Chapter 30 - The Royal Rumble

654 40 1
                                    

Chapter 30

Nasa bahay ako ni tatay Julian dahil binigay sa akin ni Henry ang susi. Mauna na daw ako dahil gagawin pa niya ang kanyang salaysay sa bahay ni tita Bennet.

Biglang may nag door bell sa gate ni tatay Julian. Nakita ko ang mga grupo ni Henry sila Archie, Martin, Paolo at Carlo at hindi lang yan kasama pa nila ang mga girlfriends nila. Si Carlo at ang kanyang girlfriend na maarte, si Paolo at ang kanyang girlfriend na mayroong sakit na klepto, si Martin at ang kanyang girlfriend na rockista ang peg .May mga dala silang electric guitar.

“ Hi, bakit kayo nandito?” tanong ko sa kanila

“ Pinapunta kami ni Henry dito, kaya papasukin mo kami” sabi ni Martin sa akin na maangas pa.

Gusto kong mambuhin si Henry ng walis dahil nag invite pa siya dito sa bahay ni tatay Julian ng mga unwanted visitor, eh manggugulo lang ang mga ito!

Wala akong choice kung hindi papasukin sila.

“ Astig itong hide-out niyo ni Henry ha, Ella” sabi ni Carlo

“ Maganda talaga dito” sabi ko. Tinitignan ko si Gwen (ang jowa ni Paolo) at ibinulsa niya ang mini miniature angel ni tatay Julian

“ Gwen, paki labas ang ibinulsa mo dahil hindi sa akin yan” saway  ko kay Gwen

“ Hmp..! hinawakan ko lang naman” inilabas niya iyon. Alam ko mag uumpisa na sumakit ang ulo ko sa kanila.

Ibinaba na nila ang mga dala nilang instrument at umupo sila sa sofa . Itinaas pa ni Martin ang paa niya ( feeling bossing )  

“ Yahoooo! Ang ganda ng venue natin” sabi ni Paolo

Bago sila mag umpisa nag hanap muna sila socket para isaksak nila ang audio ng electric  guitar. Si Archie pumunta sa kusina, sinundan ko siya. Bubuksan niya ang refrigerator pero pinigilan ko siya.

“ Ano gagawin mo?” hinirang ko ang sarili ko sa refrigerator.

“ Umalis ka nga diyan, hindi mo naman bahay ito” itulak ako ni Archie at napa atras ako. Binuksan niya ng ref at inilabas niya ang mga nakalagay na pagkain doon

“ Tiba tiba ako dito, nyaha!ha!ha!” tawa niya na parang demonyo.

Pumunta ako sa sala at nadatnan ko sila Gwen at Shaira na nag pi-pillow fight, lumabas tuloy ang lamang bulak ng mga unan habang nag umpisa ng mag patugtug ng guitara si Paolo . Patay na! 

“ Ha!ha!ha! mga parekoy maganda siguro kung kukuhan ko kayo ng video” sabi ni Martin at inilabas niya ang video cam niya.

“ May nakita akong beer sa ref, tirahin na natin” sabi ni Archie

Ang ingay ng paligid ko, gusto ko na silang palabasin, ang titigas ng ulo nila.

Si Shaira ang kumukuha ng video sa kanila. Si Martin umaakyat sa 3rd floor.

“ Martin saan ka pupunta, wag kang pupunta diyan” saway  ko kay Martin

“ Wag ka ngang epal. Sabi ni Henry may kayamanan daw dito sa 3rd floor” sabi ni Martin. Hinihingal na ako sa mga nangyayari.Hindi ko sila mapigilan

Sinipa ni Martin ang pintuan ng 3rd floor at bumukas iyon  at tumambad sa kanya ang mga kabaong na collection ni tatay Julian.

“ Wow! Hanep! Okay ito ah” sabi ni Martin. Tinawag niya ang mga kasamahan niya na umakyat sa 3rd floor

“ Mga parekoy umakyat kayo dito sa 3rd floor, magugulat kayo, bilisssss”

Umakyat sila ang sila 3rd floor

“ Ayos ito ha! “ sabi ni Paolo.

Si Shaira hawak ang videocam.

“ Alam ko na ang gagawin ko, ” sabi ni Martin at hinila niya ang fiber glass na kabaong

“ Martin, tumigil kaaaa! Tatawag ako ng pulis sa ginagawa niyo” sigaw ko sa kanya

“ Ha!ha! eh di tumawag ka, gusto mo samahan ka pa namin” sabi niya

 “ Hindi ako nagbibiro!” sabi ko

“ Sira ka pala eh! Gusto mo itali ka namin?”

“ Subukan mo lang” hamon ko

 “Sa bahay na ito hindi ka school Presidente, isa kang malaking hadlang” sabi ni Martin.  Hinila nila ako nila Paolo at Martin sa kusina. 

Itinali nila ako sa upuan ng lubid at binasalan nila ako ng panyo sa bibig upang hindi ako mag-ingay!

Nasaksihan ko na sinira nila ang mga collection ni Tatay Julian! Ang fiber glass na kabaong ay pinadausdus nila sa hagdan at nabasag ito. Kinuhanan pa nila ito ng video habang pinapatugtug nila ang electric guitar. 

Tumulo ang luha ko, hindi ako maka kilos dahil nakatali ako, hindi ako maka sigaw dahil may basal ang bibig ko.

Nagkalat sa sala ni tatay Julian ang mga bulak ng unan, popcorn, mga papel, mga basag na piraso ng kabaong at nagtumbahan ang mga antique artifacts ni tatay Julian 

Sa kusina ni tatay Julian halos maubus ang laman ng refrigerator niya!

Lalo akong nang galaiti sa galit ng makita ko si Shaira, sout ang damit pangkasal ni Madam Guillerma, napunit ito sa dahil sa katabaan niya.

Hindi ko mapigilan umagos ang luha ko! 

Nasaan ka Henry! 

It Started with a Wrong KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon