Kabanata 47: Huling Sandali

81.9K 3.3K 769
                                    



MAALIWALAS na ang langit. Tapos na ang eclipse at tapos na rin ang kasamaan na dulot nila Haring Midas. Wala na ang mga itim na lobo at ahas. Nahuli na rin ang mga itim na salamangkero.

"Nagtagumpay tayo, Serenity." Sambit ni Kuya Sanchi sabay tapik sa balikat ko. "Sigurado akong ipinagmamalaki ka ng mga magulang mo sa langit."

Ngumiti ako at tumingin sa kalangitan. Mas masaya sana kung kasama ko sila ngayon na magbunyi. Pero speaking of pamilya, kamusta na kaya si Auntie?

Tumingin ako sa palagid at napanganga ako nang makita ko siyang gising na at aba, ang laki ng mga ngiti niya habang nakatingin kay Kuya Arnold.

"Serenity!" Sigaw niya nang magtama ang mga mata namin. Tumakbo siya papunta sa akin at akala ko ay hahampasin niya ako pero hinila niya ako para yakapin. "Alam mo bang nanaginip ako na pinadala raw ako sa impyerno? Grabe ang init doon sobra! Kaya simula ngayon, magpapakabait na ako. Simula ngayon, magiging mabuti na akong tiyahin sa'yo."

Akala pala niya ay isang panaginip lang ang lahat. Ano man ang dahilan niya parang maging mabait ay ayos na sa akin basta ba ay magbago na siya.

"Pasensya ka na talaga sa lahat ng mga ginawa ko sa'yong masasama. Alam ko kung buhay ngayon si mama, hindi siya proud sa'kin. Pero sana hindi pa huli ang lahat para magbago at bumawi sa lahat ng kasalanan ko." Nagbago na ang pagtingin ko kanya ngayon. Wala na ang nakakatakot na aura niya.

Hinawakan ko ang mga kamay niya, "Auntie, it's better late than never. Pinapatawad ko na po kayo at alam kong proud pa rin po sa inyo si lola sa langit."

Niyakap niya ulit ako nang mahigpit na halos hindi na ako makahinga.

"Giselle ano ba, mapipisat mo na si Serenity," pag-aawat ni Kuya Arnold. "Dapat ka na rin magpapayat kasabay ng pagbabago mo, ang taba mo na."

"Hoy Arnold! Anong mataba? If I know, crush mo ako noon pa!" Hinampas hampas niya ito sa braso.

"Noon 'yon noong payat ka pa!" Nanlaki ang mata ko sa pag-amin ni Kuya Arnold. Crush niya pala si Auntie? Kaya pala kahit parang aso at pusa sila ay parang may pangiti pa rin siyang binibigay kay Auntie. "Kung babait at papayat ka na, baka ligawan pa kita!"

Halos lahat kami ay nagtawanan sa kanilang dalawa. Pero sa totoo lang, bagay sila. Kung magiging tiyuhin ko si Kuya Arnold ay walang problema sa akin.

"Serenity!" Sabay na tawag sa akin nina Fashia. "Buti hindi ka napahamak," alalang sambit ni Cooper.

Niyakap ko silang dalawa nang sabay. Simula noon hanggang ngayon ay hindi sila nawala sa tabi ko. Hindi nila ako tinalikuran.

"Natalo natin sila Haring Midas. Nailigtas natin ang mundo sa kasamaan."

"Tama ka, pero hindi dapat tayo magpakasigurado." Sambit ni Cooper na siyang nagpakunot ng noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi pa kasi mahanap nina dad 'yong katawan ni Mr. Anderson," inabot sa akin ni Fashia ang libro ng Polaris at panulat nito. "Pero ito, nakita namin sa kuweba."

Maaring naging abo na rin siya kasabay nang pagiging abo ni Haring Midas pero tama sina Cooper hindi dapat kami pakisigurado. Hanggat hindi namin nasisiguro na wala na siya ay hindi dapat kami magpakampante. Pero sana nga... naging abo na lang din siya.

"'Yong katawan ni Liam nasa morge na ngayon at doon na lang daw nila sa bahay ibuburol ang labi niya sabi ni Mrs. Anderson," lumapit sa akin si Fashia upang yakapin ako. "I'm sorry, Serenity. Kahit kami nalulungkot sa pagkamatay ni Liam."

May kumurot na naman sa puso ko. Pilit kong nilalaban ang pag-iyak ko. Hindi gusto ni Liam na nakikita akong umiiyak. Kung nasaan man siya ngayon ay alam kong masaya siya dahil hindi natalo na si Haring Midas.

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon