Chapter 32 - Farewell

669 41 5
                                    

Chapter 32

“ Anak bakit ba namumugto yang mata mo, umiyak ka ba? Tanong ni Nanay. Napansin niya kasi ang hindi ako lumalabas ng kwarto.

“ Magsalita ka nga, Michaela! Hmp… yan ang napapala mo sa kakasama mo kay Henry. Inaway ka ba niya? tanong niya ulit

“ Nay hindi niya ako inaway. Namatayan po kasi kami ng kaibigan, si tatay Julian”

“ Hindi mo nabanggit sa akin na may kaibigan kang Ju-lian?”

“ Nay si Julian Damian ang tunay na Lolo ni Henry” 

“ Julian Damian! Anak, may ari iyon ng isang malaking funeral dito sa Pilipinas. Hindi binabangit sa akin ni Benneth ang pagkatao ng pamangkin niya!”

“ Natuklasan po ni Henry na ang lolo niya ay si tatay Julian  dahil sa adoption letter na nakita niya sa bahay ni tita Bennet. Wala pong alam si tita Bennet na ang lolo ni Henry ay si tatay Julian”

“ Milyonaryo na pala si Henry, anak”

“ Nay malungkot po siya ngayon, hindi po sapat ang kayaman upang lumigaya ang isang tao”

---***---

Lumilipas ang araw nandoon na parin ang sakit ng pagkamatay ni tatay Julian, naalala ko kasi ang mga kabaitan niya sa amin. Hindi ko alam kung bakit siya kinuha sa amin ni God. Para na namin siyang pangalawang ama o lolo. Sana pinigilan ko siya kumanta ng ‘ My Way’ . Sa isip ko hangang doon na lamang siguro ang kanyang buhay. Ang pagkamatay niya ay may iniwang aral sa buhay namin.  

Isang araw nilapitan ang ako nila Archie, Paolo, Martin at Carlo

“ Ella, gusto namin humingi ng tawad sa ginawa namin sa inyo ni Henry” sabi ni Carlo

“ Oo nga Ella, Sorry talaga” sabi ni Archie habang ngumunguya 

“ Ella patawarin mo kami” sabi ni Paolo

“ Alam ko, ako ang pasimuno ng lahat Ella. Nakikiramay kami sa nangyari sa kaibigan ninyo. Please accept our sorry..” sabi ni Martin

Alam ko sa sarili ko ang galit na nararamdaman ko sa kanila, pero hindi na maibabalik ang buhay ni tatay Julian. Naalala ko ang sinabi ni tatay Julian sa amin;

Ang pagpapatawad ay hindi natin ginagawa para sa mga nagkasala sa atin bagkus  pagpapalaya ito sa ating ang sarili. Kapag ginawa mo ito gagaan ang pakiramdam mo.

“ Ella patawarin mo na kami” sabi nilang apat at lumuhod pa sila sa harapan ko.

“ Para kayong mga timang, tumayo na kayo. Pinapatawad ko na kayo”

“ Ella salamat, na kokonsensiya kasi kami sa ginawa namin sa inyo  ni Henry” sabi ni Martin.

Totoo nga ang sinabi ni tatay Julian kapag wala na ang poot sa dibdib mo ay mapapalitan iyon ng kapanatagan.

Mabuti na siguro ang desisyong ng magulang ko na lilipat kami ng ibang lugar dahil gusto ko makalimot sa lahat ng mga nangyari sa buhay ko.   

Pag uwi ko sa galing ko ng school, naabutan ko sila tatay at nanay. Nag sisimula ng mag empake ng mga gamit namin na dadalhin sa Cebu.

“ Anak nandiyan ka na pala. Umpisahan mo na ang pag empake sa mga gamit mo dahil bukas aalis na tayo”

“ po? ”

“ Narinig mo ang sinabi ko di ba? Sabi ni tatay

Umakyat ako sa kwarto upang mag empake ng gamit ko. May narining akong sumisipol sa labas. Dumungaw ako sa bintana, nakita ko si Henry sa labas. Lumbas ako ng bahay.

“ Henry bakit ka nandito?” Bigla akong niyakap ni Henry. Matagal

“ Ella… Hindi ko mapigilan ang sarili ko pumunta dito. Alam ko aalis ka na bukas, Ma mi-miss kita Ella” sabi ni Henry.  Nagulat ako dahil bumagsak ang luha ni Henry kasabay ng pag agos ng luha ko. 

 “ Henry naiiyak na ako. Tigilan mo ang pagiging emo mo” sabi ko sa kanya ng magkahiwalay kami sa pagkakayakap.

“ Pumunta tayo sa Cementery Garden, doon natin ibabaon ang mga ginawa nating mga salaysay.

Pumunta kami sa lugar na sinabi ni Henry. Isa itong cementery garden park, tahimik at maganda ang ambiance.

Nakita na namin ang isang puno ng acasia, doon namin ibinaon ang mga papel na naglalaman ng aming secreto at nararamdaman.

“ Henry kung magkita man ulit tayo balang araw, babasahin ko ito sa harap mo, siguro may matinong love life ka na noon” sabi ko

“ Basasahin ko rin ito  sa harap mo, promise mo hindi ka magagalit” sabi niya

“ Bakit naman ako magagalit”

Niyakap niya ulit ako, at hinalikan niya ako sa noo

“ Isa kang mabuting kaibigan Ella. Marami akong natutunan sa iyo sa kabila ng pagiging kontrabida mo”

“ Sira”

“ Ella ang dami kong gusto ipagtapat sa iyo pero hindi pa ngayon”

“ Ako din Henry, mga bata pa kasi tayo. Nalilito tayo sa mga nararamdaman natin”

“ Balang araw Ella, maiitindihan natin ang sarili natin. Hindi pa ito ang huling pagkikita natin Ella”

“ Promise Henry” hinawak niya ako sa kamay ng mahigpit. 

Pauwi na kami galing sa cementery garden park

“ Henry mauna ako sa iyo, hanggang sa muli” 

“ Mag iingat ka Ella, text mo ako agad pag nasa Cebu ka na”

“ Pangako ko, Henry” samakay na ako ng taxi at naiwan siyang  mag isa habang tinitignan niya ang ako papalayo sa kanya. Ito ang pinaka mahirap na sandali, ang pag kawalay sa taong napamahal na sa iyo. 

   

  

    

It Started with a Wrong KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon