Chapter 12
Mas gugustuhin ko pa na ma-reincarnate ang kaluluwa ni lola Carmencita sa katauhan ko kaysa naman kay Henry na na-reincarnated ng palakang kokak! I mean dati siyang palaka.
Kahit mukhang weirdo si tatay Julian pero mukha naman itong mabait at hindi niya magagawa ang sinasabi ni Henry na napaka imposible. Noong bata pa kasi si Henry ayaw niya matulog ng madilim dahil baka daw siya kunin ng Alien o may lumapit sa kanyang monster at putulin ang mga binti niya at magigising siya sa umaga na duguan ang kama niya at wala na ang mga binti niya. Sa palagay ko lumaki itong paranoid.
----***----
First subject namin sa History class at as usual si Ms. Madlangtao ang guro namin. Binati namin siya ng sabay sabay
“ Corrupternoon, Ms. Madlangtao” bati ng ilang istudyante sa kanya buti nalang hindi niya napapansin o naririnig dahil mag kasing tunog ang Corrupternoon at Good afternoon.
Kaya “corrupternoon” ang bati sa kanya ang ilang istudyante dahil corrupt daw siya.
Ganito kasi yun
Noong nakaraang patapos na ang clase niya tinawag niya ang ilang istudyante na may kaya sa buhay na sila;
Maria Go Sheng
Felix Bacat
Shanon Regalado
Christy Vitangcol
John Songwie
Henriquetto Magpayo at ako
“ Lahat ng tinawag ko maiwan sa klase” umalis na ang ibang hindi tinawag
Binigyan kami ng tig-isang puting sobre at para iyon sa ca-candidata niyang anak sa Miss Little Montessori . Pagbalik ng sobre nilagyan ko iyon ng 100.00 bill at si Henry nilagyan niya ito ng 500.00 na may kasamang buhay na tipaklong sa sobre. Pagkabukas ni Ms. Madlangtao ng sobre at tumalon ang tipaklong sa mukha niya pupunta sa loob ng blouse niya at nagtatalon ito, hindi na niya nagawang magalit kay Henry dahil siya ang may pinakamalaking pera na-iambag.Samantalang nakikita ko ang reaksiyon sa mukha ni Henry sa ginawa nitong kalokohan kay Ms. Madlangtao, lihim siyang tumatawa sa isang sulok.
Simula na ng clase namin. Inilabas na ni Ms. Madlang tao ang lesson plan niya
“ Bago tayo mag simula, may tinda ako ditong pulburon para hindi kayo magutom sa clase, don’t worry class sa sweldo pa ng magulang niyo ang bayad nito” sabi niya. Binigyan niya ako ng dalawang balot ng pulburon at utang iyon ha!
----***----
Hinatid ako ni Tristan sa bahay namin, pero wala pa rin ang first kiss na ina-asam asam ko sa kanya. Kahit friendly kiss. Bokya!
“ Ella, gusto ko sana na lumabas tayo ulit , this time sa disco naman tayo para maiba” aya niya
“ Sure ka? Sige type ko yan” sabi
“ Pero isama natin si Henry yung pinsan mo at yung nililigawan niya si Denise”
“ Correction, hindi kami magpinsan”
“ Okay. Paki sabi nalang sa kanya”
“ Makakaasa ka”
No kiss pa rin :(
BINABASA MO ANG
It Started with a Wrong Kiss
AdventureHenry is out of my league, never ever akong magkakagusto sa katulad niya. Niyaya ako ni Henry sa isang pustahan na unahan kaming makahanap ng true love, pero nabago iyon ng makilala namin ang matandang embalsamador na si Tata Julian, itinuring niya...