Chapter 35: Live
Kylie's POV
"Habang pagtagal ng patagal ay dumadami na ang buyers ng mga products natin. So... good job!" Sabi ni Blake sa amin.
Agad na nagpalakpakan ang mga empleyado rito. Tuwang-tuwa sila dahil lahat ng mga pinaghihirapan namin ay nagbubunga na.
Hindi na ako magtataka kung isang araw, kami na ang best seller ng mga alak.
Pumalakpak din ako at tumingin kay Blake.
Hindi ko namamalayan na nakatingin na pala siya sa'kin kanina pa.
Nginitian ko siya at ganoon din siya.
Nang lumabas ako sa meeting room ay nagulat ako nang may humawak sa balikat ko. Pagkalingon ko ay si Blake 'yon.
"Come to my office." Sabi niya sa'kin.
"Pero---" aangal sana ako nang bigla niyang tinakpan ang bibig ko.
Tumingin siya sa mga mata ko at saka nagsalita.
"Kapag sinabi ko, sinabi ko." Sabi niya at siya na ang unang naglakad.
Napasinghap ako. Etong lalaki na talaga na 'to. Magkasama lang kami kahapon may bagong kalokohan nanaman.
Napailing nalang ako at pumasok sa office niya. Pagka pasok ko roon ay hindi ko mapigilang hindi matawa.
Naalala ko nanaman 'yong sinayaw nila! HAHAHAHAHA.
"Anong tinatawa-tawa mo d'yan?" Masungit niyang tanong sa'kin.
"Wala." Sagot ko nalang kahit medyo natatawa pa ako.
Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Agad akong tumingin sa pinto at gumaan naman ang loob ko nang nakita ko na nakasara 'yon.
"I miss you so much, Kylie." Bulong niya sa'kin.
"Huh? Miss agad? Magkasama naman tayo lagi ah." Natatawa kong sabi sa kaniya. Niyakap ko siya pabalik.
"Ewan ko ba, nababaliw na talaga ako sa'yo." Sabi niya.
Nagulat kaming pareho nang may biglang kumatok sa opisina niya.
Agad akong kumalas mula sa pagkakayakap ko sa kaniya at ganoon din siya.
Napasinghap siya.
"Istorbo." Bulong niya at saka umirap.
"Come in!" Naiinis na sabi niya.
Pagkabukas ng pinto ay niluwa nu'n ang secretary niya.
"U-Uhm, S-sir Blake may naghahanap po sa i-inyo. " kinakabahang sabi ng secretary niya.
Kumunot naman ang noo ni Blake.
"Sino?" Tanong ni Blake.
"D-daddy niyo po."
Nanlaki naman ang mga ni Blake.
Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit kinakabahan ang secretary niya. Kung si Blake ay mukhang masungit. Paano pa kaya 'yong daddy niya? I'm sure, mas nakakatakot 'yon. Dahil 'yon.. totoong masungit talaga.
"Na saan siya?" Tanong ni Blake.
"N-nasa labas lang po." Sagot nung Secretary niya.
Tumingin ako kay Blake.
"D'yan ka muna." Sabi niya sa'kin at saka lumabas.
Napasinghap ako. Ano nanaman kaya ang sa-sabihin ng Daddy niya sa kaniya?
BINABASA MO ANG
Hold On (COMPLETED)
Любовные романыHighest Rank Achieve: #166 in Romance THE SEQUEL BOOK OF "THE 7 STEPS TO MOVE ON" Ang kahulugan ng pag-ibig ay hindi nasusukat sa saya at lungkot. Sa pagbigay at pagtanggap. Sa ginhawa at sa sakit. Kundi ang pagmamahal ay patungkol sa PAGKAPIT. Pagk...
