Chapter 25
Beer pa nga!
Wala ako sa mood dahil nalilito ako sa mga nararamdaman ko. Malapit ng ma-torture ang utak ko dahil nahahati ito sa love life , sa family life at sa pag-aaral ko. Dapat masaya ako dahil sinagot na ako ni Yen? Pero bakit hindi ako masaya? Hinahanap hanap ko si Ella na lagi kong kasama. Naiinis ako sa sarili ko bakit hindi ko maamin na siya ang gusto ko at hindi si Yen. Bakit hindi ko kayang ipagtapat kay Ella? Nahihiya ako dahil parang totoong pinsan ang turing ko sa kanya tapos bigla na lang naiba dahil sa isang halik.
Nakalimutan ko sa sabihin ko sa inyo ang mga hate list ko sa sarili ko at iba pang mga kina-iinisan ko
1.I hate admitting that I have crush on Ella
2.I hate myself because I’m lusting after Ella ( Tukso layuan mo ako )
3.I hate Ella because she stay on my mind
4.I hate my foster family especially Schizo Lenny because she drinks shoktong while gambling
5. I myself because I’m adopted son
6. I hate composing love song
7. I hate dreaming ghost of Madam Guillerma
8. I hate people who call me Henriquetto instead of Henry.
9. I hate Prom Day ( Sino ba ang nagpa-uso noon? )
10. I hate hating
----****----
After school kinausap ako ni Martin tungkol sa kakantahin namin sa Prom Day
“ Henry hindi na love song ang kakantahin natin” sabi ni Martin
“ O bakit naiba nanaman ang ihip ng hangin? Kala ko ayos na”
“ Sabi ni Carlo mamili ka daw ng kanta from 70’s tapos gagawan natin ng version”
“ Ano? Sinaunang kanta? Sige magtatanong ako sa mga ninuno ko” pagbibiro ko
Isa lamang ang naiisip ko kong lumang kanta na narinig ko sa bahay ni tatay Julian habang sumasayaw kami ni Ella “ My Eyes Adore You” kakantahin ko pa ito ng sampung beses para kay Ella.
---***---
Malalim na ang gabi hindi pa rin ako dalawin ng antok. Pumunta ako sa balcony ng kwarto ko upang makinig ng music sa I-Pod ko. May nauliningan akong tao sa baba. Tinignan kong mabuti baka magnanakaw pero ang nakita ko ay si tatay Julian,nakatayo ito sa gate, dagli akong bumaba para kamustahin siya.
Binuksan ko ang gate namin pero bigla nanaman siyang nawala, hinanap ko siya ulit pero wala siya. Nang bigla siyang lumitaw sa likod ko
“ Iho!” sabi niya
Nagulat ako akala ko multo “ Kayo po pala Tay. Ginulat niyo po ako. Pasok po muna kayo sa bahay. Paano ninyo nalaman na dito po ako nakatira?” tanong ko
“ Naku iho, wag na. hindi rin naman ako magtatagal. Sa directory ko nalaman ang address mo”
“ Ano po ginagawa ninyo dito eh gabi na?”
“ Napadaan lang ako dito para ibigay sa iyo ito” inabot niya sa akin ang plastic na may lamang pagkain”
“ Naku salamat po. Tamang tama po kasi gutom na po ako. Hindi po kasi nakapag luto si Mommy”
“ Ginugutom ka ba nila, iho?” tanong niya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa akin
“ Hindi naman po. Pagkaing lamig na inihahain nila, okay na po sa akin yun” sabi ko
“ Sige, mauuna na ko ha” paalam niya sa akin. Naglakad si Tatay Julian hawak ang baston niya. Sinundan ko siya ng tingin hangang sa makasakay na siya ng Taxi.
Bakit ba napaka bait sa akin ni Tatay Julian?
Isa itong malaking puzzle sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/17973483-288-k936301.jpg)
BINABASA MO ANG
It Started with a Wrong Kiss
AdventureHenry is out of my league, never ever akong magkakagusto sa katulad niya. Niyaya ako ni Henry sa isang pustahan na unahan kaming makahanap ng true love, pero nabago iyon ng makilala namin ang matandang embalsamador na si Tata Julian, itinuring niya...