Ganito kasi yun
Past forward ko .…
Nang gabing iyon, namasdan ko si Ella, naiinis akong aminin na napakaganda niya ng gabing iyon,bagay na bagay sa kanya ang tube dress na sout niya. Mas napansin ko pa nga si Ella kaysa sa kasama ko na si Denise.
Nasa kabilang table ang grupo ko sila Martin, Archie, Paolo at Carlo. Wala namang ginawa si Archie kung hindi magpapak ng pulutan. Medyo lasing na ang grupo ko except Archie. Kung tatanungin niyo ako, medyo malakas na ang tama ng alak sa akin dahil nakailang bote na ako ng beer, isa siguro sa dahilan kaya ang ganda ni Ella sa paningin ko.
Nasa isang table kami nila Tristan, Ella, Denise at ako. Parang wala ng bukas kung mag order si Tristan ng beer.
Isinayaw ko si Denise sa saliw ng romantic music, nag aalangan ako na halikan siya dahil hindi pa niya ako sinasagot, matagal ko na gusto gawin sa kanya iyon pero nahihiya ako. Siguro hormonal lang ito sa isang lalake. Habang isinasayaw ni Tristan si Ella nakuha niya pa akong asarin sa pag belat niya, babae siya pumustura pero parang bata ang isip.
Pagkatapos naming sumayaw, uminum ulit ako ng beer na siyang naging dahilan ng paglakas ng tama ko, lahat ng babae yata sa disco na iyon ay nagiging maganda sa akin kahit mukhang silang hipon sa umaga. Umorder nanaman si Tristan ng beer.
“ That was perfect dance guys, inom pa tayo!” sabi ni Tristan
“ Cheers!” sabi ko. Napansin ko si Ella na tuloy tuloy sa pag inom kahit lasing na ako alam ko na lasing na siya at pagewang gewang kung maglakad.
“ Oder pa kayo guys. Sagot ko yan lahat!” sabi ni Tristan, ng biglang nag ring ang phone niya.
“ Ah guys sagutin ko lang itong phone ko sa labas” sabi niya sa amin at lumabas siya.
Napansin ko si Denise kanina pa siya nag tetext. Hindi ko alam kung sino ponsio pilato ang katext nito
“ Ella, Henry excuse me for a while titignan ko lang si Jona sa labas, susunod daw siya dito eh” sabi ni Denise
“ Okay” sabi ko sa kanya. Naiwan kami dalawa ni Ella sa table
“ Henry sandali lang, pupunta lang ako sa CR” sabi ni Ella
“ Ano gagawin mo doon?” tanong ko sa kanya
“ Wi-wiwi. Sama ka?” sabi niya sa akin
Iniwan nila ako mag-isa sa table. Pinuntahan ko ang grupo ko sa kabilang table upang maki- join.
“ Pare napasagot mo na ba si utol?” sabi ni Carlo
“ Hindi pa pare eh, pero antayin ko muna siya mag isip. Ayaw ko siya madaliin” sabi ko kay Carlo
“ Yan ang tunay na lalake!” sabi sa akin ni Carlo
“ Sandali lang mga parekoy, ji-jingle muna ako” sabi ko sa kanila
“ Parekoy bago ka jumingle, inumin mo muna itong paborito nating Fundador” alok ni Paolo. Ininum ko iyon at parang tumataas ng amats ko.
“ Kelangan ko na talaga mag jingle” pumunta ako sa CR para mag jingle paglabas ko sa CR nakita ko si Denise na parang nahihilo at agad ko siyang inalalayan pero niyakap niya ako. Nagulat ako na lamang ako dahil naglapat ang mga labi namin, parang magnet attraction! Sa ingay at malakas na music sa disco, hindi ko narinig na may binangit siyang pangalan pero hindi ko na iyon pinansin dahil ang mahalaga ay gusto niya ako at gusto ko rin siya.
Napapikit ako ng halikan ko siya pabalik, unti unti gumapang ang kamay ko sa makinis niyang braso. Napakalambot ng kanyang labi at ang halik niya ay tumatagos sa kasuluk sulukan ng kaluluwa ko. Gumapang ang kamay ko sa balakang niya. Sa isip ko, this is it! Kami na! panalo ako!
Nang maghiwalay ang mga labi namin, ninanamnam ko pa ang unang tamis ng halik namin. Unti unti kong idinilat ang mga mata ko, subalit labis akong nagulat dahil ang nakita ko ay si ELLA!!! Sa sobrang kalasingan ko, hindi ko napansin na si Ella pala ang kahalikan ko!!!
“ AHHHHHHHHhhhhh, hindeeeee” sigaw niya at nawala ang pagkalasing niya at natauhan ako
“ Ano, ikaw????!!!!” sabi ko at sinukahan niya ako at bigla niya akong iniwan.
Hindi ko alam ang gagawin ko, kung bakit nangyari sa amin ang pagkakamaling iyon. Siguro bunga ng kalasingan.
Hinanap ko si Denise para yayain na itong umuwi, subalit naabutan ko sila nag aaway ng kuya Carlo niya hindi ko alam kung ano ang dahilan.
“ Bakit hindi mo sinabi sa akin, Denise. Alam na ba ito nila Mommy at Daddy” sabi ni Carlo kay Denise.
“ Kuya ipagtatapat ko naman kay Mommy at Daddy, humahanap lang ako ng tiempo!” sabi ni Denise sa kuya niya.
“ Kelangan malaman ito nila Mommy at Daddy. Napaka sinungaling mo, Denise!” sabi ni Carlo kay Denise.
“ Kuya….!” Umiyak ni Denise
Nakauwi ako sa bahay na maraming katanungan sa isip ko. Ano ang pinag aawayan ng mag kapatid na iyon? Bakit ako hinalikan ni Ella? Nakatulog ako sa sobrang pagod sa kakaisip, nang biglang sumagi sa isip ko si tandang Julian. Binuksan ko ang bintana at nandoon siya, nakabantay pero ng tumingin ako ulit bigla itong nawala! Hindi ko pinatay ang ilaw magdamag, hindi ako magtataka na lumaki ang bill namin sa Meralco, tiyak magagalit si Scizo Lenny
BINABASA MO ANG
It Started with a Wrong Kiss
AventuraHenry is out of my league, never ever akong magkakagusto sa katulad niya. Niyaya ako ni Henry sa isang pustahan na unahan kaming makahanap ng true love, pero nabago iyon ng makilala namin ang matandang embalsamador na si Tata Julian, itinuring niya...