Chapter 28
Selos ba ito?
Hindi ba’t napakasakit tignan na may kahalikan ang crush mo?
Bakit nga ba apektado ako sa love live Henry? ( sad face )
Gabi ito ng JS Prom dapat mag saya ako subalit nasaan ang ka date ko? Hayun, eating marathon ang ginawa niya. Tinapakan niya pa kanina ang paa ko ng magsayaw kami, hindi tuloy ako makalakad! sa bigat ba naman ni Archie, parang pison ang bigat ng paa niya ( Sad face ulit ) Aruuuy!
May second dance round ng gabing yun, that time isinayaw ni Henry si Yen with the tune of slow music. Hindi ako makasayaw kasi masakit ang paa ko. Tiyak ko sila Henry at Yen na ang tatanghaling Prom King and Queen. Pagkatapos niyang isayaw si Yen lumapit sa akin si Henry at inabot ang kamay niya
“ Pwede ba kita maisayaw?” alok ni Henry. Lumundag ang puso ko!
“ Henry, masakit ang paa ko”
“ Ako bahala sa iyo”
Nag umpisa kaming sumayaw sa saliw ng romantic beat music, kawak niya ang kamay ko at ang kamay niya nasa balakang ko. Naamoy ko sa kanya ang kanyang signature sweet cologne. Subalit ng pag pihit ko sa dance floor ay nadapa ako. Nag tinginan tuloy ang mga tao!
Napakalakas ng halakhak ni Yen, pero hindi ko siya pinansin. Inalalayan ako ni Henry
“ Pag nadapa ka ulit, sasaluhin kita” sabi niya sa akin, sabay kindat
“ Dapat kanina mo pa ginawa” sabi ko
“ Hindi mo kasi sinabi agad na madadapa ka ”
“ May ganun?”
Pero ipinagpatuloy na namin ang pagasasayaw. Sa pag aalala niya na madapa ulit ako binuhat niya ako habang nag sasayaw
“ Henry bitiwan mo ako” pero hindi niya ako binitiwan at tuloy tuloy lang siya sa pagsasayaw. Imbis na pagtawanan kami, pinalakpakan pa kami ng ilan naming classmate
Dumating na ang oras para malaman na kung sino ang magiging Prom Queen and King.
“Good evening to everyone, ready na ba kayo malaman kung sino ang magiging Prom Queen and King?” sabi ng Emcee
“ YEssss”
“ Okay! I have the envelope now and this is the final result. Uunahin ko ang prom king..It’s….
Drum roll…
“Henry Magpayo!”
Umakyat siya sa stage. Alam ko na talaga si Henry ang magiging Prom King dahil siya lang naman gwapo doon.. at alam ko ang magiging Prom Queen, si Yen
“ The next I will call will be the Prom Queen tonight . She is……
Drum roll…
“ Ella Formosa!”
Speechless at shock ako! Ako, Prom Queen? Nanag-inip ba ako?
“ Ms. Ella Formosa..Please come here in stage to join your Prom King” sabi ng Emcee
Pumunta si Henry sa kina uupuan ko para alalayan ako, biglang nag hiyawan ang mga classmate namin.
“ Uuuuyyyy! Cousin-sweet nila ang asukal”
Nag blush ako. Nakita ko si Yen , nag walk out at hindi ko maipinta ang mukha niya. Ano ba ang nangyari! Hindi akalaing -vo-vote nila ako as a Prom Queen
BINABASA MO ANG
It Started with a Wrong Kiss
AdventureHenry is out of my league, never ever akong magkakagusto sa katulad niya. Niyaya ako ni Henry sa isang pustahan na unahan kaming makahanap ng true love, pero nabago iyon ng makilala namin ang matandang embalsamador na si Tata Julian, itinuring niya...