Kabanata 44: Lunar Eclipse

59.3K 2.6K 496
                                    



AYON kay kuya Sanchi, hindi maaring buhayin ng Polaris ang sino man, maging ang mga karakter na nabuo sa libro. Iyon ang dahilan kung bakit kinailangan pang makipag kasundo ni Haring Midas kay Yama, dahil maski ang Polaris ay hindi na kayang ibalik ang kanyang pamilya.

Iyon din nag dahilan kung bakit ako lubos na nasasaktan ngayon. Kahit na isulat ko pa libro na mabuhay ulit si Shin ay hindi ito mangyayari.

"Wala kang kasalanan, Xiang." Banggit sa akin ni Cooper. "Ginawa niya 'yon dahil gusto niya, dahil gusto niyang iligtas ang mundo natin pati ang mundo nila."

Alam ko naman 'yon pero sana nakaisip pa ako ng ibang paraan para hindi na lang siya nagbuwis ng kanyang buhay.

"Ako ang gumawa sa kanya pero bakit iba ang tumapos sa kanya? Hindi siya dapat ganoon namatay... hindi sa ganoong paraan."

Niyakap na lamang ako ni Cooper habang nasa van kami na pabalik sa siyudad.

Ngayon na wala na ang mga mogwai ay dapat mas makampante ako na hindi na magtatagumpay sila Haring Midas pero parang mas lalo akong kinabahan. Marahil ay dala ito ng takot sa papalapit na Lunar Eclipse. Sa pagbabalik ni Haring Midas.

Naisip ko rin Scion.

Kamusta kaya siya? Paano ko kaya sasabihin na wala na ang kanang kamay niya?

"Malapit na tayo sa siyudad," sambit ni Sir Raymond. "Maghanda na kayo."

Tinignan ko ang palagid at magulo pa rin kahit na wala na ang mga mogwai. May mga building pa rin na nasusunog at mistulang ghost town pa rin ang Manila. May narinig pa akong ungol na tila ha galing sa lobo pero hindi ako nakakasigurado.

Bumalik kami sa lugar kung saan nagtayo ng kampo sila Kuya Sanchi. Pagdating namin doon ay naghihintay na sila sa amin pero wala roon si Scion.

"Nawala na ang mga mogwai Serenity," bungad ni Kuya Sanchi. "Hindi namin alam kung anong nangyari pero naging abo na silang lahat."

"Sinabi sa amin nila Grock ang kahinaan nila," sagot ko. "Pinatay namin ang reyna nila kaya lahat ay naging abo na. Mas magiging madali na ang lahat."

Huminga siya nang malalim at tumingala sa itaas. Doon ay nakita ko ang buwan. Bilog na bilog ito at napakaliwanag.

"Magsisimula na ang Lunar Eclipse..."

Dahan-dahang nagiging kulay dugo ang buwan.

Dahan-dahang nagiging kulay dugo ang buwan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Tumaas ang balahibo sa buong katawan ko. Kasabay nito ang muling pagtahol ng napakaraming mga lobo. Ito rin ang narinig ko kanina pero mas malakas at nakakakilabot na ang ungol nila.

Kinagat ko ang labi ko. Nanlalamig ang buong katawan ko kaya ipinikit ko ang mga mata ko at naglabas ako ng enerhiya sa kamay ko at inilapat ko ito sa braso ko.

"Nawala man ang mga mogwai pero pumalit naman sa kanila ang mga lobo na galing sa hilaga," sambit ni Kuya Robert. "Ito ang isa sa kapangyarihan na nakukuha ng mga itim na salamangkero sa tuwing sumasapit ang eclipse, kaya nilang kontrolin ang mga itim na lobo."

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon