Chapter 24
“ O anak kamusta naman ang camping ninyo?” tanong ni nanay
“ Ah m-mabuti naman po, nay” pagsisinungaling ko. Medyo na konsensiya ako dahil hindi camping pinuntahan ko kung hindi kasama si Henry ng boung gabi sa bahay ni tatay Julian.
Napaka ingay matulog ni Henry. Madalas kaya ito mabangungut? Narinig ko kagabi nanag inip siya sabi niya “ mama, mama” tapos biglang sumigaw ng help. Kaloka! Pero ang ganda ng panag-inip ko kagabi hinahalikan daw ako ni Zac Efron, para kasing totoo, ung kiss ang init tapos yung yakap damang dama ko, tapos yung cologne scent niya parang ganun kay Henry. Teka!.... Hindi kaya si Henry ang gumawa noon? Oh no! Hindi kaya pinagsamantalahan niya ako habang nahihimbing ako sa pag tulog? Pero pinakiramdaman ko ang sarili ko , naka intact pa rin ang virginity ko.
Ayoko pa ipagtapat kay Mylene ang mga nangyayari sa amin ni Henry dahil hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko kay Henry. Nalilito ako.
Awang awa ako kay Henry dahil nalaman niyang isa siyang ampon, kaya pala ganoon ang turing ng magulang niya sa kanya.
-----****-----
Pagkatapos ng klase namin, nauna na si Henry mag-out dahil ma la-late na daw siya sa uwian! Di ko siya ma-gets.
Nagpaiwan ako sa room dahil may meeting kami sa drama club, napansin ko sa upuan ni Henry ang naiwan niyang notebook . Binuklat ko iyon , nakita ko ang sinulat kong love song at enikesan niya lang ito. I admit na nasaktan ako dahil hindi niya na-appreciate ang ginawa ko. Ang hirap kaya nun!
Pag kauwi ko, dumaan muna ako sa 7-11 na malapit sa school upang bumili ng slurpy nakita ko sa Henry may kasamang babae, si Yen na kabilang sa Section 2, maganda siya. Nasa isang table sila at nag uusap, very close. Habang nag uusap sila hinahawakan pa ni Yen si Henry sa kamay!
Dumaan ako sa harapan nila, nakita ako ni Henry
“ Ella, Nandito ka rin pala, uuwi ka na ba? Si Yen pala” pakilala niya kay Yen
“ Kilala ko na siya Henry. Sige mauna na ako sa inyo” bigla ko silang tinakuran.
Bakit ba ang sakit tignan sila? Hindi ko mahal si Henry, kiss lang iyong nangyari sa amin, bakit kung maka-react ang puso ko sobra pa sa iniwan ng boyfriend? Kilala ko ang sarili ko. Bakit ako nagkakaganito?
Isang araw nasalubong ko si Mylene sa park
“ Cousin! Kamusta? Alam mo na ba?”
“ Ang ano?”
“ Si Henry …..”
“ Si Henry? What about him?”
“ Sinagot na siya ni Yen, that means nananalo siya sa pustahan ninyo” pahayag ni Mylene
“ Ha?!!”
Biglang nagunaw ang mundo ko sa ipagtapat ni Mylene sapol sa puso ko!
“ Okay ka lang Ella?”
“ O-oo naman. Congrats to him” sabi ko
----****-----
Hinanap ko si Henry sa lobby ng school upang ibigay ang premyo niya na galing sa akin.
“ Henry, You win over me for finding your true love. Congrats!” sabi ko , sabay abot ko ng 1,000 pesos bill sa kanya. Kinuha niya iyon at ibinalik sa kamay ko.
“ but….---
“ Ella hindi ko matatanggap ito. Yung pustahan natin, wala na yun”
“ Pero sinagot ka na ni Yen”
“ Sorry Ella kung hindi ko kaagad nasabi sa iyo ang tungkol sa amin ni Yen. Balang araw maiitindihan mo ako, kung bakit ko kinancel ang pustahan natin” sabi niya at tinalikuran na niya ako. Naroon si Yen sa labas ng lobby, hinihintay lang si Henry at magka-akbay pa silang maglakad pero tumingin muna sa akin si Henry sa akin bago sila umalis
Ang sakit sakit!
Napaka sakit nilang tignan sa pangalawang pagkakataon.
Una ne-reject niya yung ang nilikha kong kanta
Pangalawa sila na pala ni Yen.
Hindi ako makatulog sa gabi dahil si Henry ang iniisip ko, may mga katanungan kasi na sumasagi sa isip ko tulad ng; Hinahalikan ba ni Henry si Yen katulad ng ginawa niya sa akin? Niyaya ba niya ito sa sementeryo upang mga unwind? Please Henry get out of my mind! Hindi kita kailangan! Naramdaman ko ang luha ko ay umaagos na pala na hindi ko namamalayan, Juice ko!
Tenext ko si Mylene
Me : Hi cuz, r u still up?
Mylene : Yup. Y?
Me : I want to ask you a hypothetical question again
Mylene : continue
Me : Cuz paano ba maka move-on?
Mylene : Dnt tell me na-una ka pa ma broken heart kaysa mag ka BF?
Me : Kaya nga hypothetical eh
Mylene : Ibaling mu ang sarili mong attention sa iba. Sa una masakit yan talaga pero mawawala rin yan. Promise.
Me : Cge tnx u. Sleep knap u. Gudnyt!
Mylene : Nyt!
Naisip ko, ako lang talaga ang makakatulong sa sarili ko. So help me God!
PS : This is my first broken heart
PSS : Sorry ha ang drama ko sa Chapter na ito. I can't help it!
BINABASA MO ANG
It Started with a Wrong Kiss
AdventureHenry is out of my league, never ever akong magkakagusto sa katulad niya. Niyaya ako ni Henry sa isang pustahan na unahan kaming makahanap ng true love, pero nabago iyon ng makilala namin ang matandang embalsamador na si Tata Julian, itinuring niya...