Special Chapter (Part 2)

945 14 19
                                    

Special Chapter (Part 2)

Kylie's POV

Napapikit ako dahil sa malamig na simoy ng hangin na dumapo sa aking mukha.

Ocean really makes me calm. Nakakagaan ng loob at ang sarap sa pakiramdam kapag nandito ako. Iyong tipong, nakatayo lang lang ako at nilalasap ang masarap na simoy ng hangin mula rito.

Pero, syempre... mas masarap sa pakiramdam kapag kasama mo ang taong mahal mo.

Napangiti ako nang biglang niya ako niyakap mula sa likuran ko. Ipinatong niya ang kaniyang ulo sa aking balikat.

"Misis ko, ang bango mo talaga." Paglalambing niya sa'kin.

Nako, naglalambing nanaman ang mister ko! Hahaha. Pero, hindi ko na ipagkakaila. Gusto ko iyong pag lambing niya sa akin ng ganito. Sa tagal naming magkasama, hindi ako nakakaramdam ng pagkasawa sa kaniya because every single day, nadadagdagan pa ang pagmamahal ko sa kaniya.

"Wala man lang, thank you?" Nagtatampong sabi niya sa'kin.

Ako'y dumilat na at hinarap ko siya. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa may batok niya at agad-agad kong hinalikan siya sa labi.

"Thank you." I said and I gave him a smiling face of mine.

"Thank you for being my everything. At thank you sa pagiging mabuting ama sa anak natin." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"You don't have to say thank you, Kylie. It's my responsibility. And I should be a good father to our son."

"Kasi diba, hindi naman lahat ng tatay katulad mo. Kasi 'yung iba, sinasaktan 'yung asawa nila, pinapabayaan nila 'yung mga anak nila. At kung ano-ano pa. I'm so thankful dahil sa'yo ako napunta. Hindi ako nagsisisi at kahit kailan hindi ako magsisisi na ikaw ang pinakasalan ko at ikaw ang naging ama ng anak ko at magiging anak ko." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Magiging anak natin? So, may susunod pa?" Tanong niya sa'kin at unti-unting ngumisi ang kaniyang labi. Hay nako, Blake! Hahaha.

"Of course! If that's what you want." Natatawa kong sabi sa kaniya.

"That is what I want and I want to do it here right now." Sabi niya ng seryoso sa'kin.

"Hahaha. Blake!" Sinampal ko siya sa kaniyang braso.

"Just kidding. Maybe, later?"

Inirapan ko lamang siya. Eto talagang si Blake, puro kalokohan.

"Hahaha. But, Kylie. Iyong sinabi mo kanina, they are the Fathers that don't know how to do their responsibilities well. Siguro ay hindi pa sila handa sa bagay na ganoon kaya pati ang asawa at anak ay nadadamay. But, kung hindi sila handa. Hindi ba mas nakabubuti na iniwasan nalang para wala ng nadamay pa? Kasi ako? Nung pinakasalan kita, itinatak ko na sa sarili ko na hindi na dapat sarili ko lang ang importante sa'kin. Kundi pati na rin ikaw, at ang mga magiging anak natin. Kasi 'diba, pinagdasal kita kay Lord. At binigay ka niya sa'kin. Kaya dapat, alagaan na kita. You are the answer to my prayers so who am I to waste you? You are more valuable than anything and anyone else, Misis ko. Mahal na mahal kita." Seryoso niyang sabi sa'kin at hinalikan niya ako sa aking noo.

Napapikit ako and at the same time, napangiti ako.

"Mahal na mahal din kita, Mister ko. Napaka bless ko sa'yo."

"Lalo na ako." Sagot niya sa akin at niyakap niya ako.

"Tama na nga 'tong kadramahan na 'to! Hahaha. Tignan na natin sila sa baba, baka naghihintay na sila sa atin." Sabi ko kay Blake at agad naman siyang tumango.

Hold On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon