Chapter 4
Grrrrrr!
Grrrrrrrrrrrrr!
Pang asar ka Henry! Ikaw ang Paquito Diaz ng buhay ko !
Sa tuwing gagawa ng chapter si Henry naiinis ako sa kanya dahil saksakan siya ng yabang makapanlibak lang sa akin, feeling niya heartrob siya ng school. Yewwww! Linawin ko lang, hindi ako ganun kapangit para layuan ng mga guys.
Oo, tinanggap ko ang hamon ni Henry at sinamahan ko siya para ma claim ang sponsorship check ng banda nila.
Pumunta kami sa exclusive sa subdivion sa Greenmeadows, Pasig. Natagpuan na namin ang bahay ni Mr. Julian. May malaki itong garden, pagpasok namin sa gate, marami siyang alagang ibon at at mayroon siyang butterfly house, gusto ko doon mag stay at magbasa ng romance pocketbook habang may mga paru parung lumilipad sa paligid ko.
Kumatok kami at pinagbuksan kami ng pintuan ng isang matandang lalake na nasa edad 75 anyos. Medyo puti na ang buhok niya
“ Good morning po, kami po ay at taga Ampere Hills High School , pwede po kay Mr. Julian” sabi ko.
“ Ako nga yun, bakit?”
“ Kami po yung nag solicit sa inyo sa phone, sir” paliwanag ko.
“ Ako nga pala si Henry at ang pinsan kong si Ella, sir” pakilala ni Henry binagwasan ko siya dahil sinabi niyang mag pinsan kami.
“ Ay oo nga, pasensiya na kayo at makakalimutin ako, tuloy kayo” pinatuloy kami Mr. Julian. Ang boung akala ko katiwala lang ito, pero siya pala ang nag mamay-ari ng napakagandang bahay sa Greenmeadows
Sadyang maluwang ang bahay ni Mr. Julian maraming antique sa bahay na iyon, mamahaling muebles at nag-gagandahang chandelier. Hangang 3rd floor ang bahay ni Mr. Julian. Sa tingin ko nag iisa lang siya sa bahay niya. Nasaan kaya ang pamilya niya? Sino kasama niya dito? Marahil mga multo. Ayaw ko mang usisa baka magalit siya at sabihing usisera ako.
“ Upo muna kayo, children, kukuha lang ako ng maiinum niyo” tumalikod siya papuntang kusina.
“ Salamat po” sabi ko. Ang sarap siguro tumira dito. Tahimik at maaliwalas at tanging huni ng ibon lang ang maririnig mo.
Pagbalik ni Mr. Julian, may dala itong maiinum at binagay sa amin ni Henry. Kulay pula ang juice na binigay niya, hindi ito Tang, Eight O’Clock or Cool Aid pero mukhang masarap inumin. Hindi ako nakatiis sa sobrang uhaw ko nilaklak ko ito, wala akong paki-alam kung may lason o wala. Nang ininum ko ito naginhawaan ako. Juice ko ang sarap!
“ O Ikaw iho, bakit hindi mo pa iniinum ang juice” pansin ni Mr. Julian kay Henry na nag aalangan inumin ang juice.
“ Wala po ba kayong kamote juice?” nag-umpisa si Henry sa walang kwenta kwentang niyang tanong at napaka imposible
“ Wag ka mag-alala, walang lason yan, wag kang mag-umpisa dahil nakakahiya ka!” bulong ko kay Henry na may halong pagka inis sa kanya at wala siyang choice ininum niya ang juice sa sobrang uhaw.
“ Ahhhh” nilagok ni Henry ang juice sa tuwing iinum kasi ito may kasamang Ahhhh, kala mo nasa commercial ang loko.
“ Galing sa katas ng red apple at strawberry yan na hinaluan ko ng honey” paliwanag ng matanda
“ Kaya po pala ang sarap”
“ Beuno, ibibigay ko sa inyo ang hinihingi niyong sponsorship para sa school organization niyo” pinirmahan ng matanda ang check at binigay sa amin, nagkakahalaga ito ng ten thousand.
“ Salamat po Mr. Julian, iniimbitahan ko po kayo na manood sa school music org. event po naming” binigay ko sa kanya ang address namin sa school at contact number namin
“ Pupunta ako sa invitation niyo, at wag niyo na ako tawaging Mr. Julian, tatay Julian nalang” sabi niya
“ Sige po tatay Julian, mauuna na po kami baka nakaka istorbo na po kami sa inyo” paalam ko
“ Pag may kailangan kayo, punta lang kayo dito” paunlak niya
“ Napakabait niyo tatay Julian, salamat po ng marami” sabi ko.
------***-------
Bago kami umuwi ni Henry niyaya niya ako sa kanto upang kumain ng fishball
“ Ella, bakit mo naman binigay yung contact number natin at inimbitahan mo pa yung matanda sa event namin, natatakot ako sa kanya para siyang psychopathic serial killer” sabi ni Henry habang ngumumguya ng fishball
“ Akala mo lang yun at saka mahiya ka nga, ang bait bait ni tatay Julian tas ganyan pa ang iisipin mo sa kanya, palibhasa nakukuha mo yan sa kaka nuod mo ng mga violenteng palabas ”
Tumusok ulit siya ng fishball “ Oo na sasabihin mo nanaman na paranoid ako, pero kung ako sa iyo umpisahan mo na humanap ng boyfriend kung hindi matatalo ka sa akin”
“ Ayan ka nanaman eh hindi pwedeng instant ang love” sabi ko sa kanya
Naloka ako sa commitment ko kay Henry, una sa lahat bakit ako pumayag sa pustahan? Pangalawa, baka kastiguhin ako ng tatay ko kapag nalaman niya nag hahanap ako ng lalake, Grrrrr!
HINDI PA AKO NA-IINLOVE!, marahil ilang beses niyo ng nabasa sa mga kwento ang ganitong tema, pero sa katulad kong teenager ay kadalasang gustong ma-inlove sa tamang panahon, hindi katulad ni HENRY THE RETARTED, nagmamadali akala mo bibitayin na.
BINABASA MO ANG
It Started with a Wrong Kiss
AdventureHenry is out of my league, never ever akong magkakagusto sa katulad niya. Niyaya ako ni Henry sa isang pustahan na unahan kaming makahanap ng true love, pero nabago iyon ng makilala namin ang matandang embalsamador na si Tata Julian, itinuring niya...