Kabanata 41: Mogwai

55.8K 2.6K 316
                                    



HINDI ko na pinalagpas ang pagkakataon. Kahit na takot na takot ako sa presensya ng mga mogwai ay pilit kong isinulat ang panlaban ko sa kanila. Masyadong nakatuon si Mr. Anderson sa paglagas ng mga mogwai.

At lumabas rin sa libro lahat ng hukbo ni Scion, lalabas sila kung nasaan si Scion.

Naisulat ko na rin ang dapat ko isulat. Hindi na rin niya ako napansin at isinara na niya ang libro na hindi na tinignan kung may isinulat pa ba akong iba roon. Masyado na siyang namangha sa mga halimaw na ginawa ko.

"Ito na ang sagot sa matagal ko ng plano," sambit niya. Aabot na sa buwan ang ngiti niya. "Magtatagumpay na rin ang plano kong maging nakapangyarihan." Tumawa siya at nag-echo iyon sa buong kuweba. "Magaling Serenity, may silbi ka rin pala. At dahil d'yan, bubuhayin pa rin kita. Tatawagin na lang kita kung kailangan."

Mas humigpit ang pagkakapulupot sa akin ng mga itim na ahas. Dinala ako papunta sa isang silid na gawa sa mga bato. Paglagay nila sa akin doon ay biglang sumara ang para bang pintuan na gawa rin sa bato. Nakaramdam ako ng init pero nakakahinga pa rin ako nang maayos.

Ilang oras ang lumipas ay biglang bumukas ang batong pintuan. "Xiang," bungad ni Liam. Mahina ang kanyang boses. "Ayos ka lang ba?"

Nagbukas siya ng isang lusis para magkaroon ng liwanag sa silid. Doon ko nakita ang mukha niyang punong puno ng kalungkutan.

"Patawarin mo ako kung hindi pa rin kita nagawang iligtas sa sarili kong ama," lumutang ang hawak niyang lusis pagkatapos ay lumapit siya sa akin at hinawakan niya ako nang mahigpit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Patawarin mo ako kung hindi pa rin kita nagawang iligtas sa sarili kong ama," lumutang ang hawak niyang lusis pagkatapos ay lumapit siya sa akin at hinawakan niya ako nang mahigpit. "Patawin mo ako kung nasaktan kita noon, kung umiyak ka nang dahil sa akin pero maniwala ka, ginawa ko lang lahat ng 'yon para sa'yo."

Sumikip bigla ang dibdib ko. Ramdam ko sa boses ni Liam ang pagsisisi niya at ang pagmamahal niya sa akin.

"Xiang, mahal na mahal kita. Simula noon hanggang ngayon ay ikaw lang ang naging laman ng puso ko."

Ang tagal kong hinintay na sabihin niyang mahal niya pa rin ako pero ngayon na sinasabi na niya 'to sa harapan ko ay parang wala nang epekto 'to sa'kin.

Tuluyan na siyang napalitan ni Scion sa puso ko. Pero hindi pa rin naman mababago noon na mahalaga pa rin siya sa akin.

"Zhao, salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin," panimula ko. Kusa nang tumulo ang mga luha sa mata ko. "Hindi ko akalain na gagawin mo ang lahat ng ito. Akala ko talaga niloko mo ako pero pinoprotektahan mo lang pala ako. Ikaw din 'yong lalaking naka puting maskara na palaging tumutulong sa akin."

"Lahat gagawin ko para sa'yo kaya kapag natapos na ang lahat ng 'to, liligawan ulit kita para maging tayo ulit. Papayag ka naman 'di ba, Xiang?"

Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Ni hindi nga ako makatingin nang diretso sa mga mata niya.

Hinawakan niya ang mukha ko, "Anong problema, Xiang? Ayaw mo na ba? Wala na ba akong puwang diyan sa puso mo?"

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon