Chapter 7
Hindi ko alam kung anong masamang ispiritu ang sumapi kay Ella ng araw na iyon dahil ang lola noon ngayo’y hot chick na, pero aaminin ko, maganda na si Ella sa paningin ko ngayon, pero wala sa vocabularyo ko ang magka gusto sa kanya.
Nagpatawag ang lead singer namin si Carlo ng meeting sa bahay niya dahil hangang ngayon ay wala pang pangalan ang banda namin. Anong petsa na!!!
Roll-call attendance :
Carlo – Lead singer (present)
Paolo – Guitarist ( present )
Martin – Guitarist ( present )
Archie – Pianist ( Newly recruit ) ( wala pa )
Ako – Drummer / Singer ( present po)
“ Ganito pare, kaylangan mag-isip tayo ng pangalan ng banda natin, dapat yung astig ha” sabi ni Carlo
“ Alam ko na, The Five Idiots?” sabi ni Martin
“Idiots?” napatingin kaming lahat sa tinuran ni Martin.
“ Kung may idiot dito pare, ikaw lang yun ha!ha!ha! Mag-isip pa tayo ng iba” sabi ko.
“ Nasaan ba si Archie?” tanong ni Carlo
“ Wala pa nga eh, baka parating na rin” sabi ni Paolo
Narinig ko ang motor ni Archie, at madali naming siya nakita dahil kasing laki ito ng sumo wrestler. Medyo may pagka obese kasi si Archie sa tuwing nakikita ko siya lagi itong kumakain, palagay ko kaya niyang ubusin ang isang kilong kanin. Kaya namin siya kinuhang pianist dahil ito ang forte niya bata pa lang siya ito na ang kinahiligan niya, at sabihin natin napabayaan siya sa kusina. Hindi katulad ko dahil noong bata pa lang ako kung ano ang nakahain sa mesa yun lang kakainin ko at pagkatapos kakanta na ako sa harap ng electric fan habang umaandar ito dahil wala ako masyadong laruan noon, yun ang napag tripan ko. Napagtripan ko din ang aming refrigerator , bukas-sara-bukas-sara ang ginagawa ko dahil para sa paningin ng isang apat na taong gulang bata ay para itong isang magandang luruan: patay sinding ilaw kapag sinasara o binubuksan.
“ Sorry guys, na-late ako, simulan na natin ang meeting” sabi ni Archie at ibinaba niya ang kanyang knapsack na hutok sa dami ng laman. Siguro may laman iyong rice cooker na may kanin.
“ Kanina pa kami nag uumpisa, Archie. Topic namin kung ano ang astig na magiging pangalan ng banda natin” sabi ni Carlo
“ May naisip ako eh kung “ The Bacon Kids” kaya?” sabi ni Archie. Binuksan niya ang kanyang knapsack at kinuha ang chips na baon niya at binuksan ito at di sinasadya pagkabukas niya sa plastic ng chips sumabog ito sa floor nila Carlo. Nagkalat ang mga chips!
“ Kita mo, nagkalat ka pa sa bahay namin, Archie! Puro kasi pagkain ang nasa isip mo” sabi ni Carlo
“ Sorry pare, wawalisan ko nalang, asan ba ang walis mo?” tumayo si Archie upang hanapin ang walis . Pagkatayo ni Archie nakita ko ang sign sa likod ng damit ni Archie ang “ TEAM CRICKET, NO RULES”
“ May idea na ako mga parekoy!” sabi ko
“ Baka kabaduyan nanaman yan, ha”
“ Astig ito! Mula ngayon tatawagin na tayong “KIDZ NO RULES” !”
“ KIDZ NO RULES” astig nga mabuhay ka, Hen” sabi ng mga ka grupo ko
Kaya ako masaya sa bahay nila Carlo kasi nandoon si Denise, nasa kabilang living room sila kasama si Jona, classmate din namim. Lagi silang close, ang sweet ng pagkakaibigan nila, minsan magka holding hands sila, kulang nalang maghalikan sila. Mga babae talaga! Pero alam ko mapapasagot ko si Denise dahil alam ko may crush din siya sa akin. Mag kaiba kami ng School ni Denise sa isang Exclusive School kasi ito nag aaral, kaya gagawan ko ng paraan para mapa saakin ang matamis niyang “Oo”
-----***-----
Dumating ang araw ng School Music Org. Event namin, ayos na ang lahat at nakapag rehearse na kami ng grupo. Nakita ko si Ella maaga siyang dumating sa school upang tumulong lagyan ng decorate ang stage para sa event. Hindi pa kami nag uumpisa maaga dumating si Tatay Julian, naka sout ito ng white long sleeve polo at hangang balakang tuck-in nito, siya ang pinaka maagang audience ang dumating. Hindi siya masyadong excited ha! Agad siyang nilapitan ni Ella upang kamustahin, ayaw ko siya lapitan dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Nakita ko na may inabot na supot ng burger kay Ella.
Nagsimula na ang event, pangatlo pa kami na mag pe-perform. Habang hinihintay ko tawagin kami sa stage agad hinanap ng mata ko si Denise at nandoon siya sa harapan, anong tuwa ko! Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Ella at napansin ko may kausap itong lalaki si Tristan ang basketball player representative ng section 2. Ano kaya ang business ng dalawang ito sa buhay? Ano naman ang pakialam ko sa kanilang dalawa.
Tinawag na kami sa stage upang mag perform, kinanta nanamin ang sarili kong composisyon na ang title ay “ Kapiraso” rock song ito tungkol sa isang anak na naghahanap ng pagmamahal at gabay ng isang magulang.
Umani ito ng masigabong palakpakan
CLAP! CLAP !CLAP!
Lumapit si Tatay Julian sa stage upang pumalakpak na parang katapusan na ng mundo sa kanya.
Pagkatapos ng number namin nilapitan kami agad ng aming terror na principal na si Ms. Alarcon, na kung manamit ay parang suman na ibos dahil napaka fit ng damit nito sa kanya. Nag alala ako baka mapunit ito… scraaaaaaatchhhh!
“ Congratulations sa inyong banda Henry, hindi ko akalaing ang mga notorious na estudyante na katulad niyo ay mapapabago ng musica” bati ni Ms. Alarcon. Alam ko sa loob niya gusto niya akong pingutin, nakikita ko sa mata niyang malalaki na may contact lens na kulay asul katulad mata ng pusa naming sa bahay.
“ Salamat po ang nagustuhan niyo ang number namin, Ma’am” sabi ni Carlo
“ Sige at dahil maganda ang performance niyo, may hinandang salo-salo ang school para sa mga member ng School Music Org.” itinuro sa amin ni Ms. Alarcon kung nasaan ang mga nakahain na espesyal na pagkain. Nanguna agad si Archie, ang hari ng katakawan! Bago kami pumunta sa kainan humahangos si Ella sa backstage, na akala mo inaatake ng asthma. Ewan ko ba kung saan siya nag su-suot dahil napansin ko basa ang blouse niya
“ Henryyyy…” si Ella hinihingal
“ O, okay ka lang?” sabi ko
“ Pinapaabot ito ni tatay Julian” inabot ni Ella ang isang supot, naglalaman iyon ng Burger galing sa isang sikat na foodchain.
“ Kinain ko na yung isa, kainin mo daw yan. Hindi ka na niya inantay dahil alam niya busy ka” sabi ni Ella. Kinuha ko ang burger at inilagay ko sa bag ko
“ Salamat” at tinalikuran ko si Ella upang sumunod sa grupo ko papuntang pantry kung saan naghihintay ang mga masasarap na pagkain.
Sobrang solve ang grupo sa hinanda ni Ms. Alarcon na eat-all-you-can gallore. Sa sobrang katakawan, na empatso si Archie kaya pabalik balik ito sa palikuran.
Naisipan kong gumawa ng hakbang upang ligawan na si Denise una kakaibiganin ko muna siya. Kinuha ko ang number sa kuya niya upang itext
Me : Hello, Denise. I’m Henry, I’m sure kilala mu n aqu. Gus2 sna kta mging kaibigan, kung O.K sau?
Sumagot siya at kinabahan ako dahil dalawa lang ang magiging sagot niya Oo or hindi
Denise : Hi, Henry. Yes, I know you, my brother told me about you. Sure, friend lang pala eh. No problem.
Me : Pwede ba tayo magkita bukas
Denise : Wala naman ako masyado gagawin bukas. Pwede. Saan?
Yes, ito na! Ella humanda ka, ihanda muna ang 1,000.00 pesos mo!
Pag uwi ko sa bahay busog na busog ako dami ng nakain ko. Nakalimutan ko ang burger na ibinigay ni Tatay Julian, inilabas ko sa bag ko iyon at nilanggam, PESTE! napilitan ako ipakain iyon sa pusa.
Sorry! Tatay Julian
BINABASA MO ANG
It Started with a Wrong Kiss
PertualanganHenry is out of my league, never ever akong magkakagusto sa katulad niya. Niyaya ako ni Henry sa isang pustahan na unahan kaming makahanap ng true love, pero nabago iyon ng makilala namin ang matandang embalsamador na si Tata Julian, itinuring niya...