Chapter 32: I am always here

1.5K 41 3
                                        

Chapter 32: I am always here

Kylie's POV

Pagkalabas namin ng kompanya ay agad kaming pumunta sa may parking lot.

Sinilip ko ang kotse niya. Wala 'yong driver niya.

"Oh, ba't wala 'yong driver mo? Ano nanamang nangyari?" Tanong ko sa kaniya habang sinisilip 'yong kotse niya.

"Umalis ako sa bahay, Kylie." Sagot niya.

Napatingin ako sa kaniya.

"Huh? Bakit naman?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Ayaw ko munang makasama si Dad, hindi ko na kaya ang mga naririnig ko mula sa kaniya. Nagkaganoon 'yon simula nung namatay si mommy." Sagot niya.

Napatango naman ako.

"Ah.. Blake.. ano naman 'yong sinabi mo sa'kin kanina about sa kapatid mo?" Tanong ko.

Napabuntong hininga siya bago sumagot.

"His name is Blaze P. Jefferson, he is my brother who passed away 5 years ago. Mas matanda siya sa'kin ng 3 years. Simula palang bata ako, lagi na niya kaming pinagkukumpara. 'Yong kapatid ko na kasi 'yon, masyadong seryoso sa lahat ng bagay.  Parang si Dad siya. Hindi tumatawa, hindi nakikihalubilo sa iba. Introvert kumbaga.  Ako naman ang kabaligtaran niya. Maybe, dahil nagmana ako kay mommy? Si mommy kasi pala kaibigan, pala tawa at napaka talented. She can sing and dance, like me. Namana ko 'yon kay mommy pero namana ko rin ang katalinuhan ni Dad. Si Blaze naman, he can sing and dance a little bit pero hindi siya ganoon kagaling. Pero sobrang talino niya. Mas matalino siya kesa sa'kin. So parang tie lang, ako... talented at medyo matalino. Siya naman ay matalino at medyo talented." Nakangiting sabi niya sa'kin.

"Ahhh, ang cute niyo sigurong magkapatid kapag magkasama kayo." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Oh! One more thing! Mas gwapo ako kesa sa kaniya!" Proud niyang sabi.

"Hahahaha! Ewan ko sa'yo!"

"Hahahaha. But seriously, miss ko na ang kapatid ko na 'yon. Kahit medyo hindi siya nakikipag usap o halubilo sa akin noon, alam ko.. mahal niya ako. Namatay siya dahil sa aksidente."

Napatango naman ako. So, may kapatid pala itong si Blake.

"Eh, ano 'yong sinabi mo sa'kin kanina na.. problem sa Dad mo? Na.. gusto niya maging ikaw 'yong kapatid mo?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Kung ganoon nga, grabe naman 'yong daddy niya. Dahil hindi mo mababago ang isang tao kung sino talaga siya.

"Yeah.. gusto ni Dad maging ako siya. Gusto niya na huwag akong makihalubilo sa iba. Which is ginagawa ko. Nakita mo naman diba? Kung paano ko tratuhin 'yong ibang tao. Gusto niya maging perfectionist ako sa lahat ng bagay. Nakaraang week lang, kinausap niya ako. Pinagalitan niya ako dahil hindi ang kompanya natin ang the best seller ng alak dito sa Pilipinas. Gusto niya ay agad-agad matupad ang mga gusto niya. Gusto niya kami lagi ang nakatataas. Sabi niya, wala raw akong kwentang tao. Mabuti na nga lang daw na ako nalang 'yong namatay kesa 'yong kapatid ko. Kasi 'yon, maaasahan pa raw niya. Ako hindi raw." Sabi niya sa'kin. Mayroong halong pagkalungkot habang binabanggit niya ang mga sinasabi niya.

Grabe naman 'yong tatay niya! Walang magulang ang hinagad na mamatayan ng isang anak!

"Naalala ko tuloy nung high school. Nalaman niya kasi na may grupo ako sa pag sasayaw. Alam mo kung ano ginawa niya? Pinaghiwalay-hiwalay niya kami. Pero dahil matitigas ang ulo namin, hindi kami tumigil. Hanggang sa si Dad na ang gumawa ng paraan. Pinahirapan niya ang mga magulang ng mga ka grupo ko. Nang nalaman ko 'yon agad akong lumayo sa kanila. Buti nalang ay hindi sila slow at nagets agad nila 'yon. Ngayon, patago ko lang silang kinakausap at pinupuntahan. Dahil ayaw sa kanila ni Dad. But they all successful man now. May sari-sarili na silang trabaho sa iba't ibang kompanya."

Napatango ako. Kaya pala! Kaya pala sabi ni Oliver sa'kin dati nung nasa restaurant kami, ayaw raw sa kanila ng Daddy ni Blake.

Naliwanagan na ako sa lahat.

Una, kung bakit iba ang trato ni Blake sa ibang tao. Kung bakit parang ang sungit niya pero sa totoo lang, napakabait niya. 'Yong pagbibigay pa nga lang niya ng mga pagkain sa mga bata nagtaka na agad ako eh.

Pero... wait... kani-kanino lang ba niya pinapakita ang totoong siya?

"Blake.. last na tanong na 'to.." nahihiya kong sabi sa kaniya. Nakakahiya na kasi, ang dami kong tanong.

"Hahahaha. Go lang, huwag kang mahiya." Nakangiti niyang sabi sa'kin.

"Kani-kanino mo lang pinapakita ang tunay na ikaw?" Curious na tanong ko sa kaniya.

"Sa BJ Group, sa mga bata.. at sa'yo." Simple niyang sagot.

"Pero.. diba.. dapat.. masungit ka rin sa'kin? Hindi mo naman ako kilala nung una eh." Sabi ko sa kaniya.

"Naging masungit ako sa'yo nung una nating pagkikita, remember? Sa meeting room. Pero.. ah.. wait! Nung hindi pa nga tayo nagkikita ang sungit ko na sa'yo! Hahahaha! Nung tinawagan kita at minessage kita, remember?" Natatawa niyang sabi sa'kin.

"Hahahaha! Oo! No name pa nga pangalan mo sa FB! Weird nga ang tingin ko sa'yo nu'n! Tinanong ko pa kay mommy kung sino 'yon dahil friends niya!" Natatawa ko ring banggit.

"Hahahaha. Bakit ba? Sari-sariling trip lang!"

"Uhmm.. pero.. Blake.. bakit mo pinakita sa'kin kung sino 'yong tunay na ikaw? Bakit hindi ka naging masugit sa'kin sa mahabang panahon?" Tanong ko sa kaniya.

"Dahil nakikita ko ang sarili ko sa'yo, Kylie. Nung nakita kita, alam ko.. na mabait kang tao. Alam ko, na hindi ikaw 'yong pinapakita mo sa iba. Alam ko, na sa kabila ng pagtataray at pagsimangot mo sa ibang tao.. may mabuti kang puso. I don't know, Kylie. Pero, hindi pa kita nakikilala ng mabuti noon. Kilala na kita agad. Ang gulo ko 'no? Hahahaha!"

"Oo. Ang gulo mo! Hahaha! Pero.. thank you ah? Dahil sa'yo, bumalik ako sa dating ako. Ewan ko ba kung ano 'yong ginawa mo sa'kin, bakit lumambot ang puso kong matigas dati! Hahahaha!" Natatawa kong sabi sa kaniya.

"Well.. I guess dahil sa charm ko?" Sabi niya sabay hawi ng buhok niya.

Oo na! Ikaw na ang gwapo! Hahahaha!

"Ang galing mo kasing mag advice. Ang ga-ganda lahat ng mga sinasabi mo." Nakangiti kong tanong sa kaniya.

"'Yon nga 'yong problema ko eh. Ang galing-galing kong mag advice sa iba, pero sa sarili ko hindi ko magawa." Sabi niya sa'kin at yumuko.

"Subukan mong advican ang sarili mo kapag may problema ka. Isipin mo na hindi ikaw 'yong may problema, kundi 'yong ibang tao. Tapos tanungin mo 'yong sarili mo na kung nasa kalagayan ka nung tao na 'yon, which is ikaw naman talaga.. anong ga-gawin mo? For example, ang problema mo ay 'yang kagwapuhan mo. Imagine mo na nasa ibang tao ang problema na 'yon. At ikaw naman ang taga advice, na kung ikaw 'yon anong ga-gawin mo? At kung ano ang masabi mo sa mind mo. Apply it to yourself, then just do it!" Sabi ko sa kaniya.

"Naks, Kylie! Ayos 'yon ah!" Masigla niyang sabi sa'kin at nakipag apir pa siya sa'kin.

"Thank you, Kylie.. I will do it!" Nakangiting sabi niya sa'kin.

"And Blake.. always remember that I am always here. Pwede mo kong takbuhan kapag may problema ka." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"I love you, Kylie." Sabi niya sa'kin at hinawakan niya ang mga kamay ko.

Hinawakan ko rin ang mga kamay niya.

"I love you more, Blake." Sagot ko sa kaniya pabalik at mas hinigpitan ko pa ang pagkapit ko sa mga kamay niya.

To be continued.

Hold On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon