Chapter 10 - I'm Rushing For My First Kiss

850 48 4
                                    

I'm Rushing for my First Kiss!

“Ang mga lalaki puro sex ang nasa utak” yan ang sabi ni nanay sa akin ng sabihin kong mayroon akong first date kay Tristan, akala ni nanay  isusuko ko agad ang bataan.

Pero medyo kinakabahan ako sa date namin ni Tristan, eh paano kung ma-date rape ko? paano kung mabuntis ako? paano kung yayaain niya ako isang madilim na lugar tapos…tapos…

“  Ella..may naghahanap sa iyo, Tristan daw” tawag ni Nanay, biglang kong pinutol ang mga kabaliwang consequence ko sa date namin.

Natuloy ang date namin sa isang sport complex dahil may game sila ng team nila. Umupo nalang ako sa bleacher para manood ng laro nila, ako si Ella na parang timang na naghihintay matapos ang laro nila para masolo ko na siya. Noong i-ipapasa na ni Tristan ang bola sa isang team player nila ay lumipad ito sa mukha ko! Toinkkkk!

Sabi ko na nga ba, ganito ang mangyayari eh! Nagawa ko pang ibalik ang bola sa kanya habang nagtitilian ang ilang babae na over kilig sa kanya.

Grabe ha!

Nag dinner kami sa Libis sa isang fine restaurant sa Libis.

“ Alam mo, Ella. Salamat at nandito ka may sasabihin sana ako sa iyo. Sana wag ka magagalit”

“ Hindi. Ano ba iyon?”

Saglit na lumundag ang puso ko, dahil magtatanong na siya kung pwede na niya akong ligawan. 

“ You know I’m so broken hearted dahil wala na kami ni Shane. We broke up last week” sabi niya

“ Oh I see, Sorry for that Tristan. Makakahanap ka din ng higit pa sa kanya” 

 Akala ko yun na! Emotero ang peg niya. Di bali, maganda na iyon dahil wala na sila Shane, may chance na maging kami

Hinatid niya ako sa bahay.

“ Mauna na ako Tristan” sabi ko

“ Sige, Salamat sa pagdamay ”

“ See you” sabi ko at pinikit ko ang mata ko dahil hinihintay ko na halikan niya ako.

“  Ella?” pansin niya na kasi naka kissing mode ako.

Dumilat na ako “ Ah sige baba na ako” 

Sayang first kiss ko na sana, kung nagkataon. Tsk!

-----****----

 Sa school mag uumpisa na ang sex education namin  at completo ang lahat tuwing ito kasi ang subject namin walang nag cu-cutting class dahil mas interesado pa ang ilang estudyante dito kaysa sa ibang subject. Siguro dahil gusto nilang e-explore ang kanilang sekwalidad.

Napansin ko nakatingin sa akin si Henry sa mula sa kabilang row, at inisnab ko siya. Ano kaya ang nasa isip nito pag sex education ang subject namin? Alam ko ang mga lalaki mas advance ang utak nila pag dating sa sex. Kung sa katulad kong babae ay nag iisip kung ano ang feeling kapag dumating nasa buhay mo ang first kiss samantalang sa mga lalaki ay wet dreams dahil likas na iyon sa horrmones nila.

Hindi ko pinapansin si Henry hangang sa breaktime namin dahil naiinis ako sa kanya sa pag ka-insensibo niya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Siguro yun ang tingin ko sa kanya o siguro epekto yun ng hindi pag pansin sa kanya ng magulang niya.    

----***----

Nakatulugan ko ang pag iisip ng  aking first date na walang kiss, pero hindi naman ako pwede magmadali for the sake ng pustahan namin ni Henry. Manigas siya!

It Started with a Wrong KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon