Chapter 35 - I Want You To Be My Wife

770 41 0
                                    

Chapter 35

Marami na rin ipinagbago sila Martin, Archie, Paolo at Carlo. Medyo tumino tino na rin sila

Si Martin hindi na siya nambabalya, hindi na siya nag va-vandal sa CR. Kaya lang hindi  niya minsan maiwasang manuod ng R- rated movie o triple x stuff 

Si Paolo na tahimik na nasa loob ang kulo, ngayon ay naipapahiwatig na niya ang kanyang saloobin.

Si Archie na kasing laki ni Beau Belga ngayon ay nag g-gym na at hindi na siya gaano ka kataba. Hindi na siya nag e-extra rice.

Si Carlo ay si Carlo pa din. Wala naman siya pinagbago maliban sa kapatid niyang leslie ( lesbian ).

Paghahandaan ko ang muling pagkikita namin ni Ella sa graduation namin. Sabi  niya mas mauuna ang graduation nila. Kaya pupunta siya sa graduation namin.

Ni-review ko ang na-compose ni Ella na love song dati. Maganda naman pala ang nilalaman noon. Ganun talaga kapag mahal mo na ang isang tao, korni man ito sa panangin ng iba ay napapabago ito ng pag-ibig. Love change everything sabi nila  

Naisipan kong pumunta sa bahay ni Martin para magpatulong lapatan ng musica ang kinompos ni Ella na kanta.

Pagdating ko sa bahay ni Martin bukas ang pinto ng bahay nila. Nandoon ang uncle niya

“Good afternoon po, pwede po kay Martin?” sabi ko

“ Puntahan mo iho sa kwarto niya” sabi ng uncle niya. Kakatok na sana ako sa kwarto niya, nang may narinig akong ungol

“ Araaay Martin, ang sakit naman, dahan dahan mo ipasok”  babae iyon ah ,tila may ginagawa silang milagro

“ Kaunti nalang papasok na, konting tiis nalang babe” sabi ni Martin, ang tenga ko ay nakikinig lang.

“ Ouchhhh..ohhhh”

Narinig iyon ng unlce niya

“ Mukhang may ginagawang katarantaduhan nanaman itong si Martin” sinipa ng uncle niya ang pinto… Nagulat ang mag syota

“ Ano bang ginagawa ninyo?”  sigaw ng uncle niya

“ Uncle sinusout ko po itong singsing kay Maricar, ayaw magkasya po eh” sabi ni Martin habang hawak niya ang singsing na sana’y isusuot niya sa kanyang girlfriend.

“ Akala ko ang ano ginagawa ninyo!” kinabahan ang uncle niya. Nahiya ako sa sarili ko. Ang green minded ko kasi.

“ O Henry ikaw pala. May maitutulong ba ako sa iyo?” inabot ko sa kanya ang ang ginawa ni Ella

“ Lapatan mo naman ito music” tinignan niya iyon 

“ Love song? Akala ko allergic ka sa love song?”

“ Noon yun, parekoy. Para kay Ella kasi yan eh”

“ Sige ba, basta mapapasagot mo siya pag niligawan mo”

---****---

Inalagaan ko ang bahay ng lolo Julian ko sampo ng kanyang mga alagang hayop at hindi ko pinabayaan ang kanyang pinakamamahal na garden. Hindi ko rin pinabayaan bantayan ang mga mamahaling collection ni lolo Julian; ang mga kabaong. Sabi ni Schizo Lenny dapat daw isali ko iyon sa auction event. Nag uumapaw na HINDI ang tugon ko dahil para sa akin isa iyong priceless coffin. 

Pa minsan minsan on-the-job-training ako sa funeral. Una kong natutunan ang restoration sa mga patay o pag ayos sa mukha nila upang maging katanggap tanggap sa viewing.  Hindi biro ang magtrabaho doon kasi hindi biro mag assist mga namatayan. Habang kinakausap mo sila ay may luhang umaagos sa mga mata nila dahil sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay. Dapat marunong ka ding makisimpatya. Ang masasabi ang pagiging death care professional ay isang marangal na trabaho lalo na ang pagiging isang embalsamador dahil tapang at dedikasyon ang puhunan mo dito. Bawal ang duwag sa linya ng trabahong ito.     

Isang araw kinausap ako ni lolo Alfonso

“ Ga-graduate ka na pala Henry. Ano ba ang kursong kukunin mo?”

“ BS. Management po” Ito ang napili ko dahil gusto ko pamalakaran ng maayos ang ipinamang negosyo sa akin ni lolo Julian.

Nang huling magkausap kami ni Ella tinatong ko kung ano gusto niyang kunin na kurso, sagot niya sa akin Nurse.

Gusto ko si Ella ang maging asawa ko at ina ng magiging anak ko balang araw. 

     

It Started with a Wrong KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon