang lalaki na nagtatawanan dito sa lamesa.

Sino ba sila?

Hindi ako makapaniwala na mayroong dance group si Blake. Ang akala ko pinag tri-tripan niya lang ako noon. Pero hindi, totoo pala na sumasayaw talaga siya.

"Uhm, anong mga pangalan niyo?" Nahihiya kong tanong sa kanila.

Sumingit na ako sa tawanan nila.

Agad naman silang nag ayos ng upo at isa-isang nagpakilala.

Unang nagsalita ay 'yong medyo red ang buhok.

"I am Kevin, ang pinaka gwapo sa aming lahat!" Pagpapakilala niya sa'kin.

Agad naman siyang binatukan ng mga kasama niya at nagtawanan.

Sumunod naman na nagsalita ay 'yong brown ang buhok.

"I am Sam, ang pinaka hinahabol ng girls sa lahat!" Pagkasabi niya nu'n ay agad siyang minura ng mga kasamahan niya.

Napailing ako. Mga baliw rin sila kagaya ni Blake.

"I am Oliver, ang pinaka ga*o sa aming lahat!" Pagkasabi niya nu'n ay agad naman nagtanguan ang mga kasamahan niya. Hmm, medyo may itsura ang isang 'to. Kung ta-tanungin ako. Siya ang pumapangalawa sa kagwapuhan ni Blake.

"I am Hence, ako ang wala lang sa grupo namin!" Napatingin ako sa kaniya. Mukhang mahiyain ang isang 'to.

"And last but not the least! I am Jason, ako ang pinaka mature sa lahat! Puro immature kasi ang mga 'to!" Pagkasabi niya nu'n ay agad siyang pinagsu-suntok. Si Jacob ang pinaka matangkad sa kanilang lahat.

"And we are..... BJ DANCE GROUP!" Sabay-sabay nilang sigaw.

What?! BJ?!

"As in.. Bl---" magsasalita na sana si Oliver nang tinakpan ni Jason ang bibig niya.

"Blake Jefferson Dance Group." Cold na sabi ni Hence.

Napatango naman ako. Pinag isipan talaga ng mabuti ang pangalan ng Dance Group nila ah?

"Uhm.. ba't ngayon ko lang kayo nakita?" Nagtataka kong tanong sa kanila.

"Hmm.. actually, nagulat nga kami nang hinayaan ni Blake na pumunta kami sa kompanya niya. At mas nagulat kami nang nalaman namin na V.P pa ng kompanya nila ang sinayawan namin." Sabi ni Sam.

"Bakit kayo nagulat?"

"Ayaw samin ng daddy ni Blake." Sabi ni Oliver.

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanila.

Hindi na sila nakasagot dahil dumating na ang umorder na si Blake.

"Just wait for the food guys." Sabi ni Blake at tumabi sa'kin.

"YOWN!" Sigaw nilang lahat.

Napatingin ako kay Blake.

Sino ka ba talaga? Naguguluhan na ako sa personality mo.

-

Pagkatapos namin kumain ay agad na silang nagpaalam sa'min.

"Blake, una na kami ah? Thank you sa libre!" Sabi ni Kevin.

"Oo nga pre! Until next time!" Sabi ni Hence.

"Huwag mo na ulit gu-guluhin nag tahimik na buhay namin ah? Baka pag sayawin mo nanaman kami ng Dame Tu Cosita!" Sabi ni Oliver at talagang sinayaw pa niya ulit 'yong steps.

Hold On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon