Epilogue

1K 41 10
  • Dedicated kay John Grout
                                    

Siyempre ako bida dito dapat ako gagawa ng huling chapter ( wala ng kasunod ito, promise. Busy na si Ella eh )

Kasama ko si  Ella hangang ngayon pero hindi pa rin nawawala ang pagka epal niya pero sa kabila noon minahal ko siya ng tapat. 

Reaction ng mga taong nakapaligid sa amin ng maging kami   ni Ella;

Schizo Lenny at Daddy Womanizer : Congrats anak sa wakas nagkaroon ka ng stable ng relasyon

Nanay ni Ella : Diyos ko Henry, wag mo muna bubuntisin si Ella, mahal ang bigas at galung-gung ( Hay! Ano naman kaya kinalaman ng bigas at galung-gung sa relasyon namin ni Ella?! )

Mylene : Wow! pinsan noon parang kayong  aso’t pusa pero ngayon para na kayong love birds

Lolo Alfonso : Siya na ba Henry ang magiging ina ng mga anak mo? Aba ikalat mo ang lahi natin!

Nanay ni Ella ulit : Henry wag kayong  mag se-sexual intercourse, bata pa kayo!

Mga ka-grupo ko : Pa canton ka naman. Kayo na ni Ella eh!

Pagtungtung ko ng ika-labing walong taon  gulang,nag enroll ako sa isang  Embalming School. Hindi biro ang pag aaral ng embalming course dahil daig mo pa ang doctor, lawyer at microbiologist dahil ang saklaw nito ay; Antomy and Physiology, Microbiology and Parasitology, The Process of Embalming, Cosmetic Application or Restoration and Implementing Rules and Regulation for Disposal of  Dead Persons. Ang dami no? Nakapasa naman ako sa pagsusulit at isa na akong ganap na Licensed Embalmer. Isa akong proud license holder, hindi lang sa salita maging sa gawa. 

Nagtapos ako sa kursong BS Management at si Ella ay nakapagtapos ng BS Nursing. Isa na siya ngayong Registered Nurse. 

Sa Edad naming bente dos ikinasal kami ni Ella.  Naging license embalmer din si Ella at kasama ko siya ngayon sa pamamalakad ng aming funeral business, nadagdagan ang branch namin sa boung Pilipinas at patuloy ang paglago nito. Ito ang iniwang  legacy sa amin  ni Julian Damian; dedikasyon at pagmamahal sa inumpisahan mo, tiyak may magandang bunga!

Sa kasamahang palad pumanaw si lolo Alfonso sa edad na 84 years old. Nang huling magkita kami kumanta siya ng ‘My Way’ nagkataon lang ba ito? dahil kumanta din si lolo Julian ng ‘ My Way’ bago siya binawian ng buhay. 

Sa ngayon masaya ako sa piling ng aking asawa na si Ella Formosa - Damian  at biniyayaan kami ng isang anak na lalaki. 

Gusto ko humaba ang buhay ko at paramihin pa ang lahi ko

Gusto ko makita ang mga magiging apo ko

At dahil gusto ko humaba ang buhay ko, hindi ako kakanta ng ‘My Way’. Ayaw ko, ayaw ko

Never

I wont

No, really.

No…

  

It Started with a Wrong KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon