Chapter 10: Endorsement

1.6K 39 2
                                        

Chapter 10: Endorsement

Kylie's POV

Pumasok na 'ko sa kotse ko at agad akong nag-drive. Haay, trabaho nanaman. Kailangan ko na talagang pumasok ngayon, dahil mayroon daw kaming malaking project na ga-gawin.

Napag isip-isip ko ang sinabi ni Blake sa'kin kagabi.

I'm still your boss.

Yup, he's right. Boss ko pa rin siya, kaya dapat ay may respeto pa rin ako sa kaniya. I'm being so rude sa kaniya in the past few days. Haay, paano ba naman kasi lagi siyang nang i-inis.

Malapit na ako pa-puntang kompanya, nang biglang may pumasok sa isipan ko.

Gusto kong maging President sa company na 'yon diba? Para mapatunayan ko kay Dad, na kaya ko nang patakbuhin ang kompanya niya.

Pero, paano ko magagawa 'yon kung pinapakita ko kay Blake na naiinis ako sa kaniya?

Dapat, maging nice ako sa kaniya! Para, kapag nakuha ko na siya. Pwede na akong makagawa ng mga bagay na ikakasira niya o ikababagsak niya as President!

Tama, tama. Nice, Kylie ang talino mo talaga!

Honestly, mas gusto ko na ang bagong ako. Kasi atleast sa pagkatao ko na 'to, hindi na 'ko maloloko.

Pumasok ako sa building ng kompanya na nakangiti.

"Good morning, Ma'am Kylie."

"Welcome back po!"

"Kamusta po, Ma'am Kylie?"

'Yan ang mga naririnig ko sa mga empleyado ko. Sinasagot ko naman sila, nag go-good morning rin ako. At sinasagot ko ang mga tanong nila sa'kin. Dapat ay mapamahal sa'kin ang mga empleyado ng kompanya na 'to.

Pumunta ako sa aming meeting room. Dahil sa-sabihin na ni Blake kung ano ang malaking project na gagawin namin.

Nang dumating ako ay wala pa si Blake sa upuan niya, pero lahat ng empleyado at mga officer ay nandito na. Tumahimik sila lahat nang pumasok ako.

"Good morning, everyone." Bati ko sa kanila.

Bakas sa kanila ang pagkagulat.

Agad silang tumayo at bumati pabalik.

"Good morning!"

Nginitian ko silang lahat at sinabi 'kong maupo na sila. Umupo na rin ako.

As usual, doon pa rin ako nakaupo sa may dulong gitna.

Habang hinintay namin si Blake ay mayroong isang empleyado na nagtanong sa'kin.

"Ma'am, sabi po ni Sir Blake ay mayroon daw po kayong matinding sakit. Ayos na po ba talaga kayo ngayon?"

Matinding sakit? Like, what?! Ang O.A talaga ni Blake.

"No, I'm fine. Hindi naman masyadong malala." Pagpapaliwanag ko habang ngumiti.

Tumango naman siya.

Hay, ang Blake na 'yon.

Mga ilang sandali pa ay pumasok na siya sa meeting room.

As usual, malakas pa rin ang dating niya sa mga tao rito. Paano ba naman, may itsura nga pero napakasungit naman ng mukha niya. Haaay, kung alam lang nilang napaka-kulit ng isang 'yan. 'Di ko nga siya maintindihan eh.

"Hindi na ako magpa-paligoy-ligoy pa. Tinawag ko kayo sa meeting na 'to dahil magkakaroon tayo ng isang malaking project. Ang project na 'yon ay ang Endorsement. Kailangan tayo maghanap ng 2 models WITH EXPERIENCE. Isang babae, at isang lalaki. Kailangan maganda at gwapo ang mahanap natin at magaling mag endorse dahil kung hindi? Alam niyo na ang mangyayari." Pagpapaliwanag ni Blake sa amin.

So, endorsement huh. Hmmm, Kate and Jake is a model. Pwede sila!

"Uhm, I have something to say. Mayroon akong kilala na mga model." Nakangiti kong sabi kay Blake. Napatingin naman ang lahat sa'kin.

"I'm very sure, they will never disappoint us." Proud kong sabi sa kanila.

"Kung mayroon kang kakilala, Ms. Mendoza. That's good. But it doesn't mean na kapag ka-kilala mo ay sila na ang mapipili. We will have a audition para sa mag e-endorse ng products ng kompanya natin. And the judges will be us. Ayoko lang ng basta-basta. Gusto ko 'yong the best. Understand?!" Seryosong sabi ni Blake.

"Yes, sir!" Sagot ng mga tao rito.

Okay, I get his point. He just want the best for this company. But I am sure, Kate and Jake will fit on this one! Ang problema ko lang ay, ang tagal ko na silang hindi nakakausap at hindi pa ata ako ready na kausapin sila. Hmm, I will think about that first.

"Sir, kailan po magsi-simula 'yong audition na sinasabi niyo? And saan po?" Tanong ng isang empleyado.

"Bukas na bukas ay si-simulan na natin ang pag a-audition. Dito lang sa kompanya. Gusto ko na mag ready kayo ngayon na ngayon na. Maliwanag? Ang audition ay mangyayari lamang sa dalawang araw." Sagot ni Blake.

"Dalawang araw?! Sir, hindi po ata kaya---"

"Kapag sinabi ko, sinabi ko." Seryoso niyang sabi at matalim na tinignan ang babaeng empleyado.

Napayuko naman 'yong babae.

Haay, ang sungit naman niya.

"That's all. Start working now." Sabi ni Blake at umalis na siya.

Ang mga empleyado naman ay nagkakagulo-gulo na, pinag-aalala nila na baka raw wala silang mahanap sa dalawang araw na pa-pasa sa taste ni Blake. Mapili raw kasi siya.

"Kaya natin 'to. Ang kailangan lang nating gawin ngayon ay ang mag handa. Okay? Go!" Sabi ko sa mga tao rito. Agad naman silang nagtanguan at tumayo.

Kailangan na naming i set ang lahat. Para bukas na bukas ay masimulan na ang pag a-audition.

Humanap muna kami ng isang kwarto rito, para magawan ng set. Nag set kami ng camera at inayos ang mga upuan.

Dalawang upuan ang malapit sa camera. Para 'yon akin at ang isa naman ay para kay Blake.

Ang mga iba naman ay u-upo lang sa likod naming dalawa.

Nagpagawa na din kami ng tarpaulin na nagsasabi na kinakailangan namin ng mga model with experience para mag endorse sa kompanya namin.

Inutusan ko ang lahat na i-post sa kanilang mga FB account o kahit anong account ang impormasyon na 'yon.

Naglagay rin kami ng tarpaulin sa labas ng kompanya.

Nakakapagod, pero alam kong worth it lahat ang ginawa namin. At saka isa pa, dapat ay makuha ko ang loob ng mga empleyado rito para kapag nagkaroon sila ng lakas ng loob, ako na ang sabihin nila na karapat-dapat na maging Presidente sa kompanya na 'to. Tama tama!

Pagkatapos ng buong araw ay pagod na pagod ako.

Napasinghap ako. Mag kakasakit ata ako ulit nito. Pero ayos lang, basta natapos nang maayos ang trabaho namin para sa araw na 'to.

To be continued.

Hold On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon