Chapter 14: You can't change it

1.4K 43 7
                                    

Chapter 14: You can't change it

Kylie's POV

2nd day of audition. Yes. Nandito nanaman kami, at nag ju-judge ng mga models.

Nakakapagod at nakakasawa na. Pero ayos lang, kesa naman sa kami ni Blake ang mag-endorse. Like huh? Wala akong experience sa mga ganyang endorsement. Modeling nga wala akong experience eh.

Kahapon ay hindi sumang-ayon si Blake sa sinabi ng isang empleyado rito na kami na lang daw ang mag-endorse. Kasi raw, baka meron pa kaming mahanap ngayong araw. Pero sa nakikita ko ngayon, ay parang wala na talaga kaming mahahanap.

Sinapo ko ang mukha ko. Mukhang wala na talaga kaming mahahanap.

"Uy, ang ganda at gwapo ng isang 'to."

"Yes! Makakapagpahinga na rin tayo."

"Mukhang may mapipili na ah?"

Rinig ko ang bulung-bulungan ng mga empleyado rito na nasa likod namin ni Blake.

Hay finally, mukhang may mahahanap na kami.

Nang tinignan ko ang mga model na pinag u-usapan nila ay agad nanlaki ang mga mata ko.

"Good morning, everyone. My name is Diana P. Santos."

"And I am Derrick L. Gomez."

"Woah! Bagay na bagay sila sa endorsement natin!" Sigaw nung isang empleyado.

"Shut up!" Sigaw ni Blake doon sa empleyado. At tinignan ng mariin si Diana at Derrick.

"Here is the bottle. Kunyari ay alak 'yan, the two of you, how you will endorse it?"

Ginawa ni Derrick at Diana ang pinapagawa ni Blake sa kanila at hindi ko maiwasan na hindi humanga. Napakagaling nila!

"Woooo!" Sigaw rito ng mga tao.

"Sa wakas!" Sigaw nung isa.

"Okay, pass na kayo. Kayo na ang mag e-endorse ng products namin." Sabi ni Blake.

Agad silang naghiyawan at nagpalakpakan.

"Break time muna! Kayong dalawa, d'yan lang muna kayo at ka-kausapin pa namin kayo. 'Yong iba ay magligpit na after ng break time tapos pwede na kayong umuwi." Sigaw ni Blake.

Agad silang naghiyawan at nagpasalamat kay Blake. May dumating na delivery ng pizza.

"Kumain muna kayo." Sabi ni Blake.

Agad silang nagpuntahan sa pizza at kumain na roon.

Ako naman ay tinignan ko sila Derrick at Diana. So, sila pa rin hanggang ngayon? Ang tibay ah.

"Ms. Mendoza, after ng breaktime at ka-kausapin natin sila."

"What?! Bakit pati ako?" Gulat kong tanong sa kaniya.

"Syempre, you're the Vice President of this company." Agad na sagot ni Blake.

"Pero..."

"Kapag sinabi ko. Sinabi ko."

Napabuntong hininga ako. Hays. Ayoko nang makausap ang dalawang 'yan.

Umalis si Blake sa tabi ko at pinuntahan ang mga empleyado na nagkakagulo na roon dahil sa napakaraming pizza na pina-deliver niya.

Pu-punta na rin sana ako roon nang bigla akong harangin ni Diana. Nasa likod niya si Derrick.

"Kamusta ka na, Kylie? So tama pala ang pagkakakita ni Derrick.. ikaw nga 'yan." Sabi niya sa akin at plastic na nakangiti.

"I'm fine." Simple kong sagot.

"Huh? You're really fine? Oh, Kylie.. don't pretend that you're fine. Dahil alam ko naman na, durog na durog pa rin ang puso mo ngayon. Lokohin at iwan ka ba naman ng magkasunod na lalaki?"

"Diana.. tama na 'yan." Awat sa kaniya ni Derrick.

Hindi ko pinansin si Derrick at agad kong sinagot si Diana.

"Nagtatanong ka tapos hindi ka maniniwala sa sagot ko. But anyways, I'm really fine right now. Alam mo kung bakit? Dahil nawala na ang mga toxic at hindi totoong tao sa paligid ko." Nakangiti kong sagot sa kaniya.

"Pero.. hindi ka masaya, right? Hay, sinabi ko naman sayo. Good girls are boring!"

"At anong tawag sa inyong mga bad girls? Bad girls are funny? Yeah, sobrang nakakatawa kayo. Kasi pinapaniwala niyo ang mga sarili niyo sa mga bagay na hindi naman totoo. Ano?! Nagpapakama kayo, pagkatapos kapag iniwan kayo, anong ga-gawin niyo?! Magpapakama ulit?! Actually, Diana.. naawa ako sa isang tulad mo. Kasi alam ko, hindi mo pa alam ang pakiramdam na tunay kang minamahal."

Pagkatapos kong sabihin sa kaniya 'yon ay agad niya kong sinampal.

"How dare you! Lumalaban ka na ngayon!" Sigaw niya sa'kin. Agad naman siyang inawat ni Derrick na nasa likuran niya. Pero hindi ko 'yon pinansin at agad ko siyang sinampal pabalik. Mas malakas pa kesa sa ginawa niya.

"How dare you too, Diana. Huwag mo 'kong simulan. Baka tumumba ka nalang bigla." Mataray kong sabi sa kaniya at saka tumalikod.

Nararamdaman ko na kasi na lahat ng empleyado rito ay nakatingin na sa amin.

"Pero, Kylie.. kahit bali-baliktarin ang mundo. Tanga ka pa rin! Kaya ka nga iniiwan ng taong mahal mo! Dahil 'yon ang fact na hindi magbabago kay Kylie G. Mendoza. Na isa siyang MALAKING TANGA!"

Napapikit ako. Talagang iniinis ako ng isang 'to.

Lumingon ako sa kaniya at saka nagsalita.

"At anong tawag mo sa sarili mo, Diana? Tumingin ka nga sa salamin! Mas tanga ka pa kesa sa'kin!" Sigaw ko sa kaniya at agad na lumabas sa kwartong 'yon.

Nagmamadali akong lumabas ng kompanya.

Napatigil ako ng ilang sandali.

"Pero, Kylie.. kahit bali-baliktarin ang mundo. Tanga ka pa rin! Kaya ka nga iniiwan ng taong mahal mo! Dahil 'yon ang fact na hindi magbabago kay Kylie G. Mendoza. Na isa siyang MALAKING TANGA!" 

Napaluha ako. Fvck this tears!

Naiiyak ako dahil pakiramdam ko kahit na gawin ko ang lahat hinding hindi pa rin magbabago ang tingin sa'kin ng mga tao.

Na tanga pa rin ako. Na masyado pa rin akong mabait. Na lagi ko nalang inuuna 'yong iba kesa sa sarili ko.

Napaupo ako sa may hagdanan rito at sinapo ko ang mukha ko.

"Kylie." Rinig kong tawag sa'kin ni Blake.

Bakit siya nandito? Bakit siya sumunod?

Tinapik niya ako sa balikat. At naramdaman ko na umupo siya sa tabi ko.

"Kylie.. narinig ko ang lahat. Simula sa umpisa. Ngayon, gusto kong marinig kung ano bang problema." Sabi niya sa'kin.

Napatingin ako sa kaniya. Halata ang pagkagulat sa mukha niya nang makita niya ako na umiiyak.

"A-alam mo, kung anong problema? 'Yong mga t-tao na nasa paligid ko dati! Ang tingin nila sa'kin n-napakatanga ko! Ang tingin nila sa'kin wala akong k-kwentang tao dahil lagi akong naloloko! Ang tingin nila sa'kin ang baba kong tao dahil masyado akong m-mabait noon! Kaya nga siguro pati mga m-magulang ko! Hindi ako pinagkakatiwalaan na i-handle ang sarili naming kompanya kaya inilagay nila ako rito! Pero binabago ko naman eh. Kaya nga ako nagiging ganito! P-para mapakita sa kanila na malakas na ako! P-para mapakita sa kanila na hindi na ko basta-bastang maloloko. Pero wala pa rin! G-ganoon pa rin ang tingin nila sa'kin na isa akong t-tanga!"

Agad niyang hinagod ang likuran ko. Mas lalo akong naiyak. Hindi ko na alam ang ga-gawin ko.

Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.

"You know what, Kylie. You can't change the way that people look at you. But you can change the way you look at yourself. Don't please other people, don't prove to them. But prove to yourself. Because in the end of the day, you.. yourself will earn all the sacrifices that you do for yourself. It's all about yourself, Kylie. Not the people around you."

To be continued.

Hold On (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon