Chapter 50: Love
Kylie's POV
"Kylie, gising! Si Dad sinugod sa hospital."
Napabalikwas ako nang sinabi 'yon ni Blake. Napatingin ako sa kaniya. Punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya.
Agad akong tumayo at nag-ayos.
"Blake, bakit siya na hospital? May sakit ba si Sir Brake?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya.
"Hindi ko rin alam, Kylie. Basta, puntahan nalang natin siya." Sabi ni Blake. Kahit na medyo kalmado pa siya ngayon, bakas naman sa mukha niya ang pag-aalala.
Agad kaming sumakay sa kotse at nag-drive papuntang hospital.
"Brake Jefferson. What room?" Tanong ni Blake roon sa nurse.
Pagkasagot nung nurse ay agad kaming pumunta sa room na 'yon.
Pagpunta namin doon ay nakita namin si Sir Brake na nakapikit sa may kama.
Agad lumapit si Blake roon.
"Uhm, kaano-ano po kayo ni Brake Jefferson?"
Napalingon ako sa doctor na nagsalita sa likuran ko.
Hindi pa ako nakakasagot ay agad na nagtanong si Blake na nasa tabi ko na pala.
"Anong nangyari sa kaniya? I'm his son."
"Ah, ganoon ba. Uhm, based sa mga result dito. Tumaas ang blood pressure ng tatay mo. He just need rest and bawal din siyang ma stress. Dapat ang mga gamot niya ay inumin niya sa tamang oras. Para hindi na rin tumaas ulit ang blood pressure niya. Uhm.. I adviced na mag-pahinga muna siya kahit konti kung nagtra-trabaho siya." Paliwanag ng doctor.
Napatingin naman si Blake sa Daddy niya.
"Uhm, okay. Salamat po, Doc." Nakangiting pagpapasalamat ko sa Doctor.
"No problem, hija. I have to go."
Nang makalabas ang Doctor ay agad nagsalita si Blake.
"Siguro ay na-iistress siya sa trabaho. He really needs rest at ako na ang bahala sa kompanya simula ngayon." Sabi ni Blake habang nakatingin sa Daddy niya.
Hindi ako nakasagot. Mukhang hindi ako masasamahan ni Blake papuntang America. He have priorities to do here in the Philippines. Papayag kaya siya? Na ako nalang ang mag-isang pumunta sa America kasama si Brylle?
Hindi ko pa kasi nasasabi sa kaniya ang tungkol doon. Humahanap pa ako ng tamang oras. But this time, kailangan ko na talagang sabihin sa kaniya. Dahil tinawagan ako kagabi ng Daddy ni Brylle ba si Sir Bryan na by next week, aalis na kami papuntang America. 2 months akong mananatili roon. Kahit na hindi pa tapos ang pagpapagaling ni Brylle ay uuwi pa rin ako. May mga priorities din kasi ako rito sa Pilipinas. Unang-una na roon ang asawa ko na si Blake. Pangalawa roon ang mga magulang ko. At ang pangatlo naman ay 'yong kompanya namin.
Naka oo na kasi ako sa kanila. I really want to help Brylle. Hindi makakaya ng konsensya ko na isusuko niya ang sarili niyang buhay dahil lang sa hindi ko siya sinuportahan sa pag papagaling niya. At, eto na rin ang pambawi ko sa kaniya dahil hindi ko siya nasamahan noon. Nung naghihirap siya.
"Blake, pwede ba tayong mag-usap?"
-
"WHAT?! KYLIE?! 2 MONTHS?! ISANG ARAW NGA LANG NA HINDI KITA MAKITA, NABABALIW NA AKO." Sigaw ni Blake sa'kin.
"Blake, please calm down! 2 months lang 'yon! After no'n babalik na ako rito sa Pilipinas!"
Napa-iwas siya ng tingin sa'kin.
BINABASA MO ANG
Hold On (COMPLETED)
RomanceHighest Rank Achieve: #166 in Romance THE SEQUEL BOOK OF "THE 7 STEPS TO MOVE ON" Ang kahulugan ng pag-ibig ay hindi nasusukat sa saya at lungkot. Sa pagbigay at pagtanggap. Sa ginhawa at sa sakit. Kundi ang pagmamahal ay patungkol sa PAGKAPIT. Pagk...
