Chapter 5
Aray ko! Retarded daw ako! Normal lang ako mag-isip dahil isa lamang akong hormonal teenager.
Pag-uwi ko sa bahay nagulat ako dahil naabutan ko na nag-aaway sila Mommy at Daddy.
“ Hoy, akala mo hindi ko alam ang ginagawa mo kapag nakatalikod ako!” bulyaw ni Mommy kay Daddy sabay bato kay Daddy ng vase, nabasag iyon ng pira-piraso. Anak naman ng sampong unano oh, pag-uwi ko ganito pa ang aabutan ko, wala pa nakahain na pagkain, nagrereklamo na ang sikmura ko
“ Tumigil ka Lenny ha, wala kang ibedensiya na nambabae ako” paliwanag ni Daddy
“ Anong wala, eh may nagtext sa iyo, George ang pangalan, magkikita daw kayo bukas! ” sigaw ni Mommy
“ Ano ka ba, lalake yun! Kasamahan ko sa trabaho!”
“ Walang hiya ka, nanlalake ka na ngayon!”
Ganyan lagi ang eksena sa bahay namin, minsan ang hiling ko sana ipinanganak na lang ako sa ibang magulang. Bata pa lang ako stress na ako sa pag-aaway nila Mommy at Daddy ko. Hindi ko na nga sila kilala eh! Dahil doon binansagan ko ang Mommy ko na Schizo Lenny dahil madalas hindi alam ni Mommy kung ano ang totoo at kung ano ang hindi. Sa palagay ko hindi bible study muna kaylangan ni Mommy kundi Phyciatrist, dahil minsan nung nag bible study siya kasing bait niya si Mother Theresa, pagkalipas ng ilang oras ay bumabalik siya sa pag ka schizophrenic niya.
Si Daddy binansagan kong womanizer dahil may itsura ata siya, hindi ako magtataka kung may kapatid ako sa labas. Sa kabilang banda, nasanay na ako sa kanila.
Patuloy ang pag-aaway nila, sigawan, batuhan ng kung ano ano, para silang aso’t pusa, pero parang musika nalang sa akin yun dahil immune na ang tenga ko sa ganung eksena.
Binuksan ko refrigerator upang maghanap ng ma-chichibog, nakita ko ang cold cuts at kinuha iyon. Sa wakas!... Nang biglang
“ Hoy bata ka, wag mong kainin yan. Sa akin yan!” saway ni Schizo Lenny
“ Mommy gutom na ako”
“ May malamig na omellete diyan sa ref, yun ang kainin mo, Hugasan mo yan pinagkainan mo ha!”
Wala ako magawa kung hindi kainin ang malamig na omellete dahil sa gutom ko, pagkatapos ko kumain, kumaha ako drinks sa ref, kinuha ko ang lemon beer na galing sa America.. Ang sarap siguro nito.. Nang biglang
“ Opppsss, balik mo sa ref yan, Henry. Sa akin yan” saway ni Womanizer Daddy
“ Pero daddy uhaw na ako” sabi ko
“ Bakit wala bang tubig diyan?”
Eh di no choice ulit kung hindi uminom na lang ng tubig na walang kulay. Haaaaay! kawawa naman ako.
-----****-----
Sa pamamagitan ng 10,000.00 na na-solicit namin ng pinsan pinsanan kong si Butterfly Ella nabili na ng grupo ang ina-asam asam naming Rolan V-Drum. Nagkakahalaga ito ng 26,000.00. Maganda ang bagsak ng beat ng nabili naming drum lalo akong ginanahan tumugtog. Yeheyyyy!!! Agad kaming nag practice para sa nalalapit naming school music org event.
Habang nag pa-practice ang grupo napansin ko ang isang babaeng naka upo at na-nunuod sa amin. Pumukaw sa akin ang kagandahan niya, mahaba ang maitim ang buhok niya, sexy at chinita din katulad ko, sa ngayon mas maingay ang tibok ng puso ko kaysa sa beat ng drum ng pinapatugtug ko.
“ Hoy pare wala ka sa rhythm ang bagal mo” pansin ng guitarist naming si Carlo
“ Pare sino yung babae doon na naka upo?” hininto ko muna flam ng drum para magtanong kay Carlo
“ Ah si Denise kapatid ko, bakit, type mo nu?”
“ Tinatanong lang naman eh, kung type ko siya hindi ka ba magagalit?” tanong ko
“ Type lang naman eh, hindi mo naman liligawan di ba?
Medyo kinabahan ako kay Carlo baka jumbagin niya ako pag sinabi kong gusto kong ligawan ang utol niya, pero disidido ako na magkalapit kami ni Denise. Isa itong step para mapasagot ko siya. Kamusta kaya si Ella? Nakahanap na kaya siya ng lalaking magkakagusto sa kanya? Tignan na lang natin.
----****----
Umuwi ako sa bahay ng walang katao-tao ang tanging nandoon ay lang ang alang pusa ni Mommy. Nakakainis ang ganitong buhay, gusto ko may normal na magulang. Lahat naman tayo ay may kinaiinisan at ayaw sa buhay, lalo na ako
Hate list ko sa buhay;
• Magulang na addict sa sugal, hindi magkasundo at hindi nila alam na may anak pa sila
• Ang alagang pusa ni Mommy, na akala niya anak niya
• Teacher naming negosyante sa history kulang nalang pati atay niya ebenta niya.
• Librarian na palasaway sa ingay na ginagawa kong pagpapaputok ng bubble gum
• T-shirt ni Ella na may nakalagay na ‘Katabi Ko’y Mamaw’ kaya ayaw kong tumabi sa kanya pag sout niya iyon.
• Drama class
• Pagsakay sa jeep na may katabing babae na may mahabang buhok na may balakubak kasi humambas ito sa mukha ko pag tatakbo na ang jeep.
• Driver ng jeep na magpapagasolina pa kapag ma la- late ka na ako sa school
• Mga nakulong na senador ng Pilipinas na ngayo’y kasing bait ni St. Bernard, at sinasabing wala silang kasalanan
• Salamin sa mata ni Ella (pandag- dag lang para mainis siya)
Hindi ko namalayan na inumaga na pala uwi sina Mommy at Daddy, inaantay ko si Daddy dahil may sasabihin ako sa kanya at humingi na rin ng payo tungkol sa gagawin kong hakbang sa panliligaw sa kapatid ni Marky. Ayaw ko humingi ng payo kay Schizo Lenny dahil sasabihin niya buksan mo ang radio at makinig kay kay papa Jack.
“ Hindi ba’t naka ilang girlfriend ka na? Bakit kelangan mo ng payo?” tanong ni Daddy
“ Dad, ang tagal na iyon, gusto ko po payo galing sa isang playboy na katulad mo?” sabi ko kay daddy at tinignan ako ng masama. “ Joke lang, Daddy” sabay bawi ko.
“ Heto” inabot ni Daddy ang 1,500.00 bill
“ Pera po?”
“ Loko, libre mo yang target mong babae” payo ni Daddy, palibhasa dinadaan niya sa pera ang lahat
Pero syempre bago ko ligawan si Denise, liligawan ko muna ang kuya niya.
------****------
Friday ng gabi niyaya ko ang grupo sa grill bar, nilibre ko sila
“ Pare, birthday mo ba? “
“ Hindi, malayo pa birthday ko, may papakiusap sana ako sa iyo”
“ Basta ikaw? Ano yun?”
“ Hindi ka magagalit?”
“ Bakit naman ako magagalit?”
“ Pare, pwede ko bang ligawan yung utol mo, si Denise?”
Agad napigilan si Carlo
“ Good luck sa iyo kung sagutin ka nun?”
“ Ibig sabihin pumapayag ka na?”
“ Oo naman”
“ Yahooo!”
“ Hoy wag ka muna magsaya dahil hindi pa natin alam kung gusto ka nun” sabi ni Carlo
Dalawa ang goal ko buhay ngayon
Goal 1 : Maging successful ang band namin na wala pa palang pangalan
Goal 2 : Pamasagot si Denise
BINABASA MO ANG
It Started with a Wrong Kiss
AdventureHenry is out of my league, never ever akong magkakagusto sa katulad niya. Niyaya ako ni Henry sa isang pustahan na unahan kaming makahanap ng true love, pero nabago iyon ng makilala namin ang matandang embalsamador na si Tata Julian, itinuring niya...