Chapter 6

4K 170 20
                                    


"TITA MONICA, may tao po sa gate. Hinahanap ka po," ani Adrienne.

Nailagay na niya ang huling liyanera sa steamer at tinakpan iyon. May panibagong order siya ng leche flan kaya pagkasundo sa mga pamangkin sa school ay inumpisahan na kaagad niyang gawin iyon.

"Sino? Kilala mo ba?" Sa isip ay ipinapanalangin na hindi sana iyon ang lalaking iniiwasan.

"Hindi po, Tita. Dalawang lalaki po, matanda yung isa."

Napakunot-noo si Monica, pero kahit paano ay napanatag siya nang malamang may kasamang matanda ang bisita niya. Malaki ang posibilidad na hindi iyon ang lalaking iniiwasan niya.

Paglabas niya sa gate ay mas napanatag siya. Ang mag-amang Mr. Chin at Tim pala ang bisita niya. May dalang bulaklak at box na kulay pula. Tikoy.

Oo nga't hapon na, pero maliwanag pa. Hindi pa tuluyang nalubog ang araw, nanliligaw na ang mag-ama. Instik talaga. The early bird catches the worm, gano'n yata ang national motto ng mga ito. Hindi niya napigilan ang pagngiti at pag-iling.

Mula noong nagkita sila ay hindi pa sila muling nakapag-uusap ni Mr. Chin kaya wala pa siyang nasasabi sa mga ito na pwede nang pumunta sa kanya. At isa pa, wala din naman talaga siyang planong papuntahin ang mga iyon sa bahay ng ate niya.

"Good aftenoon, Monica," ani Mr. Chin. Si Tim na nasa tabi nito ay nakangiti lang sa kanya.

"Good afternoon, Mr. Chin, Tim. Napasyal po kayo?" nakangiting sagot niya pagbukas ng gate.

Umangat ang kilay niya nang makita ang lalaking palabas sa katapat-gate nila. Nakatingin ito sa kanila. Nakabasketball jersey ang lalaki. May hawak pang bola. Pero imbes na isira ang gate at tuluyang umalis ay sumandal ito sa sementadong pundasyon ng gate paharap sa kanila. Imbes na ituon dito ang atensyon ay muli siyang bumaling sa mag-ama.

Hindi naman main road ang kalye nila kaya madalang ang sasakyang nadaan doon. May kaliitan din iyon, ang lawak ay pang one-way lang kaya alam niyang kung ano ang pag-uusapan nila ay maririnig din ng lalaki sa tapat-bahay.

"Di ba ako sabi iyo ligaw Tim?"

"Ah. Pasok po," hindi niya nilingon ang lalaki na ramdam niyang nakatutok ang paningin sa kanila.

"Ako hindi pasok. Ako sama lang anak punta iyo. Balik ako tindahan," ani Mr. Chin, iniabot nito sa kanya ang box ng tikoy na hawak. "Pasalubong ko iyo."

"Salamat po, Mr. Chin," nginitian niya ito bago inabot ang tikoy.

"Sana iyo gusto espesyal tikoy. Iyan pabili ko pa China Town."

"Opo. Pero sana hindi na po kayo nag-abala pa. Ayos lang kahit walang pasalubong," ani Monica.

Ang totoo, hindi naman siya talagang fan ng tikoy ng mga tsino. Nakain naman siya noon pero mas gusto niya ang local tikoy na gawa sa malagkit. Maaaring dahil nakalakihan na niya ang pagkain noon, kumpara sa tikoy ng mga tsino na madalang naman niyang makain.

"Sige, ako alis na. Ikaw sagot akin anak, ha."

Napangiti si Monica, "Basta po nagtanong ang iyong anak, sasagutin ko. Pwede ko siyang sagutin ng oo, pwede ring hindi."

"Wag hindi," anang tsino, ikinukumpas pa ang kamay. "Iyo sagot siya oo lang."

Natawa nang tuluyan ni Monica, "Demanding kayo, ha. Kapag nanligaw, di po laging oo ang sagot. Bago po ako sumagot ng oo, dapat kilalanin ko munang mabuti Tim. Titingnan ko muna kung mabait siya."

"Mabait akin anak," ani Mr. Chin. Tinapik pa sa balikat si Tim bago tuluyang tumalikod.

"Ang tanong, yung liligawan naman ba ay mabait din?" anang lalaking nakasandal sa tarangkahan sa kabilang bahay.

Monica, Raketera (PUBLISHED @ ebookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon