Chapter 16 - Forget the Kiss & Go Out With Me

824 45 1
                                    

Patay ako

Patay talaga ako!

Humiliated by myself!

Lingo ng umaga, nagising ako na masakit ang ulo ko. Ang lakas kasi ng epekto ng alcohol sa utak ko. Biglang kumatok si nanay sa kuarto ko.

“ Anak nandito si Mylene”

“ Nay, papasukin niyo nalang po dito sa kwarto ko”

Pumasok si Mylene sa kuwarto ko at mukhang excited.

“ Cuz, kamusta ang group date ninyo kagabi, kayo na ba ni Tristan?” 

“ Excited ka naman. Wala pa nga eh. Nasa friendzone palang kami”

“ Hmmmp may friendzone ka pang nalalaman. Ikaw ang bet  ko sa pustahan niyo ni pinsan Henry”

Pagkarinig ko sa pangalan ni Henry parang gusto kong dumuwal

“ May tatanong ako sa iyo, cuz”

“ Go head”

“ Na kiss ka na ba ni Tristan?”

“ Loko loka, hindi pa nu”

“ Hina naman”

Naaalala ko ang halik ni Henry na nasa labi ko pa, sana si Tristan nalang iyon pero.. nahihiya ako aminin sa sarili ko na nagustuhan ang halik ni Henry, pero yuck naman Henry is Henry at kahit kelan hindi na magiging si Tristan ang unang halik ko. Ano gagawin ko, help!     

----***----

Isang himala dahil present si Henry sa subject naming history. Hindi ko siya pinapansin ng araw na iyon pero nakikita ko siyang tumitingin sa akin. Nasa unang row kasi ako samantalang si Henry ay nasa huling row. May mata ata ako likod! Just kidding!

Break time. Pumasok sa isip ko si tandang Julian, kaylangan naming dalawin siya upang magpasalamat. Lumapit ako kay Henry upang e-remind sa kanya ang usapan namin sa pagdalaw kay tatay Julian.

“ Hoyy….!” Tawag ko kay Henry

“ Maka hoy ka naman…” sabi niya , para siyang nakakita ng multo ng makita ako

“ Magkalinawan nga tayo. Una sa lahat Henriquetto, hindi ko ginusto ang nangyari sa atin noong Sabado, at kalimutan na natin iyon! Pangalawa pupunta tayo mamaya sa bahay ni Tatay Julian ” sabi ko

“ Malinaw sa akin ang lahat Ella, pero ang pagpunta natin sa bahay ni Tatay Julian ay malabo”

 “ Anong Malabo, wag mo sabihin nababahag nanaman ang buntot mo?”

“ Noong nakaraang gabi nakita ko siya umaaligid sa bahay namin”

“ Nag ha-hallucinate ka nanaman ba?”

“ Ella, Hindi” 

“ Sige maniniwala na ako sa iyo at pupunta tayo doon mamayang uwian”

“ Ngayon na lang kaya, kasi baka gabihin tayo, ayaw kong abutan ng gabi sa bahay niya. Na wi-wierdohan ako sa kanya eh”

“ Ngayon??? “

“ Oo, mag cu-cutting class tayo”

“ Bad influence ka talaga!”

 Pumayag ako na mag cutting class kami, para matapos na ang problema namin.  Ayaw ko mababasa sa board kinabukasan na : CLASS PRESIDENT, NAG CUTTING-CLASS. Hayyy bahala na.

On the way na kami papalabas ng gate ng school, bitbit ko ang bag ko at mga books. 

“ Dala mo nanaman yang boung bahay mo, akina nga yang mga libro mo, ako na ang magbibitbit” sabi ni Henry at kinuha niya ang libro kong dala , pinansin niya kasi ang bulky bag ko na may laman na kung ano-ano. 

Papunta na kami sa bahay ni tatay Julian  kasama ko si Henry.

It Started with a Wrong KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon