Chapter 36 - Ikaw Na Lang Sana

835 43 8
                                    

Chapter 36

Gusto ni Henry asawa agad? Hindi pa nga niya ko nililigawan eh. 

Pagkatapos ng graduation ko, agad kaming lumuwas ng Maynila. Sa Maynila kasi ako kukuha ng kursong Nurse.

Pumunta kami ni Mylene sa graduation ni Henry. Pagkatapos magbigayan ng Diploma, umakyat sa stage ang grupong Kidz No Rules. Nagpalakpakan ang mga audience. Nagsalita si Henry

“ Guys alam ko malungkot ang paghihiwalay nating lahat at tutunguhin natin ang bagong landas. Ito nga palang kakantahin namin ay para sa isang babaeng naging parte ng buhay. Hindi ko masabi dati ang nararamdaman ko sa kanya, pero nangako ako sa kanya na balang araw ipagtatapat ko na mahal ko pala siya” sabi ni Henry

Nagpalakpakan ulit sila

“ Iniimbitahan ko dito si Ella Formosa sa stage” sabi ni Henry at nagtinginan sa akin ang lahat 

“ Ella, akyat ka na sa stage.. dali..” sabi ni Mylene

“ Bakit?”

“ kakantahin ninyo sa stage ni Henry ang kinompos mong kanta dati” sabi ni Mylene.

Umakyat ako sa stage at hinila ko sa damit si Henry patungo sa backstage

“ Ano nanaman itong maitim na binabalak mo?”

“ Ella kakantahin natin yung kinompos mo dati”

“ Ang tagal na noon Henry” ibinigay niya sa akin ang copy ng dati kong ginawang kanta

“ Ako bahala sa iyo. Para sa iyo ito. Duet tayo”

Bumalik kami sa stage, kinakaban akong kumanta. Nag duet kami;

Henry :   Kay tagal kang hinanap ng puso kong ito

Magmula ng ikaw ay lumayo, ikaw pa rin ang nasa isip ko

Ella: Ganyan din ang nadarama .

Magmula noon hanggang ngayon 

Hanap-hanap ka rin ng damdamin ko 

Ikaw pa rin ang nasa isip ko 

Chorus: 

Duet : Ikaw na lang sana (Ikaw na lang sana) 

Ang minahal nitong puso 

Ikaw na lang sana (Ikaw na lang sana) 

Ang inibig nitong puso 

Ikaw na lang sana 

Henry: Noon pa ma’y sinabi ko 

Na ako ay may pagtingin sa yo 

Ang sinabi mo’y mayroon ng nagmamahal 

Dyan sa puso mo

It Started with a Wrong KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon