Chapter 3 - The Bet and The Dream Drum

1.4K 55 0
  • Dedicated kay Angelica Cuison
                                    

Chapter 3

Inaamin ko, tama ang sabi ni Ella na gwapo ako at maganda ang boses ko. Nabasa ko sa pangalawang chapter niya na wala siyang type sa akin. Tama! dahil ngayon pa lang natatakot kami sa pagmumukha ng isa’t isa kahit sabihin mong hindi naman kami pangit para sa isa’t isa. 

Sa ngayon wala akong balak na ma-inlove. Totoo ang sabi ni Ella na may gusto sa akin si Lovely ang muse ng Section 1, maganda siya ( syempre kaya nga muse eh )

Minsan kaming nasa canteen sa school, tinabihan niya ako

“ Hen, pwede ba maki-upo dito”

“ Sure naman, Lovely”

Napansin ko, kami lang dalawa ang nasa canteen ng oras ng iyon at vacante ang lahat ng upuan, isa lang ang ibig sabihin noon nagpapakita siya ng motibo.  Hindi dahil nagpapakita ang motibo ang isang babae ay ilalabas mo na ang embutido mo Mali yun! May respeto sa babae kahit ganito lang ako. 

-----****-----

Roland V-Drum : ang pangarap naming drum, sa ngayon P10,000.00 pa lang ang nalilikom namin ng barkada ko na galing sa magulang namin, pero laking himala binigyan ako ng Daddy ko ng P5,000.00 pandagdag pambili ng V-Drum. Marahil nanalo sila sa sugal. 

Pupunta ako sa bahay nila tita Bennet upang makigamit ng phone nila upang mag solicit gamit ang residence derictory. Dahil pag ginawa ko ito sa bahay ay tiyak papagalitan nanaman ako nila Mommy at Daddy sasabihin nila nanloloko nanaman ako ng tao. 

Pagpunta ko sa bahay ni tita Bennet pagmumukha agad ni Ella ang tumambad sa akin ( Haizzzzt!)

“ Bakit ngayon ka lang kanina ka pa namin hinihintay” sita sa akin ni Ella.

“ Nag practice kami ng banda ko, ikaw naman”

“ Pero okay na iyan, kaysa sa uminom ka, kumain ka na”

Pagdating ko sa lamesa, ang nakahain na pagkain ay puro gulay tulad ng saluyot, mongo at pinakbet, vegetarian kasi ang tita ko. Isa sa mga dahilan kung bakit ayoko kumain sa bahay nila dahil una sa lahat isa akong carnivores at hindi herbivores 

“ Tita wala ka bang masarap na pagkain, eh puro gulay ito, wala ka bang dinuguan o porkchop man lang?” reklamo ko

“ Henry naman, maganda sa gulay ang katawan, masama ang masyadong makarne” sabi ni tita ni Bennet 

Kahit sa bahay  kadalasang walang ulam na luto  dahil wala lagi ang magulang ko. Sawa na ako sa instant foods.  Jesus help!

Napilitan ko kainin kung ano ang inihanda ng tita kong vegetarian, pagkatapos ng lunch namin,inumpisahan ko na nag telephone marathon or thru phone solicitation,  nagpatulong ako kay Ella dahil maganda ito makipag usap sa tao.

“ Dinadamay mo pa ako sa kahibangan mo”

“ Sige na, total suportado mo naman ako sa pagbabago ko”

Inumpisahan na namin ang phone solicitation,  nauna akong kinuha ang residence directory at inumpisahan naming sa letrang A

“ Hello” sabi ng taong nasa kabilang linya

“ Magandang umaga po, isa po kami sa mga kabataang nag ngangalap ng sponsorship para sa aming banda sa….”

BLAG! Binabaan ako ng phone. Isa pang try, dinayal ko ulit ang phone

“  Hello, good morning” may sumagot sa kabilang linya, babae.

“Magandang umaga po, isa po kami sa mga kabataang nag ngangalap ng sponsorship para sa aming banda sa aming paaralan….”

“ Sira ulo ka pala, nang -iistorbo ka, kita mong nag ho-honeymoon kami ng asawa ko. Kung scam yan, wag mo kami idamay, gusto mo report kita?”

Binaba ko agad ang phone akala kasi ng kausap ko sa kabilang linya ang niloloko ko siya. Sorry sa kanya dahil nasa kalagitnaan na pala sila ng kanilang honeymoon.

“ Hay naku, ang pangit kasi ng tele-introduction mo” pansin ni Ella

 “ Ikaw nga” binigay ko sa kanya ang phone, inumpisaha niya sa letter B, nag-dial siya ng ilang numero pero not yet in service ang iba naman ay fax tone lang ang sumasagot.

“ No luck, try ko sa letter D. Aha! Ito, Mr. Julian Damian” agad niya itong dinayal

“ Good morning po can I please talk to Mr. Julian?” 

“ Yes, speaking who is on the line?” 

 “ Hello, Mr. Julian. This is Michaela from Ampere Hills High School, we found your name in directory.  Nangangalap po sana kami ng sponsorship para sa aming school band project” sabi ni Michaela sa kabilang linya. Humanga ako sa kanyang karismang mag salita.

“ Oh I see, ano bang items ang kailangan niyo” tanong ng taong nasa kabilang linya. Kaagad na tinakpan ni Ella ang mouthpiece ng phone.

“ Ano daw ang ipapa-sponsorship niyo” 

“ Drum” sabi ko. Medyo na excite ako dahil mukhang may makukuha na kaming sponsorship

“ Thank you for waiting Sir Julian. Kaylangan po kasi namin ng drum, sira na po kasi ang drum namin  sa school, pero kung gusto niyo po makasigurado, pwede po kayo pumunta sa school namin sa Glee club department”

“ Ha!Ha!Ha! di na kailangan, naitindihan ko ang needs niyo”

“ Talaga po?” nakita ko ang saya sa mukha ni Ella.

“ Pumunta kayo dito, mag reready ako ng check”

“ Ano address po” Kumindat sa akin si Ella. Alam ko bi-bingo na kami.

“ 35 Armageddon Street, Greenmeadows, Pasig” 

“ Copy po, thank you po sir Julian”

Binaba na ni Ella ang phone, at tuwang tuwa kami 

Ang lubos ng kinababahala ko , baka pag pumunta kami sa bahay ni Mr. Julian hindi na kami maka balik, baka isa itong serial killer at katayin kami at ipakain sa gorilla ang laman loob namin. 

“ Ano ba iniisip mo?” pansin ni Ella.

“ Puntahan na natin”

“ Okay”

Hindi na ako magpapa alam kay mommy at daddy pag pumunta kami sa bahay ni Mr. Julian , magdadala ko ng balisong in case of emergency.

Pero hindi pa ako tapos kay Ella at may sasabihin pa ako dito.

“ Salamat pinsan pinsanan ha, pero may isa pa akong dare sa iyo”

“ Hihirit ka na naman, ano yun”

“ Total malapit na ang J.S prom, hinahamon kita na paunahan tayo maka-tagpo ng true love, kung sino mauna at manalo bibigyan ng 1,000.00 peso”

“ Sus, mana ka nga sa magulang mo”

“ Ella, dare lang naman ito, pero puntahan muna natin yung kausap mo sa phone. 

Pumayag si Ella sa sinabi kong pustahan. Sigurado ako mananalo ako dahil wala sa itsura ni Ella ang lapitan ng guys at sa wakas makakabili na rin kami ng V-Drum. Double Bingo! 

It Started with a Wrong KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon