“Narinig kong umorder si Millie ng leche flan.”
“Yes, Mommy. Oorder ka rin po?”
“Oo. Sampung piraso. Paborito ni Goryo iyon. Nagustuhan n’ya yung twist sa leche flan mo.”
“Okay, Mommy. Isasama ko sa order. Papasobrahan ko pa po nang dalawang piraso. Lalagyan ko po ng pamanda. Wag n'yong kakainin, ha. Lalagyan ko po kasi 'yon ng gayuma. Pampabait. Pampaamo."
Tumawa ang ginang, “Ikaw talagang bata ka. Napakabilyaka. Napakapilya.”
“At saka po napakaganda,” dagdag ni Monica.
Ngumiti siya nang magtama ang mga mata nila ni Gregorio, na sa pagtataka niya ay napakaseryoso pa rin ng mukha. Hindi niya napigilan ang pagtaas ng kilay. Ano kaya ang nangyari dito?
Bago pa sila tuluyang makalapit sa kotse ay tinawag ni Tita Norma si Mommy A, “Una ka na, anak. Aalamin ko lang ang kailangan ni Norma,” anito bago lumakad pabalik sa plaza habang siya ay itinuloy ang paglakad palapit sa binata.
Pinasadahan ng tingin ni Gregorio ang kabuuan niya, nasa mga mata nito ang paghanga.
“Magkano ang offer sa iyo nung tsino? Yung kausap mo kanina, magkano ang offer sa iyo? Tatapatan ko,” anito nang makalapit siya.
Umangat ang isang kilay ni Monica.
Sinusubukan talaga siya ng lalaking ito. Hindi porke’t attracted siya dito ay magpapadala na siya sa tukso. Aabot sila sa dulo na hinding-hindi siya susuko. Hindi siya papayag na mapaglaruan ng lalaking ito.“Nasabi ko na sa iyo kung magkano ang sukatan ko, di ba? Patingin ng bank account mo para mas mapabilis ang pagdedesisyon ko,” taas-noo at nakangiting sagot ni Monica, itinulak niya patalikod ang buhok na nakaharang sa tapat ng dibdib.
Umigting ang mga bagang ni Gregorio bago huminga nang malalim, tumingin direkta sa mga mata niya. Bahagyang umawang ang mga labi ni Monica at hindi niya inaasahan ang masarap na kilabot na nanulay sa buong katawan.
Huminga siya nang malalim, pilit pinaglalabanan ang kung anong init sa sikmurang unti-unting binubuhay ng maiinit na titig ng binata.
Mula sa kanyang mga mata ay bumaba ang paningin ni Gregorio sa kanyang mga labi. Kasabay ng pag-iisang linya ng labi nito ay ang pag-galaw ng adam’s apple ng binata.
Biglang kinapos ng hininga si Monica. Dapat siyang matakot at magdalawang-isip sa intensidad ng emosyon sa mga mata ni Gregorio.
At sa kung anong dahilan ay bigla ngang nagrigudon ang puso niya, pero hindi dahil sa takot. Ang totoo, excitement ang nararamdaman niya.Muling nagtagpo ang kanilang mga mata. Makalipas ang ilang sandali ay umismid si Gregorio, “Alam natin parehas na kahit free, papayag ka.”
Bahagya niyang itinaas ang kilay, “Tsk. Tsk. Tsk,” umiling si Monica, “Diyan ka nagkakamali. Na-stalk mo naman ang Facebook Page ko, hindi ba? May nabasa ka ba doong free ang merchandise ko? Lahat ‘yon may presyo.”
Nanliit ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya. Lalong naging mas masidhi ang pagnanasa sa mga mata ng binata. Ipinarating sa kanya ni Gregorio na hindi ito titigil hangga’t hindi siya nakukuha.
Muling may kilabot na nanulay sa buong katawan ni Monica. Huminga siya sa pagitan ng mga labi. Kailangang paglinawin niya ang isip. Hindi siya dapat madala sa mga titig ng binata. Lalo na’t alam naman niya kung ano ang tingin nito sa kanya, ang totoong layunin nito kung bakit siya gustong makuha.
“Alam ko ang modus mo, Monica. Wala pa ako rito, gusto mo na ako. Kaya nga nakipaglapit ka na sa pamilya ko, di ba? Wag kang mag-alala, gusto naman kita. Pero kung inaakala mong sa altar kita gustong isama, nagkakamali ka,” anito sa namumungay na mga mata.
Nginitian niya ang binata, “Sure. Sasama ako sa iyo, Gregorio. Sabi ko nga, basta tama ang presyo,” aniya, itinaas ang mukha at sinalubong ang tingin nito.
Lumapit ito at niyuko siya, ang mainit na hininga nito ay tumatama sa kanyang mukha, “Isang halik ko lang, sigurado akong sasama ka sa akin, may bank account man akong ipakita o wala.”
“Tsk. Tsk. Sorry to disappoint you. And let me remind you, may katapat nga akong presyo. Wala ng free sa mundo,” aniya na inismiran ito.
Sa ilalim ng nakangiting labi ay kinagat ni Monica ang dila para paglabanan nag atraksyong unti-unting nagpapalabo sa kanyang isip. Ayaw man niyang aminin, alam niyang hindi malayong magkatotoo ang sinasabi ng binata.Pero magugunaw na muna ang mundo, bago niya bigyan ng kasiyahan ang lalaking ito. Kung inaakala nitong pagpapadala siya sa tukso, nagkakamali ito.
Hindi kailan man. Hindi siya papayag na maging libangan nito, hindi siya papayag na maging laruan.
Ilang segundo silang nagsukatan ng tingin. Ang mga mata nito ay nagbabaga, ang sa kanya naman ay puno ng katatagan.Napagtagumpayan niyang supilin ang atraksyong unti-unting kumakain sa kanyang kamalayan.
“Tara na, mga anak. Sa bahay niyo na ituloy ‘yan,” ani Mommy A na dire-diretsong sumakay sa kotse.
Ikiniling ni Monica ang ulo, bahagya pang pinapungay ang mga mata bago bumulong dito, “Basta ba ma-meet mo ang presyo ko, sasama ako. Hindi lang hanggang bahay niyo, diretso pa hanggang sa kwarto mo,” kinindatan niya ito bago sumunod sa ina nito.
BINABASA MO ANG
Monica, Raketera (PUBLISHED @ ebookware)
Romancehttps://www.ebookware.ph/product/monica-raketera/ "Mahal kita, kahit gaano ka pa kaoportunista." Basta marangal na raket, asahan mo, si Monica, always present. Mag-alaga ng bata, magbenta ng gamit, pati sweet treats, gagawin ni Monica, para kumita n...