Chapter 17

2.7K 129 16
                                    

“TAY, KUMUSTA PO?” Ani Monica, pagpasok sa kwarto ay naupo siya kaagad sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay nito.

“Ayos naman, anak. Hindi na masyadong masakit ang binti ko, pwede na tayong lumabas bukas,” anito na ngumiti pa sa kanya.

Alam ni Monica na ayaw lang talaga ng ama niya na makita nila ito na mahina. Nasanay na ito laging malakas at ayaw na ayaw nito na naoospital. At nasisigurado niya na kung kaya lang nitong tumutol ay tiyak na hindi ito nadala sa ospital kanina.

“Magandang gabi po,” ani Gregorio matapos maipatong sa lamesa ang mga dala nilang pagkain at prutas.

“Gregorio po,” lumapit ito sa ina niya, hinagip ang kamay nito at nagmano.

“Lucila,” anang nanay niya na hindi maitago ang ngiti sa labi bago bumaling sa asawa, “Ang pasyente naming si Tacio. Ang pinagmanahan nang makulit na dalaga namin.”

“Maganda ako, Nay, hindi makulit.”

Bumaling ang ina niya kay Gregorio, “Nakita mo na? Kung paano ang batang ito, gan’yan ang tatay n’ya. Hindi ko na nga lang maisauli noon sa biyanan ko at ang batas na sinabi sa akin ay walang saulian, matuto raw pagtiisan. Habangbuhay. At kung sakali, iyon din ang batas na ipapataw ko sa iyo.”

“Nay, di n'yo kailangang takutin yan. Hindi ko naman po boyfriend 'yan,” natatawang sagot ni Monica.

“Ano ang maganda sa gabi? Nakita mong nakaratay ako rito,” anang ama niya, pinagmamasdan ang lalaking ngayon lang nito nakita.

“Ang anak n’yo po,” nakangiting sagot ni Gregorio, lumapit sa ama niya at nagmano rin.

“Eh naman! Alam na namin ‘yan. Maliit na bagay,” singit ni Monica, pinaikot pa niya ng mga mata.

“Anak, binobola ka lang n’yan. Naniwala ka kaagad?” seryosong sagot ng ama niya, pinakatitigan pa rin si Gregorio.

Napatawa si Monica. Dito siya nagmana ng pagiging masayahin at mabiro, at alam niyang sinusubukan ng ama niya ang kumpiyansa ng binata.

“Actually, hindi ko po kailangang bolahin ang anak n’yo tungkol doon. Alam na alam po niya iyon. Lagi nga po niyang sinasabi sa bawat pagkakataon na magkakaroon siya,” nakangiting sagot ni Gregorio.

“Sadya! Love your own! At saka, kita naman, di ba? I got it from my momma,” ani Monica na kinindatan ang ina.

“Kamukha ka ng ama mo. Sa kanya ka nagmana,” sansala ng ina niya. “Hindi ako kasing ligawgaw ko noong kabataan ko. Dalagang Pilipina ako.”

“Maria Clara ka, Gabriela Silang ‘yang anak mo,” anang ama niya, halata sa boses na proud ito.

Napailing ang ina niya, “Paano’y gawa mo. Masyado mong pinalayaw ang batang iyan. Gan’yan tuloy ang nangyari. Pagkagulo.”

“Maabilidad ang anak mo. Maaasahan at may sariling desisyon. Para sa akin ay napalaki natin siya nang tama,” anang ama niya, tinapik nito ang kamay niya at masuyong nginitian ang ina niya.

Sa nasaksihan ay lalong napanatag si Monica. Maayos na ngang tiyak ang pakiramdam ng ama niya. Naglalambingan na naman kasi ang mga magulang niya.

“Ano ang buong pangalan mo?” muling baling ng ama niya sa binata.

“Gregorio Roxas po.”

“Walang asawa?”

“Wala po.”

“Walang dating kinasama o naanakang nobya?”

Hindi mapigilan ni Monica ang mapatawa, “Tay, mabuti na lang nakaratay ka. Kung hindi, mas nakakakaba ang interrogation mo.”

“Nililinaw ko lang. Baka mamaya may panibago na namang aaway sa’yo,” seryosong sagot ng ama niya. Bago muling bumaling kay Gregorio, halatang inaantay ang sagot nito.

“Wala po,” ani Gregorio, bago tumingin sa kanya.

Bumuntong-hininga si Monica at nagkibit-balikat lang.

“Kakain ka ba? May dalang pagkain ang mga bata,” pag-iiba ng topic ng nanay niya. Lumapit ito sa ama niya, inayos ang unan nito sa likod.

“Mga bata pa ba iyan? Eh kaya na nilang gumawa ng sarili nilang bata,” anang ama niya bago biglang bumaling kay Gregorio. “Pero wag kang magkakamaling bumuo ng apo ko na wala ka pang permiso. Pinag-iisipan ko pa kung papasa ka bang maging manugang ko.”

“Eng! Tay, patawa ka! Ulitin ko lang, ha. Hindi ko s’ya boyfriend,” natatawang singit ni Monica.

“Eh bakit mo kasama?” anang ama niya na kay Gregorio pa rin nakatingin.

“Gusto ko lang pong masiguradong makakarating nang ligtas si Monica dito sa inyo,” nginitian siya ng binata.

At dahil sa ngiting iyon ay parang gusto niyang pumunta sa Emergency Room at magrequest sa mga nurse ng ECG. Juskong pineapple na malamig! Hindi naman siya nagkape, pero nagpapalpitate siya!

“Iyon lang? Walang halong malisya?”

“Tay! Malabong magyari ‘yon. ‘Di n'ya po ako type,” singit ni Monica. Iningusan niya si Gregorio para itago ang totoong nararamdaman.

“Anak, kahit bakla ay napapaisip na magtino kapag nakita ka. Yun ngang may kinakasama na, kinukulit ka pa,” anang ama niya na nakatingin pa rin kay Gregorio, halatang sinusukat ang kumpiyansa at intensyon ng binatang kaharap, na sinalubong din ang tingin ng ama niya.

Muling bumuntong-hininga si Monica. Alam niya kung saan nanggagaling ang pagiging matanong at mapag-obserba ng tatay niya sa mga lalaking napapalapit sa kanya. Naunawaan niya ito, lalo na’t mas naapektuhan pa nga ito at ang nanay niya sa eskandalong kinasangkutan niya noon.

Makalipas ang ilang saglit na pagsusukatan ng tingin ay sumulyap sa kanya ang ama, bago muling tumingin sa binata.

“Ikaw baga'y walang planong lumigaw sa anak ko?” tahasang tanong ng tatay niya.

“Tay! Kung ano-anong tinatanong mo!”

Bumaling sa kanya ang ama saka siya sinenyasan na lumapit dito. Naunawaan naman niya ang ibig sabihin ng ama kaya inilapit niya ang tainga sa tapat ng bibig nito, “Binata ba talaga ito? Walang sabit?”

Napatawa si Monica bago bahagyang tumango.

“Sayang ang lahi nito, anak, maganda. Tiyak magaganda at gwapo ang magiging apo ko,” muling bulong ng ama niya.

Napatuwid bigla si Monica ng upo at napatawa, “Tay, magaling ka na nga. Napakaligalig mo na. Makapunta na sa nurse station, ipapadischarge na po kita.”

“Dapat po ba akong magsibak ng kahoy?” tanong ni Gregorio sa seryosong tono.

Napatingin si Monica sa lalaki, bahagyang nanlaki ang mga mata niya, kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso, “Hoy! Anong kalokohan ‘yan, Gregorio?!”

Sinulyapan siya saglit ni Gregorio bago muling tumingin sa ama niya. Pero ang saglit na sulyap na iyon ay sapat para lalong magwala ang tibok ng puso ni Monica. Sa sulyap na iyon nakapaloob na walang halong kalokohan ang tanong nito sa tatay niya.

“May shellaine kami. Maalam ka bang gumapas ng palay?”

“Hindi po. Pagmemekaniko po ang alam ko. Pero mabilis naman po akong matuto.”

Napatuwid ng upo si Monica at napatingin sa binata, “Hoy, Gregorio! Kung ano-anong pinagsasasabi mo!” ani Monica na pinandilatan pa ang lalaki, pilit pinipigil ang mabilis na tibok ng puso.

Kailangan muna niyang pabagalin iyon dahil malamang madala talaga siya sa Emergency Room. At baka hindi lang ECG ang kailanganin niya. Baka pati oxygen, magpakabit din si Monica.

Susme! Kinakapos siya ng hininga sa mga tingin at simpleng hirit ng binata!

At nang saglit na maghinang muli ang kanilang mga mata, pakiwari ni Monica ay tumigil bigla ang tibok ng puso niya.

Monica, Raketera (PUBLISHED @ ebookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon