Give way to Carlo
Shabu pa Henry at Ella!
Ako si Carlo, isa akong leader of the band ng Kidz No Rules. Nag papasalamat nga pala ako kila Ella at Henry sa pagbibigay sa akin ng munting space sa istoryang ito upang ilahad ang mga napapansin ko sa kanilang dalawa. Para silang aso’t pusa pero minsan magkasundo naman silang dalawa, sa katunayan magkasabay pa nga silang umuwi at si Henry pa ang nag bibitbit ng mga libro ni Ella. Bukod sa may itsura gentleman pa si Henry kaya pumayag na rin ako ligawan ang utol kong si Denise,pero hindi pa niya sinasagot ito.
Ganito ang nangyari ng gumimik kaming walo. Nasa harapan ng table namin sila Henry, Ella, Denise at Henry, kami ay nasa likod lang umiinum. Ayaw naming sumayaw nila Paolo, Martin at Archie dahil para sa akin ang pag sasayaw ay overraaaaaaaacting. Nakita ko rin na isinayaw ni Henry si utol, ang boung akala ko sila na pero hindi pa pala.
Pagkalipas ng ilang oras nalasing na sila Henry at Ella.
Pagpunta ko sa bar station, muntikan kong mabitiwan ang dala kung ice re-filler dahil nakita ko sila Ella at Henry sa tagong pasilyo malapit sa restroom, naghahalikan sila. Gulp!!! Lasing ba ako? Hinayaan ko nalang sila at bumalik ako sa table namin, pero napansin ko, ubos nanaman ang pulutan namin.
“ O nasaan yung pulutan, lumipad na ba? Tanong ko sa grupo.
“ Nasa tiyan na ni Archie, wag ka ng magtaka ” sabi ni Martin, hinayaan ko nalang ulit. Umorder pa ako ng pulutan sa waiter, pero ang tagal e-serve, napilitan akong e-follow up iyon sa counter, pag punta ko sa counter, nakita ko si Denise kasama si Jona, magkahalikan sila lips-to-lips! Gulp! This time hindi ko ito pwedeng hayaan, pinuntaha ko sila, kasi nag init ang ulo ko napamura ako!
“ Denise, #@a*** ka! Anong ibig sabihin nito?!” sigaw ko kay Denise. Nagulat din si Jona.
“ Kuya!”
“ Paki explain mo, ano ang ibig sabihin ng ginagawa niyo?”
“ K-Kuya si Jona, girlfriend ko siya…” pagtatapat ni utol
“ Anong girlfriend, hindi ko kayo maintindihan”
“ Lesbian ako kuya” nagpantig ang tenga ko sa ipinagtapat ni utol.
“ Bakit hindi mo sinabi sa akin, Denise! Alam na ba ito nila Mommy at Daddy?”
“ Kuya ipagtatapat ko naman kay Mommy at Daddy, humahanap lang ako ng tiempo!” sabi ni Denise
“ Kelangan malaman ito nila Mommy at Daddy. Napaka sinungaling mo, Denise!”
“ Kuya….!” Umiyak si Denise
Hindi ako maintindihan ang gabing iyon, ang daming hindi maipaliwanag na bagay ang nangyari sa nasaksihan ko , una; magpinsan na naghahalikan, pangalawa; ang kapatid kong babae na nakikipaghalikan sa kapwa babae at pangatlo; isang matakaw na ka-banda namin na kayang umubus ng pulutan na hindi umiinum ng beer! Oh Jesus! Ganito na ba ang mundo ngayon?
Nag usap kami ni Denise tungkol sa sekswalidad nito, nangako na magbabago siya upang hindi ko siya isumbong kay mommy at daddy. Sana kaya niyang panindigan ito!
BINABASA MO ANG
It Started with a Wrong Kiss
AdventureHenry is out of my league, never ever akong magkakagusto sa katulad niya. Niyaya ako ni Henry sa isang pustahan na unahan kaming makahanap ng true love, pero nabago iyon ng makilala namin ang matandang embalsamador na si Tata Julian, itinuring niya...