Chapter 11

4K 163 35
                                    

“Bukas na ang shop, Kuya. Pumunta lang ako rito saglit kasi may sinabi ako kay Nic.”

Nanliit ang mga mata ni Gregorio, “Ilang beses ko ba dapat ulitin ang babala ko sa iyo, Macario?”

“Hala, lakad na. Baka magarote ka ng kuya mo,” anang natatawang si Monica.

“Kapag ako nagarote ni Kuya, babawasan ko ang leche flan na order ko. Lakas ng gayuma na ginamit mo, baka tuluyang mabaliw sa iyo ang kuya ko,” bulong ni Marky bago naglakad palayo.

Napatawa si Monica habang sinusundan ng tingin ang papalabas na si Macario. Nang makitang nanatili sa loob ng tindahan si Gregorio at nakatitig sa kanya ay tumagilid siya, pasimpleng tinaggal ang pagkakabutones ng polo shirt na suot. Napangiti si Monica. Pagkakataon na naman niyang paglaruan ang impertinenteng binata.

“Hoy! Macario! Touch-move 'yon! Nasabi mo na, pangatawanan mo! Nag-expect na kaya ako! Ibibitin mo ako sa ere! Wag gano’n, bro!” ani Monica na humarap nang tuluyan sa gawi ng bagong dating na binata.

“Kung ano man ang usapan n’yo ni Marky, ako na ang sasalo,” ani Gregorio, salubong pa rin ang mga kilay, pero napansin ni Monica ang bahagyang pagbaba ng paningin ni Gregorio sa parte ng polo shirt niya na nakabukas.

Partida! Di pa siya nag-eeffort ng bongga! Gumagana na ang push up bra! Wonderful talaga!

“Pwede rin, Nic. Tutal si Kuya Greg naman ang nakaubos ng leche flan na inorder ni Nanay sa iyo noong nakaraan. Halos hindi na nga kami bigyan,” ani Marky bago tuluyang lumabas ng tindahan. 

“Talaga?” bumaling siya sa lalaki na salubong pa rin ang kilay. Binigyan niya ito ng ngiti na kasing tamis ng leche flan. Bahagyang gumalaw ang adams apple nito kaya lalong lumapad ang pagkakangiti ni Monica.

Kahit pilitin nitong mag-astang bato at galit ang mukha, alam niya, apektado ang binata.

Ang taray! Mag-antay lang ito ng kaunti, hindi pa to the highest level ang effort niya.

“Alam mo, Gregorio, gwapo ka sana,” ani Monica, pinagsalikop ang kamay sa ilalim ng dibdib. Aba, syempre! Dapat niyang i-emphasize ang hiram na klibada!

“Kaso……….” Tiningnan ni Monica ang binata mula ulo pababa, bago muling tiningnan ito pataas hanggang sa magtama ang kanilang mga mata.

“Kaso ano….” ani Gregorio, lalong naging seryoso ang mukha.

“Kaso poor ka yata,” aniya, nagkibit-balikat pa. “Sa panahon ngayon, hindi na pwede ang basta gwapo lang, dapat mapera. Yung sa porma pa lang, halata mong may ibubuga.”

Nanliit ang mga mata ng binata, pero bago pa ito makasagot ay pumasok ulit sa tindahan si Marky.

“Nic, nandito na rin si Tim.”

“Oh-oh!” ani Monica. Kailangan na niyang umeskapo, dahil tiyak, kasunod na darating si Mr. Chin. Kukuwentuhin na naman siya ng tsino. At gusto niyang makauwi nang maaga sa Laguna. Bukod sa nag-aalala siya sa ama, miss na rin talaga niya ang mga magulang.

“Salamat, Becks,” kinuha niya ang nakaplastic na mga order. “Tuloy na ako.”

Pero bago malampasan ang binata ay nahawakan siya nito sa braso, “Pagkatapos ni Macario, yung tsino naman ang aakitin mo?” ani Gregorio, madilim pa rin ang mukha.

Umangat ang kilay ni Monica, “Ano ba kasing problema mo? Kung binabayaran mo ako, eh di sana sa’yo na ang buong atensyon ko.”

Hindi niya magawang higitin ang brasong hawak nito. Hindi niya maintindihan pero gusto niya ang init na nagmumula sa mga kamay ni Gregorio. May kung anong init ang gumuhit sa puso ni Monica. Pero ang init na iyon ay hindi lang basta nakiraan sa puso niya, unti-unti iyong bumalot doon.

Ang mga mata nito ay naglakbay mula sa mukha niya pababa, nagtagal iyon sa tapat ng dibdib niya bago muling tumingin sa kanyang mga mata.

At sa kasamaang palad, si Monica ang tuluyang namagneto sa impertineteng binata.

Unti-unting bumaba ang talukap ng mga mata niya, ang mga mata niyang nakatitig sa mga mata nito ay naglakbay pababa, sa tapat ng mapupulang labi ng binata.
Napalunok si Monica, umawang ang labi niya, bago muling tumitig sa mga mata ng binata.

Ang init sa mga mata nito ang tuluyang tumupok sa natitirang katinuan sa isip ni Monica. Pinaglakbay niya ang dila sa nanunuyong mga labi.

Umismid si Gregorio, ibinaba palapit sa kanya ang mukha, “Tama ako. Kahit libre, papayag ka. Pero wag kang mag-alala, nakahanda na ang bank account ko. Sa laki noon, may karapatan akong magdemand kung gaano katagal ang magiging serbisyo mo,” anito sa tapat ng kanyang mga labi.

Iyon ang nakapagpabalik ng huwisyo ni Monica. Sa kabila ng panlalambot ng tuhod ay nagawang ngumiti ni Monica.

“Ako ang magsasabi kung sapat ang pera mo. At ako rin ang magsasabi kung gagano katagal ang ibibigay ko sa iyong serbisyo.”

Hinigit niya ang kamay at dire-diretsong lumabas ng tindahan. Hindi niya nilingon si Mr. Chin na bumati sa kanya. Kailangan niya kaagad makalayo doon.

Hindi pala effective ang reminder niya sa likod ng pinto. At mukhang mas napahamak siya dahil sa push-up bra. Naexpose nga ang cleavage niya, kaso, pati puso niya napasama yata.
Kailangan na niyang umalis. Hindi lang para iwasan si Tim at ang ama nito katulad ng inisyal na plano.

Kailangan na niyang umalis, dahil kapag nagtagal pa siya, baka masanay na siya sa init na binuhay ng binata sa kanyang puso, na unti-unting bumabalot sa kanyang pagkatao.

Eskapo muna siya saglit. Babawasan muna niya nang kaunti ang effort sa laro nila ng binata at ireremind ang sarili na hindi niya bet si Gregorio.
Nasisira ang plano niya.

Hindi siya, kundi si Gregorio ang dapat mafall sa kanyang karisma.
Siya ang dapat kumontrol sa larong ito. Siya ang dapat malibang, iyon ang plano.

Monica, Raketera (PUBLISHED @ ebookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon