Kabanata 2: Ex-boyfriend

247K 8.4K 2.2K
                                    

Ex-boyfriend

GALIT pa rin ang nararamdaman ko sa dibdib. Nag-iinit ang magkabilang pisngi ko at isama mo na ang mga tainga ko.

"Buiset talagang lalaki 'yon," bulong ko sa sarili ko. "Pagkatapos niya akong saktan at lokohin, tatanungin niya ako kung ayos lang ba ako? Kung hindi ka ba naman isang malaking gago 'di ba? 'Di ba!"

Napalakas na ang boses ko sa sobrang inis.

"Hoy! Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka!" Sigaw ng kapitbahay namin. "Istorbo!" Dagdag pa niya.

Binilisan ko na ang lakad ko pauwi. Baka hindi ko mamalayan, binabato na pala ako ng plato nang masungit naming kapitbahay na si Mang Cardo. Retiradong pulis pa naman 'yan, baka imbis na plato, bala ang ibato niya sa'kin.

Jusko, h'wag naman.

Sa sobrang pagmamadali ko, wala pang limang minuto ay nakarating na ako sa bahay. Kumatok ako pero parang alam ko na ang kahihinatnan ko. "Auntie?" 

Nakasampu na ata akong tawag sa kanya pero hindi niya ako binubuksan. Bukas naman 'yong ilaw sa kwarto niya sa likuran.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, nakatulog na nga siya.

Ilang beses ko na siyang tinawagan pero dedma ang lola mo. Wala na talagang pag-asa.

Hindi naman 'to ang first time na ginawa niya sa'kin 'to. Sanay na ako. Ang problema lang, wala sa bahay nila ngayon ang isa ko pang best friend na si Fashia, kaya wala akong pwedeng tulugan. Nahihiya naman ako nakitulog kala Cooper,m. Syemore lalaki pa rin 'yon at wala na silang extra kwarto. Sampu ba naman silang magkakapatid, e.

Minsan naisip ko rin ano kaya ang pakiramdam na magkaroon ng kapatid?

Nag-give up na ako.

Mag mo-motel na naman ba ako nito?

Tinignan ko 'yong pera ko, bente pesos na lang. Nasa kwarto ko 'yong alkansya ko. 'Yong bayad sa seaweeds, malaking halaga man pero hindi ko 'yon pwedeng galawin. Unang una, hindi sa'kin 'yong pera at pangalaw baka mapatay ako ng auntie ko.

Saan aabot ang bente pesos ko?

Gusto ko sanang tumambay sa convinient store malapit dito pero palagi naman akong pinapaalis ng mga crew do'n. Ang dahilan nila pang-isang oras lang daw 'yong binibili kong kape sa kanila. Weird lang kasi may time talaga kapag sa'kin, pero kapag sa ibang tao naman, wala. Bakit kaya gano'n, lagi na lang akong pinagkakaitan ng swerte.

Hindi naman ako antukin pero nang nagsabog si Lord ng swerte sa mundo, ayon, mahimbing na mahimbing ang tulog ko.

Sige na, tama na ang self-pity.

Naglakad lakad ako para makaisip kung saan ako magpapalipas ng magdamag.

Sa totoo lang naisip ko na pumunta sa grocery nila Liam pero ngayong wala na kaming dalawa, alam kong hindi na pwede, "Ano na? Saan na ako nito?" Bulong ko sa sarili ko. Ang lalim nang hininga ko. Parang pasan ko ang kalahati ng mundo. Hindi pa naman buong mundo kasi may mga masasayang moments pa naman ako sa buhay ko ngayon.

Minsan nga ay nasasanay na ako sa mga ganitong kamalasan sa buhay ko kaya lang habang tumatagal, mas nakakalungkot ang mga pangyayari.

Natigil ang self-realizations ko ng biglang tumaas ang mga balahibo ko. Nakaramdam ako na para bang may sumusunod sa akin.

Nagmadali ako sa paglalakad. Ang bilis na nang tibok ng puso ko na parang hihiwalay na ito sa katawan ko.

Lord, alam kong malas ako pero sana naman h'wag akong sundan nang masamang tao. Wala naman akong pera para ma-holdup at lalong wala akong boobs at malaking puwet para ma-rape.

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon