Chapter 5

4.2K 162 12
                                    

"MOMMY A, I need your words of wisdom," ani Monica habang chinecheck ang mga items na iuuwi niya sa Laguna.

"Anong maitutulong ko, anak?"

"Gusto ko pong gumawa ng banner sa online store ko. Dapat po yung kakaibang tagline. Yung catchy, 'yong may magandang meaning. Parang katulad sa Jollibee, 'Bida ang saya!' Mga ganoon po."

"Iyang mga kabataang iyan ang tanungin mo. Kapag ako ay sinaunang kasabihan ang sasabihin ko sa iyo."

"Oo nga naman. Dapat for millennial ang tagline ko."

"Millennial ka ba?" ani Marky, bagong pasok sa tindahan. Diretso sa counter kung nasaan siya, si Hannah na may kaharap na laptop at si Rebecca na panay ang pindot sa calculator. Nakabukas sa harapan ng mga ito ang passbook, ledger at ang disbursement logbook ng tindahan. Iniabot ni Marky sa kapatid ang passbook, ledger at disbursement logbook na may nakasulat na motorshop.

"Millennials ang target market ko. Kailangan kong makibagay sa kanila. Ikaw, Marky, dahil magaling kang mambola, magsuggest ka nga."

Humarap sa kanya ang lalaki, "Hmmmm...." Nakatingin ito sa kanya, animo'y nag-iisip nang malalim, "Ang sexy mo, Nic. Ngayon ko lang napansin."

"Magandang tagline 'yan. Kaso mukhang self-serving," aniya habang nagpipigil ng tawa. Alam na niya kaagad kung ano ang agenda ng magaling na binata.

Tumawa si Marky, "Hindi tagline 'yon. Pinupuri kita."

"Salamat. Pero ako'y tigilan ng gan'yang salita, Macario. Tagline ang kailangan ko sa'yo, hindi 'yang boladas mo," natatawang sagot ni Monica. Tinaasan niya ito ng kilay bago siya bahagyang umiling.

"Maka-Macario ito," kunot-noong reklamo ni Marky. "Ano ba kasing dapat kong gawin para pumayag ka?"

Pigil ang ngiti na itinaas niya ang dalawang balikat.

"Nic naman! Sige na."

"Marky, bumalik ka na sa shop. Si Andy lang ang bantay roon," ani Gregorio, salubong ang mga kilay.

Bumuntong-hininga si Marky, pasimpleng sumulyap sa counter, "Saglit na lang, Kuya."

"Wala ka namang gagawin dito. At nag-usap na tayo noong nakaraan, di ba?" seryosong sagot ng kuya nito.

Bago tuluyang lumabas ay lumapit lalo sa kanya si Marky at bumulong, "Kinausap ako n'yan. Binalaan. Iwasan daw kita. Ano bang ginawa mo kay Kuya? May gayuma 'yung leche flan, ano? Umamin ka."

Napatawa si Monica bago gumanti ng bulong, "Kumain ka rin siguro kaya biglang tinamaan ka ng alindog ko. Antidote, gusto mo?"

Ang lakas ng halakhak ni Marky ay gano'n na lang, pero ang kuya nito'y lalong nagsalubong ang kilay.

"Sige, mamaya, pupunta ako sa inyo," pakikisakay ni Marky bago tumalikod.

Tumawa si Monica bago muling ibinaling sa ginagawa ang atensiyon, "Kayo, Becks, Hannah, any suggestion?"

"Parang 'We find ways' Ate?" ani Hannah, panay pa rin ang pindot sa laptop.

May naalalang issue si Monica na nagpipilit sumira sa magandang mood niya pero pilit niya kaagad iyong ibinalik sa kasuluk-sulukang bahagi ng kanyang isip. Wala siyang planong paapekto sa walang kwentang issue.

Nakaraan na iyon, iiwan na niya doon.

"Pwede naman. Pero gusto ko, wholesome. Ayaw ko ng motto na may double meaning."

"Paano naging double meaning ang motto ng BDO?" kunot-noong tanong ni Rebecca.

"Hindi mo alam, Rebecca?" ani Gregorio, pinalipat nito si Marky sa motorshop, pero naiwan naman ito roon. "Applicable iyon sa mga third party."

Monica, Raketera (PUBLISHED @ ebookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon