Chapter 52: Wait for me

1.2K 39 10
                                    

Chapter 52: Wait for me

Brylle's POV

Nandito na kami sa bahay namin sa America. Inaayos na ng mga katulong ang mga gamit namin.

"Uhm, Kylie.. pwede bang sa kwarto ka muna ni Brylle mag-stay? Hindi pa kasi nalilinis 'yong isang kwarto eh. But, don't worry. Mga ilang days lang naman." Sabi ni Mom kay Kylie

Seriously, Mom? Ang pagkakaalam ko ay malinis lahat ng kwarto rito.

Tinignan ko si Kylie. Nagdalawang-isip pa siya bago sumagot.

"Uhm, sige po." Naiilang na sagot niya.

Napasinghap ako. Hindi ba nararamdaman ni Mom na it's so awkward? Mayroon ng asawa si Kylie. At ngayon, ako na ex niya.. magsasama sa iisang kwarto?

Tinignan ko si Mommy. Ngumiti lang siya sa'kin. I think she planned this. Napailing nalang ako. It's not right. Hindi magiging comfortable si Kylie.

-

"Bro, kamusta? Okay na ka lang ba r'yan?" Tanong ni Jake na kausap ko ngayon sa cellphone.

"Ah, yeah. Bro, thank you for everything ah?" Nakangiti kong pagpapasalamat sa kaniya.

Simula nung nalaman ni Jake na nagkasakit ako. Lagi niya akong binibisita at inaasikaso. Hindi niya ako iniwan.

Noon, oo.. nagalit sila pareho ni Kate sa'kin dahil sa ginawa kong pag-iwan kay Kylie. Hindi nila ako kinakausap that time. Lalo na't itong si Kate, nagagalit na kay Kylie biglaan daw kasi siyang umalis  noon.

Hanggang sa nalaman nila ang totoo. One time, binisita nila ako sa bahay at wala ako roon. Hindi na kasi ako pumapasok sa school that time. Hindi ko na naituloy ang pag aaral ko. So, ayon na nga. Si Dad lang ang nasa bahay no'n. Sinabi ni Dad sa kanila ang lahat. Agad naman nila akong pinuntahan sa hospital at nagulat sila nang makita nila kung gaano kalala ang kalagayan ko. Simula no'n, lagi na nila akong binibisita. At medyo nagalit pa nga sila, bakit daw hindi ko sinabi sa kanila ang totoo lalo na kay Kylie.

Napailing nalang ako. Ang sabi ko, ayoko na silang mahirapan pa. Ayoko na silang mag alala pa.

"Wala 'yon, bro. Kaibigan kita. Dapat lang na tulungan kita. Brylle, ngayon na may pag-asa ka na ulit na mabuhay. Please, lumaban ka. Sige ka, mababawasan ang porsyento ng mga gwapo rito sa mundo." Natatawang sabi niya.

Napailing naman ako. Loko talaga 'tong si Jake.

"Oo na! Hahaha. Pero, bro.. may tanong ako." Sabi ko kay Jake.

Gusto kong tanungin kung kamusta na ba talaga sila ni Kate. Kapag kasi pumupunta sila hospital nahahalata ko na parang hindi sila nagpapansinan.

"Hmm.. ano 'yon?"

"Kamusta na kayo ni Kate? May problema ba kayo?" Diretso kong tanong sa kaniya.

Mga ilang segundo pa ang nakalipas bago siya nagsalita.

"Uhm.. Brylle. Sasabihin ko nalang sa'yo ang lahat kapag magaling ka na. Huwag ka munang mag-isip ngayon, Brylle. Kaya namin ang sarili namin. Basta, ang mahalaga mag-pagaling ka. Okay?" Sabi niya sa'kin.

Napabuntong hininga naman ako.

"Okay." Simple kong sagot.

"Oh sige bro, mag-pahinga ka na. Bye bro." Sabi niya.

"Bye." Sagot ko at binaba na ang telepono.

Ano kayang problema nilang dalawa?

Hays, hindi ko na nga muna 'yon iisipin. Nilingon ko si Kylie na nasa kabilang kama. Mahimbing siyang natutulog.

Hold On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon