Chapter 9 - I'm Dating Denise who's Acting Like an Autobot

864 46 1
                                    

I’m Dating Denise who’s Acting Like an Autobot

Masyadong ma-drama si Ella ng araw na iyon. Wala ako naririnig sa kanya kung hindi; 

Wala kang pakiramdamdam, Henry!

Wala kang puso, Henry!

Wala kang atay, Henry!  

Lahat yun nag umpisa ng makilala namin si tandang Julian, speaking of tandang Julian, nang imbita pala ito sa kaarawan niya, pero ang iisipin ko muna ay ang date namin ni Denise! Step 1 ito para mapasagot siya.

Una hihiramin ko muna ang isang kotse ni daddy pero hindi ko sasabihin sa kanila baka bazookahin nila ako. 

Sinundo ko si Denise sa bahay nila at inabutan ko ang kuya Carlo niya

“ O, ingatan mo yung kapatid ko ha, Henry” paalaala ni Carlo sa akin

Pinaandar ko ang sasakyan, sana wag itong magloko.

“ Saan mo pala gusto pumunta?” sabi ko kay hindi ko maiwasan tumingin sa mapuputi niyang legs pero agad kong ibinaling ang paningin ko sa daan.

“ Kahit saan” sabi niya

“ Eh kung watch tayo ng movie, ano gusto mo panoorin?”

“ kahit ano” sabi niya

“ Okay”

Bago kami manood ng sine niyaya ko muna siya kumain sa isang mall

“ Saan mo pala gustong kumain dito sa Mall, Denise?”

“ Kahit saan” sabi niya

“Okay”

Nag decide ako na kumain muna kami sa Mexicali Resto, kasi marami naman akong pera ngayon. Thanks sa daddy ko.

“ Masarap ang mga spicy foods dito. Ano ba gusto mo orderin, Denise? Tanong at inabot ko ang menu sa kanya.

“ Kahit ano” sabi niya

“ Okay” sabi at ako nalang ang nag decide kung ano ang papanoorin namin at ano ang kakainin.

Nasa loob na kami ng sinehan, mag uumpisa na ang movie, masyado siyang seryoso sa pinapanood niya. Tahimik lang siya at pinukaw ko ang katahimikan niya.

“ Ah Denise, sino ba favorite actor mo?” tanong ko

“ Kahit sino” sabi niya

Hindi na ako nag tanong pa dahil alam ko na ang magiging sagot niya kung hindi kahit ano, kahit sino at kahit saan. Phewwww!

Medyo na bored ako sa pinapanood naming movie dahil chick flicks ito, uminat ako at sabay na inakbayan ko siya, pero hindi siya tumanggi ibig sabihin gusto niya ;) Medyo madilim sa sinehan kaya sinubukan kong hawakan ang kamay niya, hindi pa rin siya tumangi ;). Ayos! Nginitian niya lang ako.

Hinatid ko siya sa bahay nila pag uwi namin.

“ Thank you Denise sa pagsama mo sa akin, kelan ulit tayo lalabas?”

“ Kahit kelan”

 TRANSFORMER NGA. 

Hindi ko siya nahalikan dahil first date palang naming at hindi pa niya ako sinasagot baka masampal niya ako ng wala sa oras. May ibang araw pa naman.

   

  

    

It Started with a Wrong KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon