“Pancit Canton na lang,” ani Monica habang nakatingin sa menu.
“Dagdagan na rin natin ng isang order na friend chicken at nilagang baka,” ani Gregorio bago bumaling sa kanya, “May baon bang kanin ang nanay mo?”
“Order na lang tayo para sigurado,” aniya na ibinaba na ang menu. “Limang rice. Kumain na rin tayo.”
“Actually, iba ang gusto ko,” ani Gregorio na bumaba ang mga nanunudyong mata sa tapat ng labi niya.
“Pagkain na nakakabusog ang pinag-uusapan natin. Wag kang ano d'yan!” ani Monica na inirapan ang binatang kaharap.
“Anyway, salamat sa paghatid mo sa akin. Hindi mo naman kailangang mag-abala pa,” pag-iiba ni Monica ng topic. Hanggang ngayon ay nararamdaman niya ang pamumula ng mukha dahil sa kapangahasang ginawa kanina.
Nagpilit ang binata na ihatid siya pauwi sa kanila. Ayon dito ay hindi ligtas kung magbibiyahe pa siya na palalim ang gabi nang walang kasama at mas praktikal na may sarili silang sasakyan, mas mapapabilis pa sila, na sinigundahan naman ni Mommy A.
“Kahit ano, para sa babaeng hindi ako gusto,” nakangiting sagot nito.
Umingos si Monica, pinaikot niya ang mga mata bago dinuro ang lalaki, “Alam mo, Gregorio….”
Hinagip nito ang kamay niya at hinalikan, “Oo, alam ko. Nakita ko. Nabasa ko. Nalasahan ko. Kung hindi nga lang emergency…” ani Gregorio bago siya kinindatan.
Pinaglapat ni Monica ang mga labi para paglabanan ang ngiti. Talaga naman! Maloko talaga ang lalaking ito. At sa kasamaang palad, siya pa mismo ang nagbigay ng alas sa binata.
“Ewan ko sa'yo!” aniya, hinigit ang kamay, muling inirapan ang kaharap bago iyon itinaas para tumawag ng waiter.
“Nica!”
Napapikit si Monica nang marinig ang tawag na iyon. Iisang tao lang ang natawag sa kanya noon. Si Andrew.
“Nakita rin kita. Kumusta na? Anong ginagawa mo rito? Pauwi ka ba? Hindi pa naman sabado, ah?”
“Oo, pauwi ako,” ani Monica, pilit niyang ginantihan ang malapad na pagkakangiti ng lalaking lumapit.
“Pwede ba kitang makausap?” anito, bakas sa mukha ang pagsusumamo. “Ilang buwan mo na akong iniiwasan, Nica.”
“Nahalata mo naman pala na naiwas ako, di ba?”
“Nica… hindi naman ako papayag na ganito na lang. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin?”
Napatawa si Monica, “Pinagdaanan natin?” napailing siya, bago bumuntong-hininga. “At kung sakaling hindi mo napapansin, may kasama ako,” nilingon niya ang lalaki na tahimik na nakaupo at nakatingin lang sa lalaki sa harapan nila.
“Gregorio, pare,” inabot nito ang kamay sa kaharap.
“Andrew,” anito, halatang sinusukat ang pagkatao ni Gregorio. “I can bet all the Euros in my pocket and in my bank accounts that you're not Nica's boyfriend. You look… ordinary. I can bet that watch is class A.”
Umangat naman ang dalawang kilay ni Gregorio. Niyuko ang sarili, nakacargo shorts ang lalaki at give-away t-shirt ng isa sa mga motor brand na ibinebenta ng mga ito. Ang tanging palatandaan na nakakariwasa ito ay ang relong suot, na nasisiguro ni Monica na totoo.
Buo ang kumpiyansa, bakas ang kaaliwan sa mga mata nang muling tumingin si Gregorio kay Andrew. Tumaas ang isang sulok ng labi ng binata, “Ipinagdrive ko s'ya.”
“Driver. Exactly what I thought,” ani Andrew bago muling bumaling sa kanya.
Pinaikot ni Monica ang mga mata. “Wow, Andy! Hindi ko inasahan 'yan mula sa iyo. Pinapalabas mo bang pera ang dahilan ng pagpatol ko sa mga lalaki?”
Natigilan si Andrew, “Hindi sa gano'n Nica. What I mean is…… It’s not over between us, Nica.”
“It’s over, Andy,” aniya bago nilingon ang waitress na lumapit sa kanila. “Hindi na kami oorder,” aniya na nagpauna nang tumayo at lumabas sa restaurant.
“Nica,” ani Andrew na nakasunod pa rin sa kanya. “Hindi ako papayag na ganito na lang, Nica. Ang dami na nating pinagdaanan.”
“Iyon mismo ang dahilan, Andrew. Ayaw ko nang balikan ‘yong mga dinaanan ko dahil sayo. Tapos na tayo. Matagal na. Tanggapin mo na para parehas na tayong sumaya.”
“What do you want, Nica? New house, new car, what? I will give the world to you. Mapapasaiyo lahat ng bagay na gusto mo. Mabibili mo lahat ng gusto mo. Iyon naman ang pangakong hindi ko naibigay noon, hindi ba? Ngayon, tutuparin ko na.”
Pakiramdam ni Monica ay nanlaki ang ulo niya, hindi niya napigilan ang pag-igkas ng kamay hanggang sa pagdapo noon sa pisngi ng lalaking kaharap.
“Hindi ko kailangan ng pera mo, Andrew. Ang kailangan ko, lubayan mo na ako,” aniya sa pagitan ng nagtatagis na ngipin.
“You heard the lady, pare,” ani Gregorio na umakbay sa kanya.
“Lover’s quarrel to, pare. Labas ka dito.”
“Let me rephrase, you heard MY lady, pare. Sa pagkakaalam ko, tapos na kayo. Matagal na. At kung may dapat maglover’s quarrel dito, kami iyong dalawa,” anang binata na inilipat ang kamay sa bewang ni Monica.
Si Monica naman ay sumandig sa balikat nito at pumikit. Nanginginig ang katawan niya. Huminga siya ng malalim, nagmulat ng mga mata at tumingala kay Gregorio, “Tayo na.”
Mula sa pagiging seryoso ay biglang ngumiti nang masuyo si Gregorio. Tumago ito at inakay siya palayo sa lalaking naiwang nakatayo malapit sa may entrance ng roadside restaurant.
“Ang down to Earth ng ex mo,” ani Gregorio habang naglalakad sila sa magrabang parking lot. Bakas sa boses nito ang kaaliwan, kung pinapatawa siya o talagang inaasar ay hindi sigurado si Monica.
“Gan'on pala ang mga bet mo. Sorry, pero hindi ko kayang maging original asshole. Class A lang ako,” nanunudyo pa ring dagdag ni Gregorio.
Mula sa baywang ay lumipat sa kamay niya ang kamay ng binata. Ang hinlalaki nito ay humahaplos sa likod ng kanyang hinlalaki. At nang magtama ang mga mata nila ay doon niya nasigurado ang agenda ng binata. Pinahupa nito ang tensiyon sa katawan niya.
At nagtatagumpay ito. Dahil kung galit ng dahilan ng mabilis na tibok ng puso niya kanina, ngayon ay nagririgudon na naman ang dibdib niya, pero dahil na iyon sa ginagawa ng binata.
“Palagay mo, d’yan sa ginagawa mo ngayon, hindi ka pa original asshole?” ani Monica na tumigil sa tapat ng passenger side ng kotse at humarap kay Gregorio. Tinaasan niya ito ng kilay.
“So, original asshole ako sa paningin mo?” ani Gregorio inabot nito ang handle ng pinto, pero imbes na buksan iyon ay inilapit lang ang katawan sa kanya. Biglang namungay ang mga mata nito.
Nahigit ni Monica ang hininga. Dahan-dahan niyang pinakawalan ang hanging naipit sa kanyang baga.
“Oo,” aniya bago bumaba ang paningin sa mga labi nito.
Bigla siyang nagsisi na hindi man lang humingi ng tubig sa loob ng restaurant. Ngayon siya nakaramdam nang matinding pagka-uhaw.
“In other words, inamin mo na rin na bet mo talaga ako,” ani Gregorio bago yumuko. Nakapikit si Monica, nakaawang ang mga labi, inaantay ang pagdampi doon ng labi ng binata.
Napamulat siyang muli nang angatin ni Gregorio ang katawan niya palayo sa kotse, ang kasunod na namalayan niya ay nakaupo na siya sa passenger seat habang si Gregorio ay nakayuko sa kanya, bihag na nito ang kanyang mga labi.
Kumapit siya sa batok ng binata at ginaya ang paraan ng paghalik nito sa kanya. Dahil sa ginawa niya ay lalong naging mas mapusok ang paraan ng paghalik ng binata.
Kung hindi pa marahin sa pagbusina ng isang sasakyan na palabas sa parking lot ay malamang na hindi pa sila maghihiwalay. Ilang sandaling nag-usap ang mga mata nila, umangat ang daliri ni Gregorio papunta sa baba niya. Muli siyang kinintalahan ng mabilis na halik bago ito lumayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Monica, Raketera (PUBLISHED @ ebookware)
Romancehttps://www.ebookware.ph/product/monica-raketera/ "Mahal kita, kahit gaano ka pa kaoportunista." Basta marangal na raket, asahan mo, si Monica, always present. Mag-alaga ng bata, magbenta ng gamit, pati sweet treats, gagawin ni Monica, para kumita n...