Chapter 17 - Psychology Time with tatay Julian

864 46 1
                                    

Ako si uto uto na pumayag sa gusto ni Ella na pumunta sa bahay ni tatay Julian, isa lang ang dahilan naawa siya dito o hindi kaya na kokonsensiya dahil bigla namin iniwan ito noong birthday niya.

Nasa tapat na kami ng gate ng bahay ni tatay Julian, hindi muna kami pumasok, nagmasid masid muna kami sa harapan ng bahay niya.

Natahimik…

Wala yatang tao

Tanging kahol lang ng aso ang naririnig ko

Natagpuan ko ang sarili ko na hawak ko ang kamay ni Ella pero agad ko iyong binitiwan.

“ Tara pasok tayo” aya ni Ella

“ Sige mauna ka”

Pinauna ko siya hindi dahil sa naduduwag ako kung hindi alalayan ko siya sa bandang huli kapag nagtakbuhan na.

Bukas ang pinto 

Pumasok kami

Pagpasok namin sa bahay niya dahil bukas ang pinto, dinig na dinig ko ang yabag ng mga paa namin sa flooring tiles.

“ Tao po… tatay Julian. Yohoooo…”  si Ella

“ tay Julian, nandito po kami”

“ Wala ata siya dito” sabi ko

“ Nadito siya, nandiyan yung luma niyang sasakyan eh” 

Nang biglang lumitaw siya sa sa pintuan, puro putik ang paa nito at may dalang gulok! Agad na humawak sa braso ko si Ella

“ Hello mga bata, kamusta kayo? Sabi ni tatay Julian na nakangiti, parang naalala ko tuloy si kuya Bojie ng Batibot kung magsalita ito

“ O bakit parang takot na takot kayo? Tanong niya sabay tingin sa gulok na dala niya. “ Nag ga-garden kasi ako, gusto ninyo bang makita?”

Tumango lang si Ella at niyaya niya kami sa likod ng bahay niya. Tumambad sa amin ang mga tanim niyang orchids, iba’t ibang halaman, at isa pang butterfly house. Lumapit si Ella sa butterfly house at parang hinihigop siya papunta doon. 

“ Ang ganda po dito, tatay Julia” sabi ni Ella

“ Gusto mo pumasok?” tanong ni tatay Julian sa kanya

“ Naku wag na po, baka maistorbo po ang mga paru-paru”

“ Hindi yan, nag hihintay lang sila ng mga bisita”

Pumasok si Ella sa butterfly house at anong saya niya ng pumasok siya doon. Sa likod ng salamin niya sa mata ay nakikita ko ang ningning ng mga mata niya.

“ Pumasok tayo sa loob at ipapakita ko sa inyo ang second floor ng bahay ko” sabi ni tatay Julia. Excited ako makita iyon.

Umakyat kami sa second floor ng bahay ni tatay Julian, may mga TV sets na hindi gumagana, lumang mga muebles at nakita rin namin ang mga  magagandang collection niya ng Ivory figurine. Ilan kayang elepante ang namatay para makagawa ng ganitong magagandang figurine na gawa sa ivory? 

“ Ang mga ivory figurine na iyan ay bigay sa akin ng kaibigan ko na nasa Africa, isa siyang hunter” paliwanag niya.

“ Tatay Julian, pwede po ba mag C.R ?” sabi ni Ella

“ Bumaba ka, nasa bandang kanan ang C.R malapit sa kusina” tugon ni tatay Julian

“ Sige po salamat” sabi ni Ella at bumaba ito upang mag CR pag balik niya may dala siyang litrato.

“ Tatay Julian, sino po ba itong babae na nasa litrato?” tanong ni Ella

“ Ah, yan si Guillerma, asawa ko. Gustong gusto niya iyang damit na pangkasal na sout niya” paliwang niya

It Started with a Wrong KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon