Chapter 6 - Excuse me, You're Stepping On My Eye Glass!

1K 52 0
                                    

Chapter 6

Hey! Ano ba problema mo sa eye glass ko? Eh di mag eye glass ka din…

Okay fine….calm down Ella.

This time magiging mabait ako kay Henry dahil naging maganda ang grade ko sa drama class namin na kina-iiritahan ni Henry, ano daw kinalaman nito buhay niya? Simple lang naman dahil dito na de-develop ang pakikipagtalastasan natin and how to express your feelings deep inside. Isang bagay kaya nag excel ako sa drama class namin, kung gusto mo ang ginagawa mo hindi mo ka-iiritahan ito. Am I sounds like your teacher? Sorry

 Nabangit sa inyo ni Henry si Denise na kapatid ni Marky. Gusto niya itong ligawan dahil sabi niya humanda ka may target na ako. Goshhhh! Walang kaalam alam si Henry sa kanya. I know Denise better than him. Lumaki si Denise na puro lalaki ang kasama niya, lima silang magkakapatid, apat silang lalaki at nag iisa lang siyang babae, ang ina ay nasa abroad. Noong four years old pa siya lagi siyang pinapadalhan ng mama niya ng mga dolls pero laking gulat ng papa niya dahil pinagtatangal niya ang ulo at kamay ng mga dolls at nagustuhan niya ang G.I Joe  ng mga kapatid niya. Lumaki si Denise na pusong lalaki pero babae kung kumilos. Sayang ang ganda niya dahil:

DENISE IS CONFIRMED LESBIAN!

One point ito para manalo ako sa pustahan namin ni Henry, hindi ko muna sasabihin ang tungkol kay Denise. Nalaman ko ito kay Jona ang girlfriend ni Denise. Sabi ni Jona first love niya si Denise at hindi pa siya nakaka experience ng halik ng isang tunay lalake.

Kung may goal si Henry, may goal din ako 

Goal 1 : Hanapin si Mr. Right

Goal 2 : Make sure na maka attend si Tatay Julia sa aming school music org event     upang magpasalamat sa kanya ( teka! Trabaho ito ni Henry)

Pagkatapos ng clase, nagmamadali ako umuwi dahil may usapan kami ni Mylene na manunuod kami ng sine. Habang naglalakad ako sa kalye malapit sa school, biglang tumawag si Mylene, kinuha ko ang phone ko sa bag, hindi ko napansin na may paparating na sasakyan

SCREEEEETHHHHH!

Diyos ko, buhay pa pala ako dahil wala si San Pedro sa paningin ko

Muntikan na akong masagasahan ni Tristan ang schoolmate ko, Section 2 siya. Lumapit ako sa sasakyan niya at kinalabog ko iyon

“ Papatayin mo ba ako ha!?” sigaw ko  

Bumaba si Tristan, ang lalaking muntikan ng maka disgrasya sa akin.

“ Sorry miss ha, bakit naman kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?”

“ Hello, may mata ka naman, bakit hindi ka tumitingin na may tatawid na magandang dalaga”

“ Ahemm” tumingin ako sa kanya at ngumiti siya

“ Ikaw yung nasa section 1.. Ikaw si….?”

“ Michaela Formosa, class president ng Section 1”

“ Sorry talaga ha”

“ Sa susunod ha!” dumuro ako sa kanya  " Pasalamat ka crush kita, kurimao ka" sabi ko sa sarili ko

Siguro lagi niyong nababasa sa ibang storya ang ganito rin eksena tulad ni Tristan na ultimate crush ng Ampere Hills High School, hindi ba’t Cliché pero sa totoong buhay  nangyayari ito. Kaya maraming ilusyunada ngayon sa pag-ibig , joke lang! Lahat tayo ay may crush. Alam mo yung feeling na pagnaka tingin sa iyo ung crush mo, feeling mo may gusto rin siya sa iyo? Hindi ba’t ang saya ng feeling, parang gusto mong tumambling?  First crush ko si Tristan sa school pero hangang tingin nalang ako sa kanya, kaya nga love live ko ngayon Zero!

-----***-----

Pagkatapos namin manood ni Mylene ng movie nag patulong ako sa kanya kung paano may ka-crush sa iyo ang crush mo

“ Alam mo cuz dapat umpisahan mo sa sarili mo, I mean physically maging attractive ka sa paningin ng mga boys then followed by self confidence, easy di ba” payo ni Mylene

“ Paano?”

“ Grooming lang yan” sabi ni Mylene

Tinangal ni Mylene ang salamin ko sa mata, inilugay niya buhok ko at pinalantsa ng hair iron. Nilagyan niya ako ng kaunting make up at pinagbihis niya ako ng dress, tinuruan ng tamang paglakad. 

Pagtingin ko sa salamin halos hindi ko nakilala ang sarili ko, ako ba ito??? Nakalimutan ko kasi na dalaga na pala ako at kaylangan ko mag ayos para sa sarili ko. Gawain ko kasi pagkatapos maligo, patuyo ng buhok tapos itatali ko na ang buhok ko.  

“ Oh see cuz? Killer looks!” sabi ni Mylene

“ Salamat talaga”

“ Dapat gawin mo yan araw araw” sabi ni Mylene sa akin

 Pag uwi ko sa bahay nagulat si tatay sa ayos ko

“ Susmayosep Sta. Maria, Bulacan, Nueva Ecija!!! Ella ano nangyari sa iyo” sambit ni Tatay

“ Tay nag make over lang po ako, ang ganda ko po, di ba?”

“ Anong maganda, eh mukha kang payaso sa peryahan”

Buti nalang nandiyan si Nanay

“ Ano ka ba! Hindi lola ang anak natin, dalaga na yan kaya’t natural lang na ayusin niya ang sarili niya nu!” sabi ni nanay kay tatay

“ Bahala ka kayong mag-ina” at umalis si tatay

“ Buti nalang anak, naisipan mong mag ayos. Ang ganda mo pala pag nag-ayos ka, bukas bibilhan kita ng mga make up ha, anong brand ang gusto mo Ever Belina, Max Factor or Maybeline ? 

“ Nay naman eh”

Ganyan ka kunsentidor ang nanay ko sa grooming ko. 

Pumasok ako sa school na naka ayos, nakalugay ang buhok ko at naka make up tulad ng iba kong classmate. Ang iba ay nanibago, ang iba naman ay napa hanga

“ Wow, may bago ba tayong classmate?” sabi ng ilan

Sa loob ko na appreciate ko ang paghanga nila sa bagong anyo ko, syempre anyong tao na ako ngayon!

----***----

Sinalubong ako ni Henry sa canteen at hinila niya ako sa labas

“ Ella nasaniban ka ba ng ispiritu ni Marilyn Monroe?” tanong ni Henry

Hinampas ko siya ng notebook “ Sira, ako nga. Hindi mo lang matangap na gumaganda ko!”

“ Kaya kita hinila dito sa labas dahil gusto kita makausap, nagtext sa akin yung matanda, pupunta daw siya sa event bukas!”

“ Wala ka talagang galang, tawagin mo siya sa pangalan niya!” saway ko sa kanya

“ Okay si Tatay Julian. Sure daw na makakapunta siya bukas. Tinext mo ba siya?” tanong ni Henry

“ Oo dahil tenext ko siya. Binigay ko ang mobile number natin dalawa at  inimbitahan ko siya para mag pasalamat na dapat ikaw ang gumagawa at ng banda mo!”

“ Sabi ko nga” kumamot siya ng ulo at iniwanan ako

Ambot sa kabayong may LoomBands kung bakit natatakot si Henry kay Tatay Julian!  Mabait naman ito sa amin

    

      

It Started with a Wrong KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon