Chapter 12: Prove

1.4K 35 2
                                    

Chapter 12: Prove

Kylie's POV

Ngayon na ang araw ng audition. Maaga akong nagising.

Pinuntahan mo muna si manang sa kwarto niya at sinilip siya roon.

Gising na rin siya.

"Manang, bakit ang aga mong nagising?" Tanong ko sa kaniya habang pumapasok sa kwarto niya.

"Hindi ko rin alam. Pa iba-iba na nga ang tulog ko ngayon." Pagpapaliwanag niya.

Tinignan ko ang ginagawa niya. Nagtatahi siya.

"Nagtatahi ako, wala akong magawa anak eh." Sabi niya. Siguro ay napansin niya na nakatingin ako sa ginagawa niya.

"Gusto niyo pong ma-masyal?" Nakangiti kong tanong sa kaniya.

"Saan naman?"

"Basta po, kahit saan. Sabihin niyo lang po."

"Aba, gustong-gusto ko 'yan, Kylie! Maraming salamat at makakasama na rin kita ulit!" Nakangiti niyang tugon sa'kin.

"Wala po 'yon. Kaya lang po, baka after 2 days nalang po. Kasi po may a-asikasuhin po na malaking project sa kompanya." Pagpapaliwanag ko sa kaniya. Pumunta ako sa may kama niya at umupo sa gilid.

"Okay lang 'yun! Kahit anong araw, anak." Nakangiti pa rin niyang tugon.

Napangiti naman ako.

Mga ilang minuto lang ang nakalipas nang biglang naalala ko si Kate at Jake.

"Manang, pwede pong magtanong?"

"Oo naman!"

"M-manang, alam niyo po ba kung saan po nakatira si Kate at Jake?" Sana alam niya.

"Oo naman! Nakalista pa nga 'yon sa isa kong notebook. Alam mo naman ako, makakalimutin na." Natatawa niyang sabi.

"Pwede po bang makita 'yong notebook na 'yon?"

"Oo naman! Teka lang at ku-kunin ko."

Tumayo siya mula sa higaan. At binuksan niya ang isang kabinet.

Inilabas niya ang simple niyang notebook mula roon at ibinigay sa'kin.

"Salamat po, manang." Pagpapasalamat ko nang binigay niya sa'kin ang notebook. Agad ko 'yong binuksan. At nang makita ko ang address nilang dalawa ay agad kong ni-note ito sa aking cellphone.

"Walang anuman, Kylie. Pero.. matanong ko lang. Bakit hindi mo alam kung saan sila nakatira? Hindi na ba kayo nag uusap? May problema ba?" Nagtataka niyang tanong sa'kin.

"A-ah, h-hindi po manang.. medyo nawalan lang po ng communication. Busy po sa sari-sariling trabaho eh." Pagsisinungaling ko.

"Ah ganoon ba." Sagot niya at tumango. Binaling niya ulit ang atensyon siya sa pagtatahi.

"Hmm, sige na po manang. Mauna na po ako. At saka po pala, kainin niyo po 'yong mga binili ko na mga gulay at prutas ah? Nasa ref lang po." Pagpapaalam ko. Tumayo na ako.

"Oh sige, ka-kainin ko ang mga 'yon. Salamat, anak. Mag iingat ka." Nakangiti niyang tugong sa'kin.

Nginitian ko siya pabalik bago lumabas ng kwarto niya.

Agad akong pumunta sa kwarto ko para maligo at mag-bihis. Inayos ko rin ang lahat ng mga gamit ko.

Nang ayos na ang lahat ay agad akong pumunta sa sa-sakyan ko. Hindi pa ako kumakain, pero siguro ay sa restaurant nalang.

Pu-puntahan ko muna ngayon si Kate. Gusto ko siyang kamustahin at i-invite para sa audition.

Habang nag dri-drive ay nag ta-tanong tanong ako sa mga tao rito kung mayroon ba silang kilalang Kate. At hindi naman ako nahirapan, dahil mukhang sikat siya sa lugar na 'to.

Nang makapunta ako sa bahay niya ay hindi ko maiwasan ang mamangha. She is successful Architect now. Ang hula ko ay siya ang may design sa bahay na 'to.

Lumabas ako sa aking kotse at nagbuntong hininga ako. Kinakabahan ako.

Nagulat ako nang biglang may lumabas sa gate ng bahay nila. Si Kate!

"Kate!" Tawag ko sa kaniya. Agad naman siyang humarap sa'kin.

Mas lalo siyang gumanda. Nag pa full bangs siya at kulot ang kaniyang buhok. Naka red lipstick siya.

"Kate!"  Tawag ko ulit sa kaniya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at napatakbo ako sa kaniya at bigla ko siyang niyakap.

"Kate, I miss you!" Sabi ko sa kaniya habang yakap-yakap siya.

Nabigla naman ako nang bigla niya akong itulak.

"Ang galing mo rin, Kylie eh 'no? Pagkatapos mong hindi nagparamdam sa aming lahat. A-asta ka na parang walang nangyari!" Sigaw niya sa'kin. Bakas sa mukha niya ang pagkagalit.

"K-kate... I have explanation.. pls, makinig ka muna sa'kin."

"Ano?! Gusto mong maka-move on?! Gusto mong makalimutan ang lahat?! Pati kaming mga kaibigan mo, gusto mo na ring kalimutan?! Then fine! Magkalimutan nalang ta'yo!"

"H-hindi naman sa ganoon, Kate! G-ginusto ko lang na mapag-isa noon! Gusto ko lang na makapag-isip ng tama!" Pagpapaliwanag ko sa kaniya. Tumutulo na ang luha ko ngayon. Damn this tears of mine!

"At nakapag-isip ka nga ba talaga ng tama? Dahil kung oo, edi sana nag message ka o tumawag ka sa amin para ipaliwanag ang lahat! Pero hindi! Kahit ano wala kang paliwanag! Nawala ka nalang bigla! Hindi pa nga namin malalaman na bumalik ka na ng America kung hindi dahil sa mga magulang mo!"

"K-kate.. bakit ka ba ganyan? B-bakit hindi mo ko naiintindihan?!"

"Sawa na akong umintindi sa'yo, Kylie! Simula palang nung una, sinabihan na kita! Na huwag kang mag paka tanga sa mga lalaki na 'yan! Pero anong ginawa mo?! Oo di ka na nagpakatanga, pero umalis ka naman ng walang paalam! At ngayon, na bumalik ka na.. ano?! Magpapakatanga ka ulit? Paulit ulit ka nalang eh!"

Nang sinabi niya 'yon ay agad ko siyang sinampal. Umagos na ang luha mula sa'king mga mata.

"Sa lahat ng tao, Kate! Hindi ko inaasahan na maririnig ko 'yan mula sa'yo!"

"Sa lahat ng tao, Kylie. Hindi ko rin inaasahan na iiwanan mo 'ko ng walang paalam dahil lang sa dahilan na gusto mong makalimutan ang lalaking 'yon! Hindi ka man lang nagpaliwanag! At ngayon?! Nakalimutan mo na nga ba talaga siya?! Baka nga isang kita mo palang sa kaniya, manlalambot agad 'yang tuhod mo!" Sigaw niya sa'kin.

"T-tignan natin, K-kate. Tignan natin!" Pagkatapos kong sabihin sa kaniya 'yon ay agad ko siyang tinalikuran. Pinunasan ko ang aking luha mula sa mga mata ko.

Pumunta ako sa kotse ko at mabilis na nag-drive.

Pa-patunayan ko sa kaniya na hindi na ako katulad ng dati!

Pa-patunayan ko sa kaniya na malakas na ako ngayon!

Pa-patunayan ko sa kaniya na wala na akong nararamdaman pa para kay Brylle!

To be continued.

Hold On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon