"OKAY, TITA VIOLET. Pupuntahan kita sa yayamaning subdivision kapag dumating na ang order mo," ani Monica matapos maisulat ang alahas na order sa kanya ng matanda.
Tapos na ang zumba session nila at habang nagpapahinga pa ang mga kasama sa session ay pinakitaan na kaagad niya ng brochure ng mga alahas. At katulad dati, laging siyang may napapaorder sa tuwing naattend ng session.
"Monica, hija, natikman ko kina Anacieta ang gawa mong leche flan at talaga namang masarap. Gusto ko yung flavored leche flan mo. Oorder din ako noon."
"Oh, sure Tita Millie! Anong pong flavor? Ilan at kailan mo kailangan?" Inilagay na ni Monica ang brochure ng alahas sa bag at ang order notebook naman ang inilabas niya.
"Gusto ko yung langka flavor. Pati yung strawberry at blueberry. Oorder ako ng tig-sasampu. Ipapatikim ko sa mga anak at apo ko sa birthday ko sa linggo."
"Okay, Tita."
"Papupuntahan ko na lang sa driver namin. Pwede na ba iyon ng sabado ng gabi?"
"Sabado ng umaga, Tita. Uuwi kasi ako sa amin kaya sabado pa lang po ng umaga pakikuha na po."
"Look at that hawt thang, cyst! Makalaglag panty!" ani Miss Toni na bagong lapit sa kanya, kinuhit siya at pasimpleng itinuro ang lalaking nakasandal sa kotse, nakatingin sa gawi nila.
Si Gregorio.
Napatawa si Monica. Iyon din mismo ang nasabi niya noong una silang nagharap ng binata.
Makalaglag panty.
"Jusko, Cyst, nalabas ang naturalesa ko! Kung knowsing ko lang na may masisight aketch na papable, nag-long gown sana aketch."
Sa unang tingin ay aakaling straight na straight si Ms. Toni. Ilan ang babaeng naakit dito noon. Maging siya ay napeke din nito noong una. Paano ba naman ay maskulado, tipong si Rogelio sa Eat Bulaga. Maalaga sa katawan. Yun nga lang, kapag nakausap at kapag kumendeng na ito, doon mo na malalaman ang tunay na kulay ng macho-gwapitong zumba instructor.
"Panganay na anak 'yan ni Mommy A. Si Gregorio."
"Ayyyyy! Dumating na pala ang boylet mo!" impit na tili ni Miss Toni, nanlalaki ang mga mata, excited na excited na amino'y totoong boyfriend nga niya ang binata.
"Marinig ka. Baka sabihin pinapantasya ko talaga s'ya," ani Monica.
Napatingin din sa lalaking hindi lang sila ni Miss Toni ang nakatingin. Maging ang ilang Titas at Lolas na kasama sa session ay nakatingin sa binata. Kahit ang mga kadalagahan na nakatambay sa plaza ay tinitingnan din ito.
"Wag nga aketch, Cyst! Knowsing kong pinapantasya mo 'yan! Kahit aketch, ngayon ko lang na-sight 'yan, pero mamaya, tiyak, s'ya na ang star ng wet dreams ko," ani Toni, kinagat pa ang labi, nakatitig pa rin sa binata na kausap na ng ina nito.
"Sabihin ko kay Mommy A gusto mong makadaupang palad?"
"Pwede bang lampas pa sa palad? Jusko, Cyst! Itsura pa lang, yummy na!"
"Sure kang yummy 'yan?" napasulyan siyang muli sa lalaki.
"Nako, Cyst, sa dami na ng lalaking nakita at nakadaupang palad ko, kahit malayo ay kabisado ko na kung jutay o daks. At Cyst, sa built n'yan, kahit gan'to kalayo, itataya ko ang hymen ko, sigurado aketch na daks 'yan!"
Napatawa si Monica at napailing na rin sa kalokohan ng zumba instructor. Pero hindi naman niya mapasubalian ng sinabi nito. Dahil kung pagbabatayan ang umbok sa harapan ng pantalon nito noong nang nagmini fashion show siya, masasabi talaga niyang daks nga ang binata.
"Nakatingin ditetch ang boylet mo," ani Miss Toni. Paglingon ni Monica ay nakatingin nga sa kanila si Gregorio. Lalo namang napangiti si Monica, kahit na ba si Gregorio ay halos mag-isang linya na ang kilay.
"Imvey yata, Cyst?"
"Hayaan mo lang. Nung nakaraan pa 'yan ganyan. Daming issue sa akin."
"Anetchiwa ang ni-do mo at bakit mukhang imvey s'ya sa'yo?"
"Wala akong ginawa sa kanya," ani Monica, hindi pa rin nagbabawi ng tingin kay Gregorio. "I mean, wala pa masyado. Slight pa lang."
Bago pa lang nag-uumpisa ang plano niya. Patikim pa lang lang ang nakikita nito. Hindi siya papayag na maging libangan ng lalaking ito.
No way!
Over her beautiful face and sexy body!
Imbes na maging libangan, siya ang gagawa noon dito. Iyon ang pinakamagandang ganti niya sa pagiging judgemental nito.
"Monica, anak, halika na," ani Mommy A habang naglalakad papalapit sa kanila.
"Anak talaga?!" bulong ni Miss Toni, kinurot siya nito sa tagiliran. "Gandara! Kaasar ka!"
"What can I say? I'm fabulous!" kinindatan niya ito, bago bumaling sa ibang kasama, "See you next week, fabulous mamshies! Salamat po sa orders. Kung may hahabol pa, chat lang po!" aniya, na nagflying kiss pa sa mga ito bago tuluyang tumalikod, umabrisyete sa braso ni Mommy A.

BINABASA MO ANG
Monica, Raketera (PUBLISHED @ ebookware)
Romansahttps://www.ebookware.ph/product/monica-raketera/ "Mahal kita, kahit gaano ka pa kaoportunista." Basta marangal na raket, asahan mo, si Monica, always present. Mag-alaga ng bata, magbenta ng gamit, pati sweet treats, gagawin ni Monica, para kumita n...