Chapter 18 - The Funeral Tour

867 41 0
  • Dedicated kay Trez Guzman
                                    

Chapter 18

BLAG!

Nagulat ako dahil may bumato sa bintana ng kuwarto ko. Dumungaw ako sa bintana at nakita ko si Henry sa labas at sumenyas ito para babain ko siya sa labas.

“ O bakit ka nandito?  Ginulat mo pa ako eh pwede ka naman kumatok sa pintuan!” sabi ko sa kanya

“ Baka kasi pag kumatok ako, hindi mo pagbuksan ng pintuan” sabi niya.

“ Ano sadya mo? Bakit ka ba naka hood jacket, eh ang init-init ng panahon?” tanong ko sa kanya

“ Binili ito ni Daddy kagabi” tugon niya

“ Buti naman pinapansin ka na ng daddy mo ngayon”

“ Ella kaya ako napunta dito dahil magpapasama ko sa iyo”

“ Ako? Bakit ako? Nasaan ba si Denise? Bakit hindi ka magpasama sa kanya?”

“ Hindi daw niya type sumama sa pupuntahan ko”

“ Saan ba tayo pupunta?”

“ Sa sementeryo”

“ Ano gagawin natin doon?”

“ Basta sumama ka sa akin”

Sumama ako kay Henry sa St. Claire Cemeterey. Isa itong private cemetery

“ Ano ba ang business mo dito ha Henriquetto?” tanong ko kay Henry

“ Wala, ihahanda ko lang ang sarili ko sa pupuntahan natin bukas sa funeral tour natin with tatay Julian”

“ Really? Sineryoso mo ata yung sinabi niya huh” umupo siya sa isang nitso

“ Ang sarap dito mag unwind, ang tahimik at presko” sabi niya at nakuha pa niyang humiga sa ibabaw ng nitso.

“ Ella sino kaya ang nakahimlay sa ilalim  nito? Hindi kaya siya mag reklamo na hinihigaan ko ang libingan niya?” tanong niya.

“ Bumangon ka nga diyan, para kang timang!” sabi ko sa kanya. Umupo ako sa upuang marmol malapit sa nitsong marmol na hinigaan niya

“ Dala mo ba yung pinabaon sa atin ni tatay Julian?” tanong niya sa akin

“ Ah yung lemon beer! Oo dala ko” 

“ Ilabas na iyan”

“ Ano ka ba, bawal uminum ng alak dito , baka sitahin tayo” saway ko

“ Wala namang CCTV na nakatutuk sa atin dito at saka parang soft drinks lang naman ang lemon beer eh”

“ Wala ka talagang kupas!  Heto saksak mo sa baga mo!” sabi ko

“ Sinumpong ka nanaman ba ng pagka Bella Flores mo?”

“ Henry kaylan ka ba talaga hihinto sa bisyo mo? Akala ko nagbago ka na?”

“ Oo pero minsan lang naman ito, kung si Benjamin Franklin at Martin Luther ay lasingero ako pa kaya?”

For God sake, hindi na sila umiinum!”

“ Bakit?”

“ Dahil patay na sila”

“ Ella sabi ni nga ni Benjamin Franklin “ Beer is a proof that God loves us and want us to be happy”

“ So?”

“ Heto matindi, sabi ni Martin Luther “ Whoever drinks beer, he is quick to sleep. Whoever sleeps long does not sin; Whoever does not sin, enters heaven! Thus, let us drink beer” yahooooosabi ni Henry at nilaklak niya ang lemon beer  

“ Wala akong panalo sa iyo pag dating sa alcohol quiz, hmp” sabi ko na pailing iling.

----***----  

Dumating ang araw ng Lingo at maaga kaming pumunta sa bahay ni tatay Julian para sa aming kapana-panabik na funeral tour. Hindi ko alam sa sarili ko kung kaya kong humarap sa mga patay dahil takot ako! Si Henry ewan ko lang kung kaya niya.

“ O mga kids, tara na, sumakay na kayo sa sasakyan” sabi ni tatay Julian

“ Yeheyyyyy!” hiyaw namin ni Henry sa kasabikan

Huminto ang sasakyan sa mismong funeral parlor: Damian and Son Memorial, namangha ako dahil parang hindi ito funeral parlor k, para isa itong  five star hotel. Pumasok kami sa funeral, sa mezzanine floor mayroon itong lobby at reception.

Good morning boss, Sir, Ma’am” bati ng receptionist sa amin. Tumango lang si tatay Julian sa receptionist

“ Wow Ella ang huling bati sa akin ay ‘ Good morning sir! Welcome to Jollibee bulong ni Henry 

“ ha!ha!ha! funny” bulong ko kay Henry. 

Ipinatingin sa amin ni tatay Julian ang boung funenarya. Sa bawat floor ay may room kung saan may naglalamay. Nakita ko ang isang room kung saan may pinaglalamayan na isang matanda at ilan sa kanila ay umiiyak. Nakakalungkot tignan ang ganoong eksena. Ganun ba talaga ang ikinabubuhay ni tatay Julian: Hanap patay, para ikaw ay mabuhay? Pero ganun talaga wala naman pernamente sa mundo, lahat tayo ay may kani-kaniyang oras.   

“ Tatay Julian, nakita na namin ang lahat dito, pero gusto namin makita ang Embalming room!” sabi ni Henry

“ Henry, matapang ka ba para dito? Tanong ni tatay Julian sa kanya

“ Opo!” 

Hindi ko alam kung makakasama pa ako sa embalming room tour dahil kinakabahan ako. Pagdating namin sa labas ng embalming room ay sumalubong sa amin ang isang  lalaki na nasa edad 73

“ Heto nga pala si Alfonso Damian ang kapatid ko, siya ang manager dito”

“ Good morning po” bati ni namin ni Henry kay Mr. Alfonso

“ Good morning din mga bata. Nagtataka ako ano ang ginagawa ng mga batang katulad niyo sa ganitong klaseng lugar” tanong niya 

“ For experience lang po” sabi ko

“ and to see dead people..” dugtong ni Henry

“ Kids dito lang kayo sa labas ng embalming room dahil bawal pumasok sa loob dahil nakakasulasok ang amoy ng formalin at masakit sa mata yun” sabi ni tatay Julian.

“ Sige po. Dito lang kami” sabi ni Henry  

Nagmasid masid kami sa labas ng morgue, naroon ang mga kabaong na pagpipilian may class A, Class B at Class C para sa wala gaanong pera. Habang nakatayo kami ni Henry sa labas ng embalming room nakita namin na dumating ang isang funeral ambulance  may dalang cadaver na naka stretcher, idinaan ito ng mga undertaker sa harap namin papuntang embalming room.

“ Mga bata, tabi tabi” sabi ng isang undertaker habang ipinapasok nila ito sa embalming room

“Oh my God!!!” bulalas ko at napayakap ako kay Henry sa takot ko at niyakap niya din ako. “ Henry natatakot ako dito!” sabi ko sa kanya

“ SShhh Ella, patay na iyon,hindi na babangon iyon”

“ Yun nga eh, para akong nasa horror movie” sabi ko at pumiglas na ako sa pagkakayakap namin.  Hindi ko sukat akalain na nakakatakot pala! Nagtayuan tuloy ang balahibo ko sa bangkay na dumaan sa harap namin kahit nasa cadaver bag na ito. Ilang minuto ang lumipas, napasigaw ako sa gulat sa lalaking nasa likod ko mahaba ang balbas nito, payat, matangkad at nakakatakot ang mga mata nito, may dala itong malaking ruler  

“ Aaaahhhh” sigaw ko at napahawak ako sa braso ni Henry. Nakatawag ng pansin ang sigaw ko kay tatay Julian at nilapitan niya kami

“ Si Gorio pala, siya pala ang coffin measurer, pupunta siya sa loob ng embalming room para sukatan ng kabaong yung bagong pasok na cadaver” paliwanag niya

“ Naku sorry po, Mang Gorio” sabi ko kay Mang Gorio pero hindi niya ako pinansin at tuloy tuloy na itong pumasok sa embalming room.

“ Kids dahil sa mga nasaksihan niyong kakaiba, ipapasyal ko kayo ngayon sa amusement park para sa pagtulog niyo mamayang gabi  may maiwan sa inyong magandang alaala at hindi bangungot” sabi sa amin ni tatay Julian.

“ YESSSS” sabi namin ni Henry  

It Started with a Wrong KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon