Chapter 3

4.3K 185 4
                                    

“GOOD MONING, MONICA,” BATI SA KANYA NI MR. CHIN bago pa man siya makapasok sa RTW store nina Mommy A.

Si Mr. Chin ang may-ari ng cellphone store katabi mismo ng damitan nina Mommy A. Ang RTW store nina Mommy A ay napapagitnaan ng cellphone store at ng motorshop dealership na pinamamahalaan naman ni Marky. 

Tuwing sabado ay nauwi siya sa kanila at nadaan siya roon basta may pa-order niyang damit, kurtina, bedsheet, pillowcase, at diretso deliver na rin sa Laguna. Doon na rin siya nagpapalipas ng gabi para makasama na rin ang mga magulang.

Ang mga pamangkin niya ay kinukuha ng mga lolo at lola nito sa side ng bayaw niya na nakatira sa karatig-bayan lang. Hinahayaan nila iyon ng ate niya. Pahinga na rin n'ya sa pag-aalaga sa dalawang bata, at the same time, bonding time ng dalawa sa mga pinsan ng mga ito. Hindi naman porket galit sila sa bayaw niya ay idadamay nila ang relasyon ng mga pamangkin sa ibang kaanak ng ama ng mga ito. Importante iyon sa development ng mga bata.

Tuwing linggo ng hapon ay nabalik na siya sa Taytay para sa mga pamangkin na papasok na ulit sa paaralan. Linggo ng gabi ihinahatid sa Taytay ang mga bata.

“Good morning, Mr. Chin,” nakangiting sagot niya.

“Ako kausap anak ko. Ako sabi wag hiya ligaw iyo.”

Napatawa si Monica. Tatlong buwan na nilang topic ang tungkol sa panliligaw raw ng anak nito. At sa loob ng tatlong buwan na iyon ay wala namang panliligaw na nangyayari.

“Mr. Chin ayaw talagang manligaw ng anak n'yo. Wag mo na po pilitin.”

“Hindi! Hindi!” ikinumpas pa nito ang kamay, “Ikaw gusto akin anak. Iyo mukha ganda. Mukha maamo.”
Hindi si Mr. Chin ang unang nagsabi noon. Sa unang tingin ay maamo ang mukha niya. Dahil daw sa mga mata niya, bilugan ang mga iyon na may malalantik na pilik-mata.

Yun nga lang, sabi ng mga kaibigan niya, sa unang tingin lang daw. Dahil oras na makausap na siya at maging kaclose, nalabas ang naturalesa niya. Madaldal at puro kalokohan ang alam. Nawawala na raw ang maamong aura na naproproject ng mukha niya sa unang kita.

Napangiti si Monica, “Wag n’yo na po ako bolahin, Mr. Chin.”

“Hindi! Iyo mukha, plopolsion, tama sukat, halata swelte negosyo. Kaya ako sabi anak, sige, ligaw iyo,” itinuro nito ang anak, si Tim, na nakatingin sa kanya. Bigla itong yumuko nang makitang tumingin siya.

Filipina ang napangasawa ni Mr. Chin pero mas nangingibabaw ang pagiging tsino sa features ni Tim dahil sa singkit na mata at mataas na cheekbones, maging ang kutis nito ay namana sa ama. Hindi naman masasabing pangit si Tim kaya nagtataka siya kung bakit napakamahiyain nito, o baka naman nahihiya sa pamimilit ng ama sa kanya.

Napatawa si Monica, “Kaya ninyo pinipilit si Tim na manligaw sa akin? Swerte sa negosyo ang mukha ko?”
Nasabi na rin sa kanya iyon dati ni Mr. Chin. Maganda raw ang proportion ng mukha niya. At ang noong isa sa mga insecurities niya kaya laging nakabangs ay pinuri nito. Akalain ba niyang ang malapad na noo pala ang isa sa palatandaan ng mga tsino kung yayaman o hindi ang isang tao?

Bongga!

Magdilang-anghel sana ang tsinong ito.

“Hindi. Ikaw masaya, mabait, at saka masipag. Ikaw bagay akin anak.”

Hindi napigilan ni Monica ang pagtawa. Talagang seryoso nga yata ang tsinong ito sa pagrereto sa anak. Naniniwala na siyang talagang nakitaan nito ng swerte ang kanyang mukha.

“Lao, wag mo nang ligawan ‘yan si Monica. Huli ka na,” ani Mommy A. Hindi niya napansing nasa likod na pala niya ang ginang.

“Good morning, Mommy A,” nakangiting baling ni Monica. Pero napalis ang ngiti niya nang makita ang lalaking katabi nito.

“Narinig mo, Lao? Mommy na ang tawag sa akin ni Monica.”

Nagtama ang paningin nila ni Gregorio. Nakatitig itong nang matiim sa kanya kaya tinaasan niya ito ng kilay. Umangat naman ang sulok ng labi ng lalaki.

“Ang criteria for judging?” nanunudyong tanong pa ng tinamaan ng magaling.

Lalo niya itong itinaasan ng kilay, “Sorry, hindi ka nakapasa sa critiria na isinet ko sa mga taong ina-allow kong mangjudge sa 'kin.”

Lalo lang lumapad ang ngiti ng lalaki, nangislap pa ang mga mata, “Kahit itanggi mo, alam ko namang nang una mo akong nakita, pasado ako sa critiria mo.”

Shutek naman talaga! Nakakagigil ang ngiting iyon! Gusto niyang burahin sa mukha ni Gregorio ang ngiti nito. Nalilimutan niyang hindi niya ito bet kapag nangiti nang ganoon.

“Wag mong kalimutan ang key word, nung una lang. And for your information, pasang-awa ka lang. Ngayon, bagsak ka na talaga,” inirapan niya si Gregorio bago muling ibinalik sa dalawang nag-uusap sa harap niya ang atensyon.

“Kami usap Tim kanina, punta kami bahay Monica. Kami ligaw na.”
Napaangat ang kilay ni Monica, napalingon siyang uli sa stall nila Mr. Chin. Nakatingin sa kanya si Tim, na ngumiti na. Itinaas nito nang bahagya ang kamay at kumaway sa kanya.

Napamaang si Monica. Iyon ang unang pagkakataong ginawa iyon ni Tim. Pero matapos ang inisyal na pagkabigla ay nginitian din niya si Tim.

“Sumuko ka na, Lao. Noon ngang wala pa si Goryo ko, pumayag na si Monica na sila nang dalawa, lalo na ngayong narito na ang anak ko.”

Napalingon si Monica sa ginang at hindi maiiwasang mapatingin siya sa binatang katabi nito. Tumaas ang dalawang kilay ni Gregorio. Ang mga matang matiim na nakatitig sa kanya ay nagtatanong. Inismiran lang niya ito bago muling bumaling kay Mr. Chin.

Narinig niya ang mahinang pagtawa ng binata. At muntik nang mapalingong muli si Monica sa lalaki. Mabuti na lang napigilan kaagad niya ang sarili.

“Excuse me lang po. Pasok na po ako,” itinuro niya ang RTW store nina Mommy A. Kailangan na niyang makuha ang mga order dahil uuwi pa siya sa Laguna.

“Kailan pede punta iyo?”

“Sasabihan ko na lang po kayo,” ani Monica. Nginitian niya ang tsino bago bumaling kay Mommy A. “Excuse me, Mommy.”

Hindi na niya inantay ang sagot ng mga ito, lumakad na siya papasok ng tindahan.

Monica, Raketera (PUBLISHED @ ebookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon