Chapter 19

2.8K 123 7
                                    

“ANONG NAMISS KO?” ani Monica pagpasok niya sa kwarto.

Nagtatawanan ang mga taong dinatnan niya roon. Galing siya sa cashier at nagsettle ng bill nila. Pagdating nila kagabi ay masigla na talaga nga tatay niya. Nawala na rin ang pananakit ng mga binti nito, na nakompirma ng laboratory test result na ipinagawa ng doctor nito. Nasa normal limit na ang potassium level ng ama niya kaya binigyan na sila ng clearance ng doctor na makalabas ngayong araw.

Walang sumagot sa tanong niya. Nginitian lang siya si Gregorio at ng kanyang ina, pero ang tatay niya ay bakas sa mukha ang pag-alala.

“Magkano ang bill, anak?”

“Bakit aalamin n’yo pa? Bayad na po, wag na kayong mag-alala,” lumapit sa ina at tinulungan ito sa paglalagay sa bag ng mga gamit na iuuwi nila.

“Kanina pa 'yang ama mo gan’yan. Nagastusan lang daw tayo.”

Bumuntong-hininga si Monica bago naupo sa tabi ng ama, “Tay, wag ang pera ang isipin mo. Ang mahalaga, nabigyan ng lunas ‘yan sakit mo. Ilang araw mong ininda 'yon ah. ”

“Kaso nga anak, nabawasan pa ang ipon mo.”

“Tay, kaya po ako rumaraket ng kung ano-ano at nag-iipon ng pera para sa inyo ni Nanay. Para mapaghandaaan natin ang biglaang mga gastos,” ngumiti siya sa ama. “Mas mahalaga kayo kaysa sa ipon ko. At saka hindi naman po kalakihan ang binayaran ko kasi may Philhealth kayo.”

“Imbes na panghulog mo na sa lupa yung pera,” halata pa rin sa boses nito ang panghihinayang.

“Tay, wag mo na pong panghinayangan ‘yon. Nagpadala ng pera si Ate. At saka maliit lang po ang bill natin. Mabilis lang naman po kitain ang pera basta masipag ka.”

“Pero, anak….”

“Walang pero-pero, ‘Tay. Tama na po ang pag-iisip tungkol sa pera. Nakaraos tayo noong malilit pa kami ni Ate Mayet, lalo na po ngayong malalaki na kami. Dapat nga po nagpapahinga na kayo ni Nanay. And speaking of pahinga, hindi na ako papayag na wala kayong katulong sa bukid at sa itikan.”

“Sayang din ang ipapambayad mo sa makakasama ko roon, anak. Kaya ko naman iyon kasi hindi naman mabigat ang trabaho.”

“Tacio, ikaw na rin ang nagsabi, napalaki natin nang tama ang anak mo. Iyan ang ebidensya,” anang ina niya na mamamasa ang mga mata. “Napakamaabilidad na bata.”

“At speaking of maabilidad, may bagong raket po akong niluluto. Nagkausap na kami ni Ate Mayet at pumayag na siyang gawing karinderia ang garahe nila. Tamang-tama, malapit sa school yung bahay niya, tiyak na marami po akong magiging costumer,” aniya sa masiglang tinig.

Ayaw na ayaw niyang pinoproblema ng mga magulang ang pera. Lumaki siyang isa sa mga alalahanin ng pamilya nila iyon at ngayong matatanda na ang magulang niya, gusto niyang maging maalwan na ang mga ito.

“Karinderya? Eh hindi ka nga maalam magluto ng ulam! Anong ititinda mo? Pinirito lahat?” anang ama niya na kahit na mukhang pinupulaan siya, sa mga mata naman nito ay kitang proud ito sa kanya.

“Oy Tay! Grabe ka sa akin! Maalam naman po akong nagluto. Di ba last week lang, nagluto ako ng sinigang,” ani Monica na nanghahaba ang nguso.

Natawa ang tatay niya, “Ah, sinigang pala iyon? Akala ko nilaga. Hindi kasi maasim, anak.”

“Sinigang yun, ‘Tay. At saka kaysa pistaan n’yo, dapat nga po maging proud pa kayo. Imagine, two in one ang luto ko? Sinigang na lasang nilaga. Sa susunod, lalagyan ko po ng dahon ng sili, para pwede na ring tinola.”

Lalong humalakhak ang tatay niya, maging si Gregorio ay hindi napigilan ang pagtawa.

“Ayan na mismo ang sinasabi ko sa iyo kanina, Greg. Kapag ang anak ko ang pinakasalan mo, mapupurga ka sa pinirito,” natatawang segunda ng nanay niya.

Monica, Raketera (PUBLISHED @ ebookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon