Chapter 11
WALANG-PANSINAN-NG-SAMPUNG-TAON ang gusto ni Ella ewan ko lang kung makatagal siya dahil una sa lahat pag hindi niya ako pinansin ng sampung taon wala siyang kasama pumunta sa bahay ni tandang Julian sa birthday nito.
Nakita ko siya pasilyo ng school naglalakad.
“ Pssst…” sinitsitan ko siya pero hindi niya ako nililingon.
“ Pssssssssst” sinitsitan ko siya ulit pero deadma lang siya.
“ Ellaaaa” tawag ko sa kanya, sa wakas lumingon siya
“ Ikaw ba iyong sumisitsit sa akin?” sita niya
“ Oo ako nga. Bakit hindi mo ako pinapansin?” amin ko
“ Hindi ako aso para sitsitan mo, wala ka talagang etiquette” sabi niya
“ Sorry naman, hindi na mauulit” sabi ko
“ May regalo ka na ba kay Tatay Julian sa Linggo?”
“ Wala pa, kakantahan ko nalang siya ng Happy Birthday” sabi ko
Dumating ang araw ng Linggo, nag commute kami papunta sa bahay ni Tatay Julian. Sigurado ako marami siyang bisita, nandoon siguro ang kanyang mga kaanak. Ngiiii, nahihiya ako. Bahala na.
Dahil alam kong birthday ni Tatay Julian hindi ako nag tanghalian sa bahay dahil kaning lamig at ulam pa kagabi ang ibibigay sa akin ni Schizo Lenny.
Nakarating kami sa bahay ni Tatay Julian. Taliwas sa pag aakala ko na maraming bisita ito at may malakas na music, subalit nakakabinginng katahimikan ang natadnan namin ng nasa gate palang kami. Pumasok na kami sa loob ng gate
“ Ella, sigurado ka ba na birthday itong pupuntahan natin hindi lamay?” pag aalangan ko.
“ Hindi naman mag iimbita si Tatay Julian kung walang okasyon, tara katok tayo” sabi ni Ella na walang pag aalinlangan.
“ Tao po, Tatay Julian. Nandito na po kami” si Ella
Binuksan ka agad ni tatay Julian ang pintuan. Ngayo’y naka sout siya ng bulaklaking polo na parang sout lagi ni Mayor Kim Atienza.
“ Tuloy kayo!”
“ Ah tatay Julian, nasaan po ang mga bisita niyo, asawa niyo at mga apo?” tanong ko
“ Wala ang asawa ko dito nasa America siya at yung apo ko matagal ko ng hindi nakikita medyo kasing edad mo na rin siya?”
“ Huh, iniwanan po kayo ng asawa nyo? tanong ko
“ Henry shhhhh.. ano ka ba!” saway ni Butterfly Ella
“ Kumain muna kayo, tara sa doon sa lamesa” niyaya niya kami sa dining room at mas maluwag ito kaysa sa kuwarto ko. Antique din ang lamesa at upuan doon sa dingding ay may nakasabit na mamahaling Last Super.
“ Upo muna kayo at ihahain ko lang ang ibang handa ko” paunlak niya. Ang daming handa ni tatay Julian ang pinaka asam asam kong calderetang baka, spaghetti,dinuguang isaw, bopis at pork steak. May pang himagas na chocolate ice cream, cheesecake at vanilla cake. Ahhh parang paraiso ng pagkain. Naisip ko kung nandito lang si Archie pihadong ubos ang mga nakahain sa lamesa. Wish ko, sana ganito lagi sa bahay pero imposible iyon.
Unang kinain ni Ella ang spaghetti.
“ Mas masarap pa po sa spaghetti ng Jollibee itong spagehetti niyo tatay Julian” sabi ni Ella habang nilalantakan ang spaghetti. Una kong nilantakan ang dalawang putahe ang bopis at dinuguan na nilagyan ko ng kanin.
“ Hmmm mas masarap itong dinuguang isaw at bopis niyo” sabi ko dahil talaga namang masarap ang mga handa ni tatay Julian, pumuputok putok ito sa panlasa ko.
“ Tatay Julian, kayo po ba ang nagluto ng mga ito?” tanong ni Ella
“ Lahat ng nakahain ay ako ang nagluto except yung mga panghimagas dahil hindi ako marunong mag bake ng cake.” Sabi ni tatay Julian habang pinapanood niya kami kumain.
“ Hulaan ko po ang trabaho niyo, isa po kayong kusinero!” hula ko
Umiling si tatay Julian. “ Nagkakamali ka Henry, hindi ako isang kusinero”
“ Talaga po, eh ano pong hanap buhay niyo?”
“ Isa akong EMBALSAMADOR” tugon niya
Embalsamador!
Dinuguang isaw
Bopis
Yewwwwww!!!
Agad kaming natigilan ni Ella kumain
“ Embalsamador po kayo?” tanong ko, hindi ko napansin na may bahid ng sabaw ng dinuguan ang baba ko sa katakawan ko.
“ Pero wag kayong mag alala, alam ko ang nasa isip niyo, hiwalay ang pagluluto ko sa trabaho ko” sabi ni tatay Julian
Agad namin tinapos ang main course ni tatay Julian at isinunod namin ang mga cake. Pagkatapos namin kumain pumunta kami sa living room upang magpahinga sa gluttony marathon namin ni Ella.
“ Ella umalis na tayo dito, baka ilagay niya tayo sa kabaong!” bulong ko sa kay Ella.
“ Shut up, Alam mo, mas weird ka pa sa kanya!” sabi ni Ella, alam ko kinakabahan na rin siya
Binalikan kami ni tatay Julian sa sala at may dala itong bread knife. Kinabahan ako!
“ Diyan muna kayo sa sala mga anak dahil may hihiwain lang ako, para hindi kayo mainip paki switch niyo yung T.V diyan, babalikan ko kayo pagkatapos ko dito” sabi ni tatay Julian
Napapansin ko si Ella na nanginginig na ang kamay sa kaba.
“Tara na Ella, bilis!” Hindi ako nakatiis at hinila ko si Ella papalabas sa bahay ni tatay Julian at agad na kumahol ang mga nakakulong na aso.
Pagkalabas namin sa gate ni Ella, agad niya akong hinampas ng kanyang bag.
“ Nakakainis ka talaga! Napaka duwag mo” hinihingal nanaman siya
“ Nililigtas lang kita baka ikaw ang susunod niyang iluto o ibaon niya tayong buhay sa lupa” sabi ko
“ Well thank you sa pagligtas mo sa akin, hoy para sabihin ko sa iyo mas nakakatakot ka pa nga dahil ikaw ang dala mo ay balisong samantalang siya ay bread knife lang! Break knife lang takot ka na!” sabi niya sa akin habang naglalakad kami papalabas ng Greenmeadows
“ Hindi man lang siya natin nabati ng Happy Birthday!” sabi niya ulit.
“ Batiin nalang natin sa text” sabi ko
“ Sa text??? Sira ka ba? Pagkatapos nating mag hit-and-run sa birthday niya ganun ang gagawin natin? Babalik tayo doon sa ibang araw para mag sorry” sabi niya
“ Ayaw! Kung gusto mo mag isa ka nalang” sabi ko
“ Hindi pwede, dapat kasama kita dahil dawit ka dito. Dapat marunong kang magpakumbaba sa nakakatanda sa iyo dahil yan ang itinuturo sa Values subject natin. Naitindihan mo…..”
Tuloy tuloy ang pag bubunganga at pangangaral niya sa akin, nanatili nalang akong tahimik dahil alam ko wala akong panalo sa kanya sa pag de-debate. Sa isang sentence na sinabi ko, unlimited ang reply niya.
Sumagi tuloy sa isip ko na baka nag reincarnate ang lola Carmencita ko sa katauhan ni Ella dahil noong nabubuhay pa ito, ganito siya mangaral sa akin.
Sa susunod na chapter, alam ko bubuhos nanaman ang mga flowerly words ni butterfly Ella sa akin
BINABASA MO ANG
It Started with a Wrong Kiss
AdventureHenry is out of my league, never ever akong magkakagusto sa katulad niya. Niyaya ako ni Henry sa isang pustahan na unahan kaming makahanap ng true love, pero nabago iyon ng makilala namin ang matandang embalsamador na si Tata Julian, itinuring niya...